Chapter: 60

1.7K 66 13
                                    

Samantha's POV

It's a Monday morning maaga akong gumising dahil naisipan kong pumasok sa restaurant baka sakaling malibang ako at kahit papano makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko.

Naghahanda ako ng breakfast ng biglang tumawag si mama, agad ko namang sinagot.

Anak kamusta kana?".Bungad ni mama.

O-okay lang naman po ma".Pagsisinungaling ko. Hindi pa ko handa para sabihin sa kanila ang nangyare.

Naku mabuti naman anak, e masyado ka kasing busy kaya ako na ang tumawag para kamustahin ka".

Pasensya na po ma, babawi na lang po ako sainyo".Saad ko.

Mag iisang linggo na mula nung umalis si Abby at mag iisang linggo na din akong hindi nagpapakita at tumatawag kila mama, ayoko naman na makita nila akong ganito.

Asahan ko yan ha? Namimiss kana kase namin e".Malungkot na sabi ni mama.

N-namimiss ko na din po kayo".Naiiyak kong sagot. Kahit gusto kong magsabi kay mama ng nararamdaman ko mas pinili ko na lang sarilihin dahil natatakot ako.

Nang magpaalam na si mama nagumpisa na kong kumain para makaalis ako ng maaga.

8:30 am pa lang nang makarating ako sa restaurant namin ni Julia halos pa wala Pa naman tao dahil maaga pa at panigurado wala Pa si Julia.

Goodmorning ma'am Sam".Ngiting bati ni manong guard saka ako pinagbuksan ng Pinto. Pilit na ngiti lang ang sinagot ko.

Goodmorning po ma'am".Masiglang bati ni Mae isa sa mga waitress namin.

Goodmorning, kamusta naman dito?".Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga taong kumakain.

Ah maam okay naman po madami pong kumakain lalo na po nung mga nakaraang araw".Masayang sagot nya.

Mabuti naman kung ganun".

Hindi alam ni julia na nandito ako kaya panigurado magugulat sya.

Dumiretso ako sa office namin para dun na lang hintayin si Julia, nang makapasok ako agad akong umupo at sumandal sa upuan.

Sana sa ganitong paraan kahit papano maibsan ang pangungulila ko kay Abby hindi ko na kase alam kung ano pang dapat kong gawin, lahat ginawa ko na para mawala yun sakit pero hanggang ngayon nasasaktan padin ako.

Ilang minuto lang ang lumipas ng may kumatok sa pintuan.

Pasok".Utos ko.

Ah maam iaabot ko lang po tong listahan ng mga kailangan natin".Ngiting saad ni Mae."Bale po yan po yung mga idadagdag sa order natin, hindi po kase dumating yung order para po sana nung nakaraang linggo".Paliwanag nya.

Bakit wala? Alam ba to ni Julia?".Nag'aalang tanong ko.

Sasagot pa sana si Mae nang biglang bumukas ang Pinto at pumasok si Julia.

Sam anong ginagawa mo dito?".Takang tanong nya.

Hindi ko alam kung matatawa ako sa tanong nya o maiinis.

Nagtatrabaho?".Patanong kong sagot."Teka bat late ka?".Tanong ko sa kanya kahit alam ko naman na lagi syang late.

Bruh okay lang naman kung di mo pa kaya".Nag'aalalang saad nya.

Tumingin muna ako kay Mae at pinalabas muna sya."Baks wala naman akong sakit ah".Pamimilosopo ko."

Alam ko".Irap nyang sagot."You know what I mean naman diba?".Saad nya saka umupo sa sofa.

My Sexy Secretary (GxG Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon