Chapter 53

9 5 0
                                    

Sapphire

"D-Daddy?!"bago pa kami makagawa ng kahit ano, biglang pinaandar ni dad ang sasakyan.

"Nasaan si Ate Fairah?!"tanong ko kay daddy. Napatingin ako sa front mirror ng sasakyan at nakita ko siyang ngumisi.

"Tingin niyo?"

"Wala tayong usapang idadamay mo ang pamilya ko!"sigaw ni Enyo kaya napatingin ako sa kanya. Usapan? Anong–

Magtatanong pa sana ako nang biglang magsalita si dad. "Basically, she knew about the link and you know what will happen, right?"sabi ni dad.

"Anong ginawa niyo at ng dad ko?!Anong kagaguhan ang game na yun?!"tanong naman ni Yen. Galit man kaming tatlo, wala sa amin ang gumalaw laban kay daddy.

"Matapos ang ilang taong paghahanap ng taong makaiintindi sa aking napakagandang ambisyon, hindi ko akalaing si Ate pala at ang asawa niya lang ang makakaintindi sa akin. Sana noong una pa lang sinabi na nila sa akin."natahimik kami bigla. This is no time for story telling but we need to know the truth.

"I am a horror fan, nagkasundo kami ng mommy mo Sapphire, and so the history happen. There was you. But then suddenly, an opportunity was opened for me. I was asked to direct a horror movie. It was fun, but it lacks something. And then I suddenly realized what it was. Authenticity.

So, I rolled the camera on while taking the death of a certain actor. Dahil doon, inalis ako sa production. My frustration turned into obsession. I want to make something authentic. Something that can spread real fear. Ayaw ng mommy mo noon so I left you two and start  to reach my ambition.

Ang tagal kong ginugol ang panahon para planuhin ang aking pangarap. Hanggang sa nakita ako ni ate. I was forced to tell the truth. Akala ko kagaya ng lahat magagalit siya sa akin. But no. Tinulungan pa niya ako.

And then we made this horror game with the help of those talented people. But then we need to keep it in secrecy. Kaya naman, nagdeploy ng 5 hitman si Ate para patayin ang mga taong maaaring magsumbong kasali man o hindi." Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon. Tinitigan ko si Yen at gaya ko, hindi din siya makapaniwala. Sunod kong tiningnan si Enyo pero umiwas lang siya ng tingin.

"Someone killed two of those hitmans though. At iniimbestigahan na namin ito."

Okay. I've heard enough.

"Hayop ka daddy!"sigaw ko saka marahas na inuntog ang ulo niya sa harapang salamin ng sasakyan. Dahil dito, nagpagewang gewang ang sasakyan.

"Tara na!"sigaw ni Yen saka hinila ako at tumalon palabas ng sasakyan. Sa kabilang pinto naman si Enyo. Nakita ko na patuloy ang pagandar ng sasakyan hanggang sa mayupi ang harapan nito dahil sa pagtama sa isang napakalaking puno.

"A-Ayos lang kayo?"tanong ni Enyo saka gumapang palapit sa amin.

"Oo, ayos lang kami,"sagot ko.

"Kailangan na nating umalis dito!"sabi ni Enyo saka akmang tatayo nang biglang may naghagis ng sleeping gas sa amin. Nakaramdam ako ng pagkahilo at bago pa tuluyang mawalan ng malay, may narinig akong nagsalita.

"Tangina mo Enyo, traydor ka,"

Imposible...

The Link[COMPLETED]Where stories live. Discover now