16

4 0 0
                                    

TWO YEARS PASSED


"Yuna! Rakeem!" sigaw ko habang hinahabol ang aking kapatid at pamangkin ni Bakulaw

It has been two years since maisilang ang aking kapatid  - kainis ako pa naging yaya nila! Paano ang mommy lagi akong inuutusan na mag-alaga  para daw may first hand experience ako na magagamit after ko mag-asawa. Ew!

Si Rakeem ay anak ng ate Julia ni Bakulaw at magkasing-edad lang sila ni Yuna pero unfortunately, nasawi si ate Julia at ang asawa nitong si kuya Anton when a bomb sets off sa isang night market na pinuntahan nila for their anniversary. Nakaligtas lang si Rakeem dahil I was baby sitting him that awful night. Bakulaw was very enraged at that time...

Two years has also passed since pumunta si Bakulaw sa SoKor upang mag-aral. He earned a scholarship for a masters degree sa Seoul National University and this year ay babalik na siya sa Pilipinas. Hay, tapos na ang dalawang taon ng katahimikan sa aking buhay...

Kung bakit pa kasi kailangang bumalik ni Bakulaw sa Pinas! Why can't he just stay there for good?! And yeah, I almost forgot na kailangan kong sunduin si Bakulaw sa airport pero sinadya kong kalimutan muna ang utos nila mommy para naman marealize ni Bakulaw na isa siyang malaking tinik sa aking buhay! And besides, wala ang parents namin kasi nauna na sila sa Casa Ardiente.

Bakasyon ngayon kaya naman naisipin ng mga erpats at ermats namin ni Bakulaw na doon na lang mag-stay during the summer. Pero sa halip na kunin itong dalawang makukulit na bata, the oldies decided na ako na magdala sa kanila tutal kasama naman na namin si Bakulaw mamaya pag-alis namin.

*************

Pasado alas onse na ah! Pero wala pa rin ang sundo ko! Aba magkakaugat na ata ako sa kahihintay!

It is already near twelve, and since malapit na ang lunch time, diretso ako sa isang coffee shop sa loob ng airport and ordered a cup of coffee and some pastries. I will take my sweet time to finish my lunch para naman maranasan ng alien na iyon ang feeling ng pinaghihintay. Tsk, sweet revenge.

************

"Hoy, impakto!" biglang may humawak sa aking mga balikat, "nandito ka lang pala, eh kanina pa kami hanap ng hanap sa iyo. Buti at nakilala ka ng pamangkin mo!"

I know that voice. Alien.

I let out a sigh at hinawakan nag kamay na nakapatong sa aking mga balikat, "Dominique, alam ko namang may pagtingin ka sa akin kaya alam ko rin mga damoves mo para lang makatsansing ka sa akin pero the answer is no," panlalandi ko sa kanya pero isang batok ang natanggap ko.

Bwis, di pa rin nagbabago ang amazona!

"Hoy Bakulaw, tapos ka na bang humigop ng kape mo? Gagabihin tayo sa byahe!"

"Oh saan ba tayo pupunta? Akala ko sa bahay lang ang trip?" maang kong tanong.

"Wait, di mo alam?"

"Alam ang alin?"

"Sa Casa Ardiente ang punta natin and we have two kids to take care of."

Ano raw?!

*******************

Hindi pala sinabi ng tito Jude kay Bakulaw na sa Casa Ardiente ang diretso namin after siyang  sunduin sa airport. I am currently driving dahil jetlag ang Bakulaw pero napagkasunduan namin na after namin makalabas ng Manila, hahanap kami ng isang inn or hotel para doon muna magpahinga para si Jean na ang rerelyebo sa akin behind the wheels. I agree with his suggestion kasi di ko rin kabisado ang daan patungo sa Casa Ardiente.

Si Yuna at si Rakeem ay parehong tulog na rin. Natulugan na nila ang panonood ng Upin at Ipin pati pagkain nakalimutan na nila after silang hilahin ng antok.

I viewed the kids through the rear view mirror, they look so angelic and cute pag tulog pero pag gising na sila, goodluck na lang! Masyado silang maraming nervous energy na kailangang maispend every waking hours lalo si Yuna, sobrang likot!

10 HOURS PASSED

Welcome to Casa Ardiente

"At last! We are here!" mabunying saad ni Bakulaw.

"Baks," inaantok kong sagot habang humihikab, "bakit ang ingay mo?"

"Tito Jean, bakla ka?" tanong naman ni Rakeem.

"Ha?" tanong na sagot ni Jean, "I am not bakla, where did you get the idea?"

"Tita Dom calls you 'baks' so I thought you are gay."

Bigla akong siniko ni Jean. "Aray! Ano bang problema mo?" asik ko sa kanya.

"You," turo niya sa akin, "drive while I sleep." At umalis siya sa driver's seat at lumipat sa likod ng SUV at humilata ang damuho.

"Uh oh," sambit ni Yuna, "ate, you make kuya Jean angry na oh," pointing out the obvious.

"So?" taas-kilay kong tanong.

"Di na tayo punta kina mommy at daddy. Di na natin sila kita," at pumalahaw na ito ng iyak.

I saw Jean through the  rear view mirror smirk satisfactorily...

May araw ka din sa akin Eustacio Jean Eulogo!

I turned to Yuna at nginitian ito, "Relax, Yuna!  We will go to where mom and dad are. Malapit naman na tayo, so tahan na, okay?"

"Wili?" pasinghot niyang tugon.

I smiled and patted her head before continuing our journey. Medyo kabisado ko ang daan papuntang Casa Ardiente basta ba nasa mismong barangay na kami, and ipinagpapasalamat ko na dito mismo sa may arko ng barangay naisipang mag-tantrum ni Bakulaw. I smiled inwardly. Tsk.

Tumingin ako sa rearview mirror upang sipatin ang tulog na si Bakulaw, "May araw ka din sa akin."

Matagal na panahon na rin ang lumipas simula ng una kaming mapadpad ni Jean sa liblib na bayang ito. Marami na ang nagbago. Ang sementeryong aming dinaanan noon bilang shortcut ay pinasara na ng gobyerno at ginawang isang memorial park gaya sa Paco cemetery. Ang mga nakalagak na bangkay ay di na inilipat bagkus, itinigil lang ang paglilibing doon. Ang hinagpis at kalungkutang dating lumalambong sa pook ng mga yumao'y napalitan ng ngiti't halakhak. Naging paborito rin itong hang-out ng mga kabataan na nahihilig ng TikTok, zumba, at kung anu-ano pang usong gawain para sa mga kabataan.

Ang lola nila Julio at kuya Pio ay matagal nang nagpantay ang mga paa at kasalukuyang nakahimlay sa lumang sementeryo. Every undas ay binibisita ko ang kanyang puntod sapagkat kundi dahil sa kanya, ay di kami makakarating sa Casa Ardiente. Talk about getting lost dahil sa kupal mong kasama!

Mamaya ko na dadalawin si lola pag naihatid ko na sila Yuna at Rakeem sa mga oldies. Si Kuya Pio pala ay tumigil na bilang care taker ng Casa dahil napromote na siya bilang Division Superintendent at kinakailangan niyang lumipat sa kabisera ng bayan dahil doon matatagpuan ang Division's Office ng probinsya nila.

 Si Julio, na apo ni lola, ay isa nang CPA at nagtatrabaho sa headquarters ng isang bangko doon sa Manila. Madalas kami magkita ni Julio  doon dahil malapit sa eskwela ang lugar na tinutuluyan niya. At dahil doon ay nalaman kong uuwi siya upang magpakasal sa kanyang nobya. Sa katunayan ay ginawa akong maid of honor at si Yuna ay flower girl and Rakeem as a page boy.

Marami na nga ang nagbago sa paglipas ng panahon.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Panaginip: Isang PaglalakbayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon