5

53 0 0
                                    

A single grain of truth is needed to balance the weighing scale of judgement but it also took only a grain of lie to tip the balance. Aanhin pa ba ang isang pagmamahal na maski sa isang panaginip ay di maaari?

-Eustacio

**********

I stared at the note I mysteriously found on one of my great-aunts books that has adorned the family library. Medyo may kalumaan na ang papel na ginamit and the ink used is already fading in some parts but it is not the paper that took me off-guard---it is the handwriting.

Parehong-pareho kasi ng penmanship ng sumulat ng letter ang sulat-kamay ni Bakulaw! How do I know? Easy, halos buong-buhay ko naging kaklase ko sya coz our parents has decided na i-enroll kami on one coed school dahil they thought we can be chummies together but, man, they are so wrong! Eh kasi naman po matalik na magkaibigan mga magulang namin kaya nga di nakapagtataka kung bigla nila kaming i-ship ni Bakulaw.

Well, it doesn't matter, dahil di rin naman matutupad ang nais ng aming mga magulang. Pinakatitigan kong muli ang papel na hamak bago ibinalik sa pinagmulan nito. I let out a sigh at muling naghanap ng babasahin sa mga librong naroroon.

BLAG!

Napaigtad ako sa gulat, and whirled around to see a leather bound book lying on the floor. Tsk. Pinulot ko ito upang muling ibalik but I didn't do it as the title of the book caught my attention:

EUSTACIO: UN VISTAZO DE SIEMPRE

I reread the title again. Eustacio: A Glimpse of Forever. I opened the book randomly and it amazed me to find that it is written by the same ancestor in whose book, I found the ancient note. Agad kong binagtas ang daan tungo sa aking silid and once there, I flipped open the very first page of the book.

**********

Isang hiwaga ang buhay. Maraming mga di inaasahang pangyayari ang dumarating sa atin sa bawat bukang-liwayway at ngayon ngang araw na ito'y di tulad ng mga nakagawiang araw sa aking buhay.

Isang piging ang idinaos sa marangyang bakuran ni Don Esteban Ardiente, isang makapangyarihang tao sa aming lalawigan. Kami'y imbitado pagkat pinsang buo siya ni Ina. Masaya at maliwanag sa buong mansyon. Marami ang mga salitaang nagaganap ngunit ako'y nasa isang tabi lamang, pangiti-ngiti at lihim na inaantok pagkat halos ng mga nagsidalo'y mas may gulang kina ama't ina, at kakaunti lamang ang mga dumalong kasing-edad ko. Nasa ganito akong pagninilay-nilay ng may isang lalaking palapit sa aking kinaroroonan. Napaigtad ako at napaayos ng upo ngunit nilampasan nya ako at nagtuloy sa kinaroroonan ni Don Esteban.

Lumipas ang mga sandali at di ko na mapigilan ang pagtiklop ng aking mga talukab. Ano ba ang dapat gawin sa ganitong mga pagkakataon. Nagpasya akong maglakad-lakad muna sa malawak na hardin ng mga Ardiente ngunit bigla akong tinawag ni ama. Agad akong tumalima.

"Ano po iyon, ama?"

"Halika, hija, may nais akong ipakilala sa iyo," at inakay ako ni ama tungo kina Don Esteban at sa bagong dating.

Pinakatitigan ko ang lalaki. Katamtaman lamang ang kanyang tangkad at pangangatawan. May pagkasingkit ang kanyang mapupungay na mga mata. Marangyang ang ilong at medyo makipot na mga labing laging nakatawa. Tila siya isang mestizo.

"Buenos Noches, Don Esteban, nais ko sanang ipakilala sa inyong panauhin ang aking unica hija," bati ni ama.

"Magandang gabi rin, Sebastian, hija, kung gayon din lang ay una ko ng ipakilala sa inyo ang aking nag-iisang tagapagmana, si Eustacio, na anak ng isang kaibigang namayapa na."

"Ikinalulungkot namin ang maagang pagpanaw ng iyong magulang Eustacio, ngunit nais kong ipakilala sa inyo ang unica hija ng aming pamilya. Eustacio, hijo, sya ay si Dominica."

"Ikinagagalak ko ho kayong makilala Ginoong Eustacio."

"Gayon din ako binibini. Isang karangalan ang ika'y makilala."

"Maiwan muna namin kayong dalawa pagkat kami'y may pag-uusapan pa ng iyong ama, Dominica," saad ng Don.

**********

"So," bungad ni Bakulaw sa akin as I enter the school premises, "will you say yes?"

Tinaasan ko lang siya ng kilay at nagpatuloy sa paglalakad. I just ignored him.

"Dominique," tawag ni Bakulaw, "wait! Just talk to me," and he grabs my arm and steered me towards the cafeteria.

"Ice naman!" paghihimutok ko, "ano na naman ba Bakulaw?"

"Just say no," he said mysteriously before walking away.

Napakamot na lang ako ng kilay in his weirdness and decided to head on my own way to the faculty room.

"Good morning, Mrs. Viernes!"

"Good morning, too, Ms. Dominique!" ganting tugon ni Mrs. Viernes, "so what can you say on the script?"

"What script?" I asks in confusion.

"Ha?!" at pinanlakihan nya ako ng mga mata, "Hindi mo pa ba nabasa yung script para sa play?"

"Meron na ba?" maang kong tanong.

Napaface-palm na lang si Mrs. Viernes at iginiya ako towards my desk wherein a pristine brown paper bag lay immaculately on my desk.

"Dominique, meet the script," pang-aasar pa ni Mrs. Viernes bago nya ako iniwang nakatitig pa rin sa kopya ng script.

I sat down to read.




Panaginip: Isang PaglalakbayWhere stories live. Discover now