Chapter 5

7.7K 196 4
                                    

Samantha's POV

Papalabas na ko ng building kung saan ako na'apply kani-kanina lang. Hindi yung mismong may'ari ang naginterview sakin kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Ang sabi sakin nung babae kanina sya yung papalitan ko bea.. Tama bea ang pangalan nya 4 na taon na daw syang nagtatrabaho dun kailangan lang daw nya mag'resign dahil bubuo na sya ng pamilya. Siguro naman mabait yung amo ko kase nagtagal nga si bea e

Paglabas ko ng building ay agad akong sumakay ng taxi at umuwi na. Oo nga pala nakalimutan kong sabihin na natanggap nako at pwede nako magumpisa bukas . party party naaaaa hahaha charrr lang tsaka na pag may sahod na xD sahod agad? Di pa nga naguumpisa

Saktong 12pm ay nakarating nako sa bahay. Nadatnan ko si papa at mama na nagpapahinga sa sala, agad naman akong nagmano sa kanilang dalawa

O anak kamusta ang pag'aapply ng trabaho" tanong ni papa habang nakaupo sa tabi ni mama

Umupo muna ko sa tabi nila habang naghuhubad ng sandalas. Natanggap na po ako papa pwede na po akong magumpisa bukas" sagot ko habang nakangiti ng pagkatamis tamis.

Natuwa naman sila sa ibinalita ko. Pero syempre may side comment pa din si mudra xD alam nyo naman medyo hindi pa ganun ka payag si mama na magtrabaho ako. Pero alam ko naman na maiintindihan din nya ko para din naman sa kanila yun e

Nalala ko hindi ko pa pala naibabalita kay julia ang tungkol sa paguumipisa ko bukas sa trabaho. Kaya naman nagpaalam ako kila mama na aakyat muna sa kwarto ko at tatawagan ko si julia

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad kong tinawagan si julia sinagot naman nya agad ang tawag ko

Hello friend anong ganap?" Bungad agad ni julia sa kabilang linya

Wala naman ibabalita ko lang na may trabaho nako at maguumpisa nako bukas" sagot ko sa kanya habang nakahiga sa kama

Wow nice friend so manglilibre kana nyan" etong babaeng to walang ibang alam kundi libre xD

Libre agad? E maguumpisa pa nga lang ako bukas" pagtataray ko sa kanya

Uy gwapo ba yung boss mo?" Tatawa tawang tanong nya. Tamo tong babaeng to lumalandi nanaman -_-

Natawa naman ako sa tanong nya. Yun talaga yung tanong mo? Hindi ba pwedeng mabait muna" sagot ko sa kanya habang natatawa sa kalokohan nya

Sa totoo lang hindi ko alam kung babae ba o lalake ang magiging boss ko. Hindi naman kase nabanggit ni bea e. Tsaka bakit nga ba hindi ko natanong? Hay bahala na nga bukas magkikita din naman kami

Umabot din ng halos kalahating oras ang kwentuhan namin ni julia. Nang magpaalam sya sakin at may pupuntahan daw sya ay agad kong pinatay ang tawag tsaka ako umidlip

Hindi ko namalayan na napasarap pala ang tulog ko kaya nagising ako medyo madilim na sa labas. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto ko ay mag 7pm na pala

Nagpagpasyahan kong maligo ulit at sobrang naiinitan ako. 7:30pm na ng lumabas ako sa banyo, nagsuot ako ng maluwang na t'shirt at medyo maikling short dahil andito lang naman ako sa bahay. Pagkababa ko sa sala nakita ko ang ang mga kapatid ko na nanunuod ng tv

Asan si mama at papa?" Tanong ko sa pangalawang kong kapatid na si vince

Si mama andyan sa kusina ate nagluluto si papa naman sa labas nililinisan yung taxi" sagot nya habang nakatutok pa din sa tv. Agad naman akong pumunta sa labas para tignan si papa sa ginagawa nya

Nakita ko si papa na pinupunasan yung harapan ng taxi nya

Pa, gabi na po ah bakit nililinisan nyo pa yang taxi nyo?" Tanong ko habang nakatayo sa likod nya.

