6

29 1 0
                                    

Malamig. Madilim. Tahimik. Hindi ko na mawari ang pagtakbo ng panahon. Ilang beses ko na bang tinanong ang kawalan kung ano ang saysay ng aking buhay ngunit katahimikan lamang ang naging sagot sa aking agam-agam. I listened to the silence and at that moment, I realized that all along I am gazing at my still body floating in the river of memories that swirls all around. It is too weird to be true. Is everything only a dream? Sana nga.

Patuloy ang pag-agos ng ilog ngunit kasabay nito ay ang multo ng magkasintahang minsa'y natunghayan sa aking panaginip. Why do sad memories triumph over the joyous ones? Bakit pait at pighati ang aking nadarama?
Nasaan na ang ligayang laging nasa aking puso?

And then the ebb sucked me in and all I remember is the feeling of being drowned...

**********
Nagising akong habul-habol ang hininga. I looked around my darkened room hanggang mapadako ang aking tingin sa digital clock sa aking nightstand...

"Juice coloured!" usal ko upon learning that it is still 3 in the morning. Tuloy naalala ko yung nabasa ko na pagsapit raw ng ikatlo ng umaga ay madalas maraming kababalaghan ang nangyayari kaya naman dali-dali kong binuksan ang lava lamp sa aking nightstand but suddenly I feel my thirst at dagli akong bumaba ng kama and not knowing that I am still reading the old book before I fell asleep.

It fell on the floor with a resounding thud. Napatigil ako sa aking gagawing pagkuha ng maiinom sa kusina. Linapitan ko ang libro and I gingerly reached for it. The moment that I touched it, a cold wind blew though all my windows are closed. Nagsitayuan lahat ng balahibo ko at ingat na ingat na nagpalinga-linga sa buong kwarto but it was only me and the damn book.

Napalunok ako sa takot and I can't help but break into cold sweat. I can hear my heart beating fast and then my phone rang...

"MAMA!!!" I shouted before passing out.

**********

"So you still believe in ghosts?" mapangutyang tanong ni Bakulaw.

I just glared at him. Bwisit bakit pa kasi kailangan ikwento ni mama kay Bakulaw ang sinapit ko kagabi!

Ah yes, si Bakulaw pala yung pesteng tumawag sa akin bago ako himatayin. Bwisit!!!

"So, ano na Dominique?" biglang inilapit ni Bakulaw ang upuan nya sa akin, "What do you think of the script?" pag-iiba nito ng usapan.

"Okay," tipid kong sagot bago sumimsim sa tasa ng tsokolate.

"Okay?!" paglilinaw ni Bakulaw, "what do you mean?"

"Hina mo naman tsong," pang-aasar ko, " okay. Pwede na. Acceptable. Tsk," at tuluyan ko na syang iniwan sa patio table.

**********

**********

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tik.Tak.Tik.Tak.

Patuloy ang pagtakbo ng oras at ang mga pangyayaring nangyari na'y mahirap ng ibalik.

There are things that has been done that we soon regret afterwards but I know for sure that my decision to read more of Dominica's autobiographical book is for the best of my curiosity.

**********

Dapithapon na naman. Mula sa bayan ay rinig ko ang batinga ng mga kampana na naghuhudyat ng pagsisimula ng pagsambit ng novena sa bawat sambahayan.

Gayunpama'y wala ni isa man ang sumasambit ng anumang dasal sa aming tahanan. Tanging panaghoy lamang ang dumadagundong sa bawat silid. Tanging buntong hininga na lamang ang aking nasasambit sa tuwi-tuwina. Dumating na sa dapithapon ng kanyang buhay ang nag-iisang kapatid ni Ama. Matapos ang mahabang pagkakaratay ay nagpahinga na ng tuluyan ang aking Tia Mercedes.

Sa panahon ng aking pagluluksa ay si Eustacio lamang ang umaalo sa akin pagkat bawat isa'y nagdadalamhati sa kamatayan ni Tia Mercedes.

Nakatulog ako sa pangungulila kay Tiya pagkat siya na ang tumayong ina naming magkakapatid matapos pumanaw ni ina sa isang karamdaman.

Hindi ko mawari ang panaginip na biglang dumating sa gitna ng aking pagkakahimbing. Madilim ang buong paligid at tanging liwanag ng buwan ang tumatanglaw sa mundo. Naglakad ako sa kakahuyang kinaroroonan hanggang sa mapadpad ako sa isang parang. Naroroon sa gitna ng kaparangan ang isang matandang naghahabi ng sinulid. Patuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa na di alintana ang kakulangan ng liwanag. Pinagmasdan ko sya ng matagal hanggang sa umawit ito ng isang awitin...

"Bawat sakit na dulot ng kamatayan,
Mga alaalang ngayo'y lumisan,
Muling mabubuhay sa nakaraan,
Panibagong kamalayan."

Biglang naglaho ang matanda at pumalit rito ay isang lawa. Lumapit ako sa lawang ito at pinagmasdan ko ang aking mukha ngunit unti-unti ay ibang tao ang aking nasilayan.

Si Eustacio. Nakangiti ng mapait at unti-unting tumatalikod sa akin. Ilang ulit kong tinawag ang kanyang ngalan ngunit di nya ako marinig kaya naman tumalon ako sa lawa upang sya'y sundan.









Panaginip: Isang PaglalakbayWhere stories live. Discover now