12

3 0 0
                                    

Para saan pa ang isang pagmamahalan kung sa bandang huli tayo'y di na magkakasama pa? Ang bawat araw at gabing dumarating ay tanda lamang ng pagkaunsyami ng ating kwento. Sayang sapagkat di na matutuldukan kailanman ang sanaysayin ng ating pag-iibigan.

Malamyos ang simoy ng hangin sa gabing ito. Puno ng mga nagniningning na mga tala ang buong kalangitan at higit sa lahat ay pumapailanlang ang halimuyak ng dama de noche. Ang gabing ito'y tulad ng mga gabing tayo ay namamahinga sa azotea ng ating munting kaharian.

Naaalala mo pa kaya ang mga gabing ito? Saulado mo pa ba ang mga nota sa kundimang lagi mong inaawit sa tuwing ako'y sinusuyo sapagkat tayo ay nagkatampuhan?

Irog, masdan mo ang buong paligid. Unti-unti nang linalambungan ng kadiliman ang sangkatauhan. Lungkot ay nagbabadya ng umagos sa mga matang mugto na sa pananalangin na ikaw nga'y magbalik na sa akin --- ngunit batid ko ang katotohanang di na maibabalik ninuman ang iyong sigla't hininga. Huli na ang lahat aking mahal. Naganap na ang nakatakdang mangyari sa akda ng kaaplaran.

Esta escrito.

**********
"Bakulaw, sa tingin mo anong nakain ng mga parents natin at pilit nila tayong isini-ship?" biglang tanong ng dalaga sa kasama habang nakatambay sila sa azotea ng Casa Ardiente.

Doon na nagpalipas ng gabi ang dalawa dahil inabot na sila ng takipsilim sa pakikipagkwentuhan kay Pio.

Hindi narinig ni Jean ang tanong ng kasama dahil nakasalpak sa magkabilang tenga ang mga air pods nito habang kinukutkot ang kanyang smart phone.

"Hoy, Bakulaw narinig mo ba ako?" medyo inis na tanong muli ni Dominique sabay alis sa kanang earpod ni Jean at sigaw ng "Darna!"

"Hoy babaeng ewan, huwag ka ngang naninigaw!" inis na bulyaw ni Jean sa kasama, "tsk, I'd better call Dr. Yoro to book an appointment with him dahil paniguradong basag na ang eardrums ko!" humerantado pa ni Jean.

"Excuse me, Mr. Bakulaw, if nakikinig ka lang kanina in the first place, di kita sisigawan no!" ganting tugon ni Dominique.

"Hello," sabay katok ni Jean sa noo ni Dominique, "anybody home?" patuloy pang pang-aalaska nito sa babae.

Inis na pinalis ni Dominique ang kamay ni Jean na patuloy pa rin sa pagkatok sa kanyang noo, "Tukmol!" sabay tinalikuran ang kasama at tuluy-tuloy na nagpunta sa guest room na inihanda ni Pio para sa kanya.

*********

Matagal ng nakaalis si Alien. Asar na bansot na iyon oh! Nasira na ata ang eardrums ko sa pagsigaw niya ng Darna kanina. Tsk, ano bang topak ang sumapi sa babaeng iyon? I still hear ringing in my right ear, mabibingi na ata ako and I won't accept it! Paano na ako magiging Mr. Perfect sa mga liligawan ko kung may flaw ako na mahina ang pandinig!

Bwisit kasi sila erpats namin eh! Ano ba ang nakain nila at naisipan kaming utusan na bisitahin ang Casa Ardiente? For all I care, it is just an old ancestral house!

Dapat si uncle at daddy ang pumunta rito kasi sila yung old school architecture enthusiast. Kiber ko ba kung anong uring architectural movement ang umiiral sa disenyo ng bahay? Para sa akin it is a haunted one. Dapat di na lang ako pumayag kay Sir Pio na dito magpa-umaga ang creepy kasi ng vibes ng place at tsaka ang layo sa city kaya ng bayan na ito!

Pero may hinala akong kaya kami nautusan ni Alien ng mga erpats at ermats namin na pumunta dito is because they are hoping na magkaroon ng spark between the two of us!!! Pero I'm telling you all na kailanman ay di iyon mangyayari, ang kasiri kayang isipin iyon!

Ngunit as I hear the many stories about the original owners of the house, mas nacucurious ako sa dalawang iyon - Eustacio and Dominica. Ang tagal na ng nilagi ko sa bahay na ito pero wala pa akong nakikitang portrait ng dalawa. Siguro di na sila nagkaroon ng portrait dahil wala silang time kasi time consuming ang pag-upo para maipinta ka lamang ng pintor - bawal gumalaw, umutot, at dumighay man lang pag pinepaint ang itsura mo and I am speaking from experience kasi ang daddy at mommy mahilig mag-sit for portraits and every decade ata kelangan mayroon kaming family portrait! Ewan ko ba! Eh pwede naman kami pumunta sa photo studio to have our portraits taken pero they both insist to do things the old fashioned way! Kumsabagay, oldies at officially thunders naman na sial eh, dual citizen pa nga.

**********

Bwisit na Bakulaw, ang sarap kulamin!

Kung di lang kasalanan ang manakit sa kapwa, ay matagal ko ng kinurot sa singit si Bakulaw! Aba kanina lamang ay kinatok-katok ang bumbunan ko at nagtanong pa talaga ang Bakulaw ng, "Anybody home?!"

Gigil much talaga yang Eulogy na yan sa akin!!!

I will make sure na malalaman nina tito and tita lahat ng katarantaduhang pinaggawa ng anak nila! And speaking of Bakulaw's parents, I've heard from mommy and daddy na kaya kami pinapunta sa Casa Ardiente is to prepare the place para sa wedding anniversary nila tito at tita!

Imagine 30 years na silang kasal! Kailan kaya ako magiging bride din? Yung iba kong mga  classmates, may mga anak na pero heto ako, NBSB pa rin kasi naman panay ang ship sa amin ng mga parents namin simula elementary hanggang ngayon! Kaya hayon, walang nangiming ligawan ako kasi naman ipinasok ba naman kami sa eskwelahan na pagmamay-ari ng family ni Bakulaw! So ayon, bantay-sarado ako...

I really miss mom and dad plus my coffee and Krispy Kreme donuts, pero bago ko sila tawagan at kamustahin, I need my beauty sleep!

Panaginip: Isang PaglalakbayМесто, где живут истории. Откройте их для себя