Tumingin si papa at umingiti sakin sabay sabing" e kase anak dba unang araw mo sa trabaho bukas, isasababay na kita para naman hindi kana mamasahe

Sweet naman ang papa ko" sabi ko habang nakangiti. Sweet talaga tong si papa samin lalo na syempre kay mama

Nang matapos si papa sa ginagawa nya ay agad naman kaming tinawag ni vince para maghapunan

Pa ate kain na daw po sabi ni mama " sabi ni vince na nasa pintuan. Tumango naman kami ni papa at inakbayan nya ko habang papasok sa bahay

Pagpasok namin ni papa dumiretso na kami sa kusina nadatnan namin ang mga kapatid at si mama.

O andyan na pala kayo kain na tayo umupo na kayo dyan " sabi ni mama habang nagsasandok ng ulam na niluto nya, lumapit naman si papa sa likod ni mama at yumakap sa likod ni mama

Ang bango naman ng niluto mo mahal"sabi ni papa habang nakayakap pa din kay mama. Binobola mo nanaman ako" sagot naman ni mama habang nagpupumiglas sa yakap ni papa

Ganyan sila maglambingan sobrang sweet. Kahit na nasa likod lang kaming magkakapatid xD hay minsan iniisip ko kelan kaya dadating yung lalakeng magmamahal sakin gaya ni papa

Ilang sandali pa ay nagsimula na kaming kumain at magkwentuhan. Nang matapos kaming kumain ay ako na ang naghugas ng pinagkainan namin.

Pagtapos ko maghugas ay umakyat nako sa kwarto dahil 9pm na kailangan ko pang gumising ng maaga bukas dahil first day ko sa work. pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong nagtooth brush at a naghilamos ng mukha tsaka ako nagbihis ng pantulog, humiga ako sa kama ko habang hawak ko ang phone ko nagbukas ako ng facebook at sa minamalas naman yung ex ko ang una kong nakita sa newsfeed ko. Nawalan ako ng gana kaya mas minabuti ko na lang na mag'log out

Masakit padin kase para sakin ang ginawa nyan kahit na mag 1 month pa lang naman kami sana. Okay na din yun kesa naman pagsabayin nya kami dba ? Ilang sandali lang ay dinalaw nako ng antok at di namamalayan na nakatulog na ko

Sorry po kung medyo sabaw😁 hahaha

-Thesa_1921





Nagising ako sa katok sa labas ng kwarto ko. Uhmmm naginat muna ko bago unti-unting dinidilat ang mga mata ko 5am pa lang pero syempre kailangan ko ng bumangon at magayos ng sarili dahil first day ko sa work

Anak gising kana ba? Nakaluto na ko ng umagahan nyo ng papa mo" sabi ni mama habang kumakatok pa din

Opo ma maliligo lang po ako sandali" sagot ko naman kay mama habang nakaupo pero nakapikit padin ang mga mata ko

Narinig ko ang mga yabag ng palalayo sa tapat ng kwarto ko. Kaya nagumpisa nako maglakad papasok sa banyo upang maligo

Nang matapos nko maligo aya agad akong nagbihis ng simpleng dress lang naman hanggang tuhod lang ang haba nito. Nagsuot nadin ako ng flat sandalas dahil hindi naman ako mahilig magsusuot ng may takong

Pababa nako sa kusina para kumain ng almusal kaming tatlo lang nila mama ang gising dahil naghihilik pa ang dalawa kong kapatid, maya'maya pa sila gigisingin para maghanda sa pagpasok sa school

Ilang minuto lang ang lumipas at natapos na kumain kaya naman nagpaalam na kami ni papa kay mama at aalis na kami

Magiingat kayo ha. Goodluck sa trabaho mo anak"sabi ni mama habang kumakaway samin ni papa

10am ang oras ng pasok sa Allejo group of company's yan ang pangalan ng kumpanyang inapplyan ko. Ngayon ay kakarating ko lang dito medyo napaaga lang ako dahil 9:35am pa lang. Okay na yun kesa naman late xD

My Sexy Secretary (GxG Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon