Chapter 8

6.4K 163 0
                                    

Abbigail's POV

Katatapos lang namin mag'meeting ni Mr Reyes buti na lang at umabot ako kung hindi, hindi maisasara ang deal namin. Buti na lang tinawagan ako ni samantha nawala kase talaga sa isip ko yung meeting sa dami ng iniisip ko

Pabalik na kami ng office ni samantha ng biglang maalala ko hindi pa pala ako nakakapag pasalamat sa kanya. Malaking kawalan kase si Mr Reyes sa kompanya isa sya sa pinaka mayaya'yamang sponsor ng kompanya. kaya pagkapasok namin sa loob ay agad akong nag pasalamat

Thankyou" Pagpapasalamat ko sa kanya habang nakangiti. Nagulat ata sya kase bigla akong nagsalita xD sobrang magugulatin e

P-para san po?" Tanong nya habang nauutal pa

Dahil pinaalala mo sakin yung meeting. Alam mo bang malaking kawalan sa company natin si Mr Reyes? Kung hindi ako umabot i'm sure umalis na yun, madaling mainip ang isang yun" mahabang paliwanag ko sa kanya

Ah wala po yun. Trabaho ko naman po talaga ang ipaalala sa inyo ang mga schedule nyo" sagot nya habang nakangiti. Parang may kung anong nagrarambulan sa sikmura ko ng mapagmasdan ang ngiti nya, ano tong nararamdaman ko?

Mag 5pm na pala. So ang tagal din pala namin nagmeeting ni Mr reyes, tiningnan ko si samantha na nakaupo habang busy sa phone nya may pangiti ngiti pa.  Siguro may boyfriend na sya yun siguro katext or ka'chat, bakit ka apektado?  bakit nga ba. Hay ewan -_-

At dahil wala akong magawa naisipin kong makipag kwentuhan sa kanya or should i say pagtripan sya about sa pag sabi nya ng halimaw kanina sakin xD ang cute nya kase pag nahihiya e Hahaha

Tumayo ako at naupo sa ibabaw ng table ko tsaka ko nagsalita

Can i ask you something? " tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan sya. At dahil magugulatin ang ate mong girl ayun muntik na nyang maihagis ang phone nya xD