13

4 0 0
                                    

Ding Dong Ding

Tunog ng kampana na naghuhudyat ng pagsapit ng alas dose ng gabi.

Tulog na ang mundo at ang tanging maririnig ay ang mga panaka-nakang huni ng mga kulisap.

Madilim at malamig ang gabi.

Sa di kalayuan ay may isang tahanan ang di pa nagpapatay ng kanilang mga lampara. Ang bahay na yaon ay tahimik na sumasaksi sa mga pangyayaring naganap na, ginaganap pa lamang, at gaganapin pa lamang sa hinaharap.

Lahat ng mga pinto at bintana ng naturang bahay ay nakapinid. Walang anumang bakas na mayroon pa ngang gising sa bahay na yaon liban sa mga lamparang nakasindi pa.

Dumaan ang ilang sandali at biglang nabulabog ang katahimikan. Bawat isang nahihimbing ay napabalikwas ng bangon. Ang lamig ng gabi'y napalitan ng alinsangan. At ang dilim na lumlambong sa gabi'y biglang napawi ng liwanag buhat sa isang bahay na nasusunog.

At ang bahay na tinutupok ng apoy ay ang bahay na mayroon pang bukas na lampara sa gitna ng gabi...

Dumating ang buakng-liwayway sa bayang yaon ng mas maaga kaysa sa ibang bahagi ng mundo. Bawat isa'y pilit inaapula ang naglulumagablab na apoy ngunit bawat buhos ng tubig ay tila isang patak lamang ng ulan sa karagatan.

Hindi naapula ang apoy sa kabila ng pagsisikap ng bawat isa na ito'y maaupula. Tumilaok na ang mga tandang at sa pagsikat ng araw, ay nahayag ang kalunus-lunos na sinapit ng tahanang yaon.

Natupok ang bahay ngunit mula sa mga abo nito ay ang mga larawang ng magkasintahang Eustacio at Dominica ay himalang nakaligtas sa apoy na tumupok ng tahanan nila.

Naging palaisipan sa bawat isa kung paano sumiklab ang apoy gayong matagal nang walang nakatira sa bahay na yaon.

Mula sa malayo ay isang batang lalaki ang nakatunghay sa lahat ng mga pangyayari. Kanyang ikinuyom ang mga palad at tahimik na nanaghoy habang nakatingin sa bahay na naabo.

Umalis na ang buong bayan sa pinangyarihan ng sunog upang ipagpatuloy ang kanilang mga naunsyaming pang-araw-araw na buhay. Kaya naman ay naglakas loob na lumapit ang batang lalaki sa pinangyarihan ng sunog. Nang mabanaag ang mga larawan nina Eustacio at Dominica na natatabuhan ng mga abo at natupok na kahoy, ay dagli-dagli nitong isinalba.

Pagdaka'y pinagtabi ang mga ito, at lumuhod sa kanilang harapan, "Nasabi na sa akin nina inang at itang ang aking tunay na pagkatao," lumuluhang sambit ng bata, "mapait ang inyong pinagdaan aking ama't ina ngunit bilang inyong anak, nangangako ako na maghihiganti ang Diyos para sa inyo. Hindi ninyo dapat danasin ang kapaitan ng kapalaran ngunit Tadhana'y mapaglaro," patuloy pa ng bata, "lilisanin ko ang bayang ito paglaki ko upang hanapin ang aking kapalaran ngunit habang ako'y musmos pa ay makaaasa kayo na lagi ko kayong dadalawin.

"Ako'y magtatanim ng isang puno malapit sa dating tarangkahan ng inyong bahay bilang tanda sa aking pagbabalik. Aking muling itatayo ang Casa Ardiente at nawa'y muli tayong magkasama-sama at mamuhay ng masaya bilang isang pamilya."

Linisan ng bata ang lugar dala ang larawan ng mga magulang at nagtungo sa bahay ng mga kinikilalang ama't ina.

Kinabukasan ay bumalik ang bata sa dating kinatitirikan ng Casa Aridente at nagtanim ng isang punong acacia malapit sa dating tarangkahan ng bahay.

**********

Biglang napabalikwas ng bangon si Eustacio, hawak ang dibdib, ngatal na ngatal, at pinagpapawisan ng malamig.

"What a strange dream!" at pilit na pinapakalma ang aking sarili.

The fire seems too real as if I really was there feeling the warmth of that fire that engulfs such a beautiful yet forlorn house. I tried to shake off this blasted feeling of dread but I just can't no matter what I do. Defeated, I decided to catch some more Zs.

I toss and turn trying to get more sleep but to no avail, kaya naman napilitan akong bumangon sa pagkakahiga at nagpasyang maglakad-lakad muna sa buong kabahayan hoping that I will get bored to sleepiness.

I checked first the time, it is 3:00 AM - the bewitching hour sabi ng mga thunders pero as a young blood, I don't believe in that bullsh*t! I decided not to take my phone as a source of light dahil because for some reason, the darkness calms me down.

Busy akong naglilibot ng buong bahay hanggang sa mapadako ako sa isang study. I decided to stay there and wait for dawn to come. Wala lang trip ko lang doon tumambay and sa pagkakaalam ko, di pa kami napupunta ni Dominique sa bahaging ito ng Casa.

Dumiretso ako sa isang tumba-tumba malapit sa bookcase and as I rock the chair, I dozed off...

**********

"Iho, bagong salta ka 'ata rito?" sambit ng isang matanda na ikinabigla ng isang lalaking kanina pa palinga-linga.

Nagulat ang lalaki sa biglaang pagsalita ng matanda, "H-ho?"

"Iho, ikaw ba'y taga-rito?"

"No, where the heck am I? And what time period is this? Why is everyone wearing backward clothes and using backward technologies? Where are the cars? The electric poles?" tuluy-tuloy na tangon ng binata sa matanda.

Napamulagat na lamang ang matanda sapagkat di niya maintindihan ang mga winiwika ng kausap, "Iho, anong wika ba ang iyong ginagamit? Ang tanging banyagang wikang aming ginagamit rito ay Kastila!"

Nagulat ang binata, at muling inulit ang mga tanong sa Tagalog. Pagdaka'y umiling-iling ang kausap.

"Ngayon ay Marso 12, 18__." at iniwan ang kausap at ibinulong sa sarili na may saltik sa utak ang kausap, "sayang, kay bata at kay kisig pa ngunit ang turnilyo'y maluwag na!"

Muling nagpalinga-linga ang binata at pagdaka'y may nakitang kakilala sa di kalayuan. Sumigaw ito para mapansin siya ng kakilala ngunit tila ba di siya naririnig ng tinatawag.

Inis na lumapit ang binata sa kakilala ngunit ng akma niya itong tatapikin sa balikat ay biglang nagbago ang buong paligid na tila ba linamon ng kadiliman ang lahat-lahat at ang tanging natira ay ang binata na anaki'y nakalutang sa karimlan.

Sa katahimikan sa pusikit na karimlan ay isang tinig ang nagsalita, "Isang nakaraang kaypait alalahanin ngunit kinakailangang mahayag upang mabigyan ng tuldok ang salaysaying di matapus-tapos. Iyong masasaksihan ang isang bangungot at sa huli'y siya'y iyong matatagpuan."

Naglaho ang tinig ngunit tila umaalingawngaw sa pandinig ng binata ang mga katagang iniwan ng misteryosong tinig and then a river suddenly appears drowning the whole scene and then he wakes up.

**********

Napadilat si Eustacio. Tirik na tirik na ang araw ng siya ay magising. The warmth of the morning sun has already seeped through the room and for the first time, he sees the study in a whole new light - literally!

In the wall facing the bookshelves, hang two portraits of a young lad and girl, perhaps in their late teens, in period attires. Eustacio gawks in surprise as he studies the portraits as the people painted are familiar to him - kamukhang-kamukha nila ni Dominque ang mga taong nakapinta.

He walks closer to the portraits for a closer inspection and in a brass plate below the portraits, inscribed the names of the people whose portraits caught the attention of Eustacio Jean Eulogo III.

Doña Dominica and Don Eustacio.


Panaginip: Isang PaglalakbayWhere stories live. Discover now