3

87 1 0
                                    


"Halika, sumama ka na! Naririyan na ang mga kaaway!" nagmamadaling wika ng isang lalaki habang akay nito ang isang babae tungo sa kakahuyan.

Pinagmasdan ko kung paano sila lamunin ng dilim ngunit di kaipala ay narinig ko ang dagundong ng isang galit na tinig na kasabay ng mga yabag ng kabayo.

"Tonto!" hiyaw ng tinig, "inutil! Eres tan estupido como un perro, Eustacio! Te voy a matar!" pagpapatuloy pa ng tinig habang sinusundan ang direksyon ng magkasintahan.

Kung tinamaan ka naman ng lintik! Sana'y di nila mahabol ang magsing-irog. Sana nga...

Di pa man nagtatagal ay nakarinig ako ng putok ng baril sa di kalayuan. Agad kong nilingon ang kakahuyan kung saan ko narinig ang putok. Tumahip ng mabilis ang aking dibdib at dali-daling sumugod sa kakahuyan...

"Eustacio, mahal," hikbi ng isang babae habang karga ang isang naghihingalong lalaki.

Nakatunghay naman sa di kalayuan ang isang lalaking may hawak na baril habang inuusal ng lalaking may ngalan na Eustacio, ang huling habilin nito...

"Babalik ako, pangako Dominica, patawad mahal," paanas nyang saad bago ito tuluyang nalagutan ng hininga.

Pumailanglang ang hikbi ng babae habang yapos ang kamamatay lamang na nobyo.

Patuloy pa ring nakatunghay ang lalaking may baril sa magkasintahan hanggang sa walang anu-ano'y bigla syang dinaluhong ng babae at pilit na inaagaw ang armas na tangan.

Nakipagbuno ang lalaki sa babae upang di maagaw ng huli ang baril na kanyang tangan. Ngunit bigla na lamang yumapos ang babae sa lalaki na syang ikinatumba ng huli and with the moonlight's ray, a crimson blotch appears on the woman's white balintawak...

"Hoy gising!"

"Kailangang sigawan talaga?! Di ba pwedeng alugin para magising?" pupungas-pungas kong baling sa sinumang gumambala ng pag-idlip ko.

"Yeah right," patamad na wika ni...

"Bakulaw?!"

"Oh bakit taong bundok?"

"Aish, kung binabangungot ka naman oh!" patama ko sa kanya.

"Really? But why are you calling my name as you sleep?"

"Huh?" napakamot na lamang ako ng kilay, "sigurado ka? Baka naman namali ka lang ng dinig."

"Yeah, whatever," pagsasawalang-bahala nito, "anyways, either you like it or not, you'll gonna marry me," mayabang nitong saad bago tuluyan akong iniwan sa...

WHERE THE HECK AM I?

"Sa condo ko," wika ni Eustacio na ngiting-ngiti at prenteng nakasandal sa doorframe.

"WHAT!!!"

"Shut up!" hiyaw din nya habang tinatakpan ang tenga at nakangiwi, "tulog mantika ka kanina at di ko alam kung san ka nakatira so I did the most sensible thing! Pinatulog kita sa guestroom ng condo ko," at nagwalk-out ang bruho.

"Ice naman," tampal ko sa aking noo, "what have I done this time?" I muttered to myself.

Pilit kong inaalala ang mga pangyayari kanina bago ako humantong sa lungga ni Bakulaw. Muli kong natampal ang aking noo coz I remembered that after that long and exhausting meeting kailangan kong i-meet ang blind date na sinet ni mommy but it turns out na si Bakulaw pala and then nag-alaskahan lang kami at napainom din ng konting wine so ayun nakatulog ako sa kotse ni Eustacio coz he insists na ihatid ako. I grab the opportunity para tipid pamasahe kasi nagcommute lang ako papunta dahil coding ang sasakyan ko and here I am now groaning at my stupidity.

Argh! Of all people, ba't sya pa napipisil ng mga magulang ko for a son-in-law!

Panaginip: Isang PaglalakbayWhere stories live. Discover now