7

36 0 0
                                    


"Ang corny ng ibang lines," reklamo ko habang binabasa ang script.

"San banda?" tanong ni Baku---

Napalingon ako bigla sa likod ko, and yep he is here. "How did you get in?" asar kong tanong sabay irap sa kanya.

"Tsk. Eh di sa pintuan!" sabay upo sa couch namin at kumuha pa talaga ng Krispy Kreme donuts ko. Kapal!

"Anong masamang hangin ang nagdala sa iyo sa pamamahay namin?" taas- kilay kong tanong.

"Auntie called," maikli niyang sagot bago nilantakan ang hawak na donut.

"Oh tapos?"

"House sitter," pakli nya.

" Explain," Tsaka hinagis sa kanya ang isang throw pillow pero nakaiwas ang kumag.

"For obvious reasons, they don't trust you in taking care of the house kaya pinakiusapan ako nina Auntie to house sit to make sure na may bahay pa silang mauuwian when they are back!"

"Somehow, I feel betrayed. Bakit di ko alam ang plano nila mommy?"

"Don't ask me, I'm not your mom," at pinagpatuloy ang paglamon.

Tsk. Mabulunan ka sana.

"Maiba ako, sino ba nagsulat ng script?"

"Bakit?" tanong nya as he munch on his third donut. Tsk, what a glutton.

"Some lines are corny kasi," I admitted, "lalo na yung mga convos ng bida."

Kinuha nya ang script na nakalapag sa coffee table at sinipat ito. "I think si Dad ang may akda nito. It sounded like him especially the way it was written. Typical dad. Hopeless romantic, tsk."

"Akala ko ba ikaw ang gagawa ng script?"

"Supposed to be," he shrugged, " pero tinamad ako so dad took the reins."

"Grabe ka Bakulaw!" palatak ko, "matanda na si uncle Jude pero inaalila mo pa rin. Grow up man!"

"Yeah right," patamad nyang sagot, "anyway, dad did a terrific job in writing that damn script."

"Eh yung concept ng story saan nakuha ni Uncle yung inspiration?"

"Ewan," kibit-balikat nuang sagot, "pero I think nabasa ni dad sa isa sa mga libro nya. You know him."

I just nodded in agreement. Yeah it really looks like Uncle's work. I've read some of his novels and he always tend to be too romantic in his writings. Binasa kong muli ang script til I got on the cheesiest part...

**********

Malamig ang samyo ng hanging lalo na ngayon at papalapit na ang araw ng pasko. Nangungulila man kay Tia Mercedes ay malaon ko nang tanggap ang kanyang pagpanaw.

"Magandang umaga, binibini," bati ng isang pamilyar na tinig.

Nginitian ko ang ginoo, "Magandang umaga rin, ginoo. Ano ho ba ang atin?"

Ngumiti rin ito bilang tugon, "Wala naman. Nais ko sanang makausap ang iyong ama kung maaari."

"Diyata napakahalaga ng inyong pakay kay ama pagkat kapuputok pa lamang ng araw sa silangan."

"Ipagpaumanhin ninyo, binibini, ngunit ako'y napag-utusan lamang ng Don Ardiente na pumarito upang ibigay ang isang sulat sa palad ng inyong ama."

"Pumanhik na ho kayo, ginoo, pagkat nasa silid-aklatan lamang si ama. Nawa'y mabuting balita ang hatid nyo, Ginoong Eustacio."

"Salamat." At nagpatuloy na ito sa kanyang lakad.

Sa likod ng nakapinid na pinto ng silid-aklatan ay matamang binabasa ni Don Sebastian ang liham mula kay Don Esteban. Pagkaraa'y pinakatitigan ang binatang abalang nagmamasid sa mga librong nakasalansan.

"Hijo," panimula niya, "may kabatiran ka ba sa liham ni Don Esteban?"

Hinarap sya ng binata at umupo sa isang silya malapit sa kinaroroonan ng ama ni Dominica. "Liban sa pagmamadaling maipabatid sa inyo ang nilalaman ng liham, ay wala na ho akong ibang alam, Don Sebastian."

"Bueno, narito ang sulat at basahin mo, hijo, at maiwan muna kita upang kamustahin ang aking unica hija," at iniwan nito ang liham sa ibabaw ng kanyang lamesa bago nilisan ang silid.

Ilang sandaling matamang pinakatitigan ni Eustacio ang liham sinulat ni Don Esteban Ardiente, ang tumayong ama niya ng maagang pumanaw any kanyang mga magulang, bago niya kinuha ito upang basahin.

**********

Don Sebastian Mondragon,

Isang magandang umaga sa inyong sambahayan. Nabalitaan ko ang pagpanaw ni Sedeng, at ako'y nakikidalamhati rin sa inyong pamilya. Ang kanyang kamatayan ang nagbunsad sa akin upang lumiham sa iyo, kaibigan.

Tayo'y tumatanda na at ang dapithapon ng ating buhay ay paparating na. Di ko maiwasang mag-alala sa mga maiiwanan natin pag dumating na ang panahong yaon. Para sa hinaharap at upang mapalagay ang aking loob, ay bakit di natin ipagkasundo sina Eustacio at Dominica? Iyon, ay kung iyong mamarapatin ngunit mas mabuting isangguni muna natin ang bagay na ito sa mga bata upang di maulit ang kamalian ng ating mga magulang.

Nawa'y pag-isipan mo ito ng mabuti, kaibigan. Muli, isang magandang umaga.

Lubos na gumagalang,
E. Ardiente

**********

Makalipas ang ilang araw, ay bumisita ang isang tinyente ng Guardia Civil sa pamamahay ng mga Mondragon. Tuluy-tuloy itong pumanaog sa kabahayan na ikinabigla ng mga utusang naroroon ng umagang yaon.

Walang kaabog-abog na pumasok ito sa silid-aklatan ni Don Sebastian, na ikinagulat Naman ng huli.

"Dios mio!" at napaantanda ang matanda, "ano't naparito ka tinyente?"

"Masamang balita, ginoo, natanggap ng aming himpilan ang masamang kapalaran na sinapit ng inyong inaanak na si Capitan Valencio Navor doon sa bayan ng San Isidro," pahayag ng opisyal.

"Si Valencio?!" tigagal na wika ng Don, "di maaari! Imposible, por favor!"

**********

"So, explain why we are here in this place, Bakulaw?" Dominique asks him as they drove together in his car.

"Ewan," kibit-balikat nitong tugon sa dalaga at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.

Dominique only sighs in exasperation before looking out the window on her side. Matalahib ang buong paligid at baku-bako ang daang tinatahak nila. They remained silent as they continue their bumpy ride.










Panaginip: Isang PaglalakbayOnde histórias criam vida. Descubra agora