4

58 0 0
                                    

"Reincarnation is a very popular belief," panimula ko sa aking klase, "but it is often misunderstood. We fear death because we are not certain of what's gonna happen after we die, isn't it?" tanong ko sa mga bata.

They murmured their replies and I continue speaking, "Death is a human belief system that has been created to invoke fear and suggests that nothing exists after your life, but ironically, many beliefs support the notion that 'a soul goes to heaven.' Yes, there is an an afterlife. It is known as the spiritual world and when you return to the world you are not punished for any sin, and a soul certainly does not cease to exist after a person dies.

"Well, veering back to the topic, reincarnation, simply put is the cycle of living again after having lived another lifetime. But there are rare cases when individuals recall their past lives, and most of them are children. If a soul reincarnates with unfinished business, or dies a traumatic death, these memories are more likely to carry over into another life."

I look at my students to check whether they are listening or not, and they are indeed listening with rapt attention. I smiled inwardly.

"Now, if you want further readings on reincarnation," I faced the board and wrote their reference, "check www.deusnexus.wordpress.com."

"Ma'am," a student raises her hand, "if reincarnation really does exists, what are we to do with it?"

"Well, Ms. Santillan, what would you do?" balik-tanong ko but she didn't answered back kaya ipinagpatuloy ko ang pananalita, "okay class, let us assume that reincarnation exists, I want you to ask your parents or elders if ever you have acted weirdly when you were children such as spouting things about a past life. But if none of them remembers, well, you can hypothesize based, of course, on what you believe you were in the past. Passing of papers will be a day prior your examinations next week. Class dismissed," and I turned towards the exit.

 Class dismissed," and I turned towards the exit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

**********

Isang karwahe ang matuling tumatakbo tungo sa aking kinaroroon. Hila-hila ito ng isang malaki't itim na kabayo na tila nag-aapoy ang mga matang nakatitig sa akin. Hindi ako natinag sa aking kinaroroonan. Inaasahan ko na ang mga susunod na pangyayari. Masasagasaan at malamang sa malamang ay maaari ko ng makasama si Eustacio ngunit bakit kailangan pang maranasan ang sakit na ganito? Ganito ba dapat ang kapalarang nakatadhana? Kung gayon din lang ay mas mainam ng tapusin ang sakit na dinaranas upang sa gayo'y matatahimik na ako.

Biglang bumuhos ang ulan at kasabay nito ang biglang paglaho ng kabayo't karwahe. Napanganga ako sa nangyari, hindi ako namamalik-mata, untag ko sa aking sarili. Ganito ba kahirap magnais mamatay? Nahigit ko ang aking hininga ngunit pinakawalan rin ito.

Ilang beses ko na bang sinubukan? Una, noong dinaluhong ko ang lalaking bumaril kay Eustacio ngunit sa bandang huli'y daplis lamang ang aking natamo. Nakuyom ko ang mga palad ng wala sa oras ng maalala ang masalimuot na gabing yaon.

Napatingala ako sa madilim na kalangitan habang bumubuhos ang ulan. Napangiti ako ng pauyam at isinigaw ang mga pilit na itinagong hinanakit.

"Magbabayad kayong lahat! Maghihiganti ang langit sa ginawa ninyo sa amin in Eustacio. Ipinapangako ko---"

Hindi ko naituloy ang mga sasabihin pa pagkat isang karwaheng hila ng isang itim na kabayo ang rumaragasang sumagasa sa akin. Napangiti ako bago tuluyang hilahin ng panghabambuhay na dilim. At di ko na namalayan ang biglaang pagbukal ng isang ilog sa aking kinaroroonan na syang tuluyang lumamon sa akin.


**********

"So isang play ang ipepresent ng English Department?' tanong ni Mrs. Viernes sa akin habang kumakain kami ng lunch sa cafeteria ng school.

"Apparently, nais ni Mr. President na gawan natin ng kwentong nakakakilig at nakababagbag damdamin for the students and he wants it set on the 1800s Philippines," singit ng co-teacher naming si Ms. Imelda Obena, na kararating lang after umorder ng pagkain.

I cocked an eyebrow at her, "So ano raw ang plot?"

Nagkibit-balikat lamang si Ma'am Imelda habang sumusubo ng pagkain. Liningon ko si Mrs. Viernes, "Eh ikaw Ma'am Lourdes ano sa pakiwari mo ang magiging takbo ng play?"

"If I'm gonna be the one to write it, siguro yung langit at lupa romance theme ang maisusulat ko," tugon nya.

"Eh sino ba raw gagawa ng script?" tanong ni Ms. Obena.

"IDK," patamad kong sagot bago sumubo nang biglang sumagot si Mrs. Viernes, "Si Sir Jean daw ata," tukoy nito kay Bakulaw. Hindi agad naprocess ng utak ko ang ibig nya and when I finally understand what she means ay wala sa oras na naibuga ko ang aking nginunguya at saka inihit ng ubo.

"WHAT?!"



Panaginip: Isang PaglalakbayWhere stories live. Discover now