11

4 0 0
                                    

"I heard po kay Julio na principal po kayo ng high school sa bayan," panimula ni Dominique, "but why po caretaker pa rin po kayo ng bahay ng mga Ardiente?"

Inilapag muna ni Pio ang mga dalang meryenda at umupo sa silyang kaharap ang dalawa habang sila ay nasa sala ng bahay, "It is more of being loyal to the Ardientes dahil sila ay sagisag na rin ng kalayaan ng aming bayan mula sa mga dayuhan and besides malapit sa puso ng buong bayan ang story ng mga first owners ng bahay."

"So, asan yung mga descendants ng bahay? You know the heirs of the Ardientes" tanong ni Jean.

"Matagal nang patay ang pangalang Ardiente dahil yung last descendant nila eh namatay noong panahon pa ng Kastila and besides itong bahay na ito ay tinawag lamang na Casa Ardiente in memory of the last descendant ng family kasi inaanak at tagapagmana niya si Don Tasyo, the original owner of this house," paliwanag ni Pio sa mga bisita.

"Eh asan naman ho yung mga descendants ni Don Tasyo?" tanong ni Dominique.

Isang buntong-hininga lang ang naisagot ni Pio bago binaling ang paningin sa dalawang bisita, "They don't have any direct descendants," tipid nitong saad.

"Po?"

"Are you familiar with the story of Don Eustacio and Donya Dominica?" tanong nito sa dalawa.

"Wait!" Jean exclaimed, "for some reason that name Dominica sounds familiar!"

"Yeah," Dominique butts in "for some reason their names are familiar po."

Napatawa si Pio, "Of course very familiar ang names nila eh paano isinunod ang mga pangalan niyo sa dalawang yaon!" at muling napahagalpak ng tawa.

"OMG!" realization dawns on Jean, "seven-up naman oh! So yung mabantot na name na Eustacio galing sa kanya?!" at napaface-palm na lamang ito.

"Hahaha" patuyang tawa ni Dominique, "Bakulaw ngayon ko lang narealize kabantot ng pangalan mo ahaha!"

Binatukan na lang ni Jean ang kasama sabay ismid dito, "Hoy alien, namumuro ka na talaga sa akin! One more and you're gonna get it! Bakit sa dinami-dami ng mga sexy at beautiful girls sa mundo, I am stuck with a weird and ugly one!"

"Aba! Bakulaw, at least matalino ako kaya kung mawawala tayo bahala ka! At least ako makakauwi ng buhay," sabay irap sa binata

Tumikhim si Pio to get the attention ng dalawang nagbabangayang kabataan, "Your parents actually named you after Don Tasyo and Donya Ikang dahil na rin sa apo nila kayo sa kani-kanilang mga kapatid. Ang  kapatid na babae ni Don Tasyo ay nakapag-asawa ng isang Eulogo - si Don Julian Eulogo samantalang ang nakababatang kapatid ni Donya Ikang ay ang ang lolo mo sa talampakakan, hija, si Don Timoteo."

"Actually your parents are very enamored sa love story nila kaya naman sunod agad  sa pangalan nila ang inyong mga pangalan," paliwanag pa ni Pio.

**********

Mabilis ang takbo ng panahon at kasabay nito ang pagkalimot. Ilang taon na ng tapusin ni Dominica nag kanyang paghihirap at pangungulila. Mabilis na nagbago ang bihis ng nayon ngunit gayunpanman ay mayroon pa ring mga taong ayaw kalimutan ang kahapon at kabilang doon ang dating kapatas ng mga Drilon. Pinili niyang isulat ang naganap noon upang isalaysay sa mga susunod na henerasyon sapagkat nais niyang ang tula at buhay nina Tasyo at Ikang ay manatiling buhay magpakailanman dahil talos ng kanyang puso na ang dalawa'y muling magbabalik upang ipagpatuloy ang kanilang naunsyaming pag-ibig.

Malalim na ang gabi at ang dating kapatas ay abalang nagsusulat sa kanyang kwaderno. Makikita sa kanyang anyo ang mga hirap na kanyang pinagdaanan --- sunog ang balat mula sa maghapong paggawa sa bukid, at ang butil-butil na pawis sa kanyang noo ay mapapansin sa kulubot niyang mukha, ngunti gaano man kaalinsangan ang gabi, ay patuloy siya sa pagsulat ng isang sanaysay na puno ng pighati't pagdurusa.

**********

Marso 19, 18xx

Ginoo,

Maraming salamat sa paglingap at pagtulong sa amin sa panahon na amin itong kailangan. Salamat sapagkat iniligtas mo kami sa mga tumutugis noon sa amin. Isa kayong hulog ng langit sa mga tulad naming sawimpalad.

Sa tulong ninyo'y nalasap namin ng aking irog ang ligayang pangarap namin gaano man ito kaikli. Ako'y magpapaalam na sapagkat ang kahungkagan na aking nadarama'y kayhirap nang dalhin. Sayang at di na namin makikita ang bukang-liwayway sa bayang ito. Sayang at di na namin masasaksihan ang mga ngiti ng mga bata habang sila'y nagtatampisaw sa sapa. Sayang at di na namin maririnig kailanman ang iyak ng mga sanggol habang sila'y umaamot sa gatas ng ilang ina...Sayang sapagkat kailanma'y di kami nabigyan ng pagkakataong maging ama't ina sa aming mga magiging supling...

Isang sumpa ang kagandahan sapagkat ang kagandahang taglay ang siyang naging mitsa ng mga pighati sa aking buhay. Mundo ko'y gumuho ng nawala ang kapara na aking puso dahil sa kagandahang bigay nila ama't ina. Ito'y isang sumpa na aking kinsusuklaman!

Habang inyong binabasa ang liham na ito'y, naroroon ako sa paanan ng talampas at marahil sa inyong pagdating sa pook na yaon, ako'y kapiling na ng aking iniirog sapagkat kami'y nangako sa isa't isa na muli kaming magkikita gaano man katagal.

Maano nawang kayo na ang bahalang magsabi sa aking ama at sa aking kapatid ng kapalarang aking sinapit. Ngunit bago ako lumisan ay makaaasa kayo na aking isinusumpa na kailanma'y di liligaya ang mga salinlahi ng lalaking humadlang sa pagmamahalan namin ni Tasyo.

Lubos na gumagalang,

Dominica Mondragon

Panaginip: Isang PaglalakbayWhere stories live. Discover now