10

25 1 0
                                    

DEATH. One word but it holds the key to a box full of eternal grievance, sadness, remorse, and fear. It is mankind's kryptonite. Just the idea of it makes our knees shiver. It makes the mind run in a wild race towards salvation. But there is no salvation. Only doom.

Death is the end. The finish line we all don't want to reach. Once we reached it, no gold medal nor trophy awaits us in the end. No cheers. No party. No victory. What awaits us beyond the line is infinite darkness. There, we have sadness. Our cheers are the hollowed cries of the living. Our medal is the wreath of flowers that adorns our casket. The trophy, our tombstone. Our party, is the everlasting silence that engulfs the world of the dead. There is only oblivion.

Who would have thought that death is also the door to freedom. Freedom from all the pain, the grief, and the darkness that accompanies us from birth till death...

**********
Malakas ang hampas ng hangin. Dumadagundong ang kulog at kidlat sa buong paligid ngunit ang lahat ng ito'y tila wala lamang sa babaeng nakatunghay sa kawalan na naroroon sa may talampas.

Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagpatak ng butil-butil na kuha habang yakap niya ang isang kuwadro ng kanyang irog at walang anu-ano'y lumapit sa bangin at nagpatihulog.

Lumipas ang oras at naging maliwanag muli ang buong paligid. Nagsigising ang mga nahihimlay na tao sa bayan upang muling bakahin ang isa na namang panibagong umaga. Isa na rito ang kapatas ng mga Drilon, maaga itong bumangon upang tunguhin ang centro ng bayan at sa paglalakbay ay nakita niya ang babaeng nagpatihulog kagabi.

Agad niyang nilapitan ang babaeng kay saklap ng sinapit. Kalunus-lunos ang itsura nito - nakawala sa pagkakapusod ang mahaba nitong buhok na siyang tumatakip sa kanyang mukha, lasug-lasog ang katawan, puno ng sugat ang braso't binti, ngunit kahit sa kamataya'y yakap-yakap niya pa rin ang kuwadro ng kanyang iniirog.

Napaantanda ang kapatas at walang gatol na bumalik sa kanyang pinanggalingan upang ipabatid sa lahat ang kasaysayan nina Eustacio at Dominica.

Sa kanyang pagtalikod, ay bumuka ang lupa at ang tubig ng mahiwagang ilog ay bumukal at kinuha ang katawan no Dominica. Pagkatapos yaon ay biglang nawala ang ilog pari na rin si Dominica at ang larawan ni Eustacio. Ang tanging palatandaan sa kapalarang sinapit ng magkasintahan ay isang kwintas na nagtataglay ng anyo ng dalawa.

Ito na lamang ang nadatnan ng kapatas sampu ng mga kababaryong nais mag-usisa sa nangyari kay Dominica. At mula noon ang bahay ng mga Ardiente ang tanging bumubuhay sa alaala ng kahapon. Sa bahay na yaon inilagak ng buong bayan ang kwintas na kanilang nakita sa paanan ng talampas.

**********
"Magandang umaga ho," bati ni Pio sa dalawang bagong salta, "ano bang atin?"

"Kuya Pio, si ate Dominique at kuya Eustacio po," pagpapakilala ni Julio sa dalawa.

"Good morning po," kiming bati ni Dominique sa caretaker.

"Ano bang atin?" tanong muli ni Pio.

"Well, our parents told us to visit the Ardiente's ancestral house and so that's why andito kami," answered Eustacio matter-of-factly.

Binatukan naman agad ni Dominique ang kasama, "Bakulaw, matuto kang magpakita ng respeto, and you better answer kuya Pio with the whole truth!"

"Ouch!" daing ni Eustacio, "hoy Alien, nakakailan ka na ah!" singhal nito sa kasama.

Inirapan lang ito ng babae and so Eustacio heaves a sigh before answering, "Well the truth is, Kuya Pio, our parents says that we need to visit this ancestral house and they did not give us any explanation why we need to come here, and because masunurin kaming mga anak, here we are!"

"Ah ganoon ba," Kuya Pio said, "sinu-sino nga bang mga magulang ninyo?"

"Anak ho ako nina Atty. Dominic Mondragon at Dr. Julita Ferrer- Mondragon," sagot ni Dominique, "at itong Bakulaw po na kasama ko ay anak nina Atty. Eustacio Jude Eulogo II at Mrs. Conchita Claveria-Eulogo," dugtong pa niya.

"Ah!" Kuya Pio exclaimed, "aba'y mga paslit pa lang kayo ng huli kayong mapunta rito! I know your parents dahil magkababata sila ng ditse Sara!"

"Kuya Pio," pakli ni Julio, "kayo na hong bahala sa mga bisita ni lola at ako'y aalis na't may date pa ako with my babe," paalam nito.

"O siya sige layas na Julio!" patawang saad ni Pio habang minamasdan ang paglayo ni Julio bago niya binalingan ang dalawang bisita, "Tara sa loob ng bahay ng kayo'y makapagpahinga," pag-aaya nito.

Bago pumasok sa loob ng bahay ay muling tiningnan ni Jean ang outside facade ng bahay and somehow the longer he sees the house the more na parang familiar ito sa kanya na somehow this house used to be his and out of nowhere a name suddenly pops-out in his mind and he mindlessly uttered it, "Dominica."


Panaginip: Isang PaglalakbayWhere stories live. Discover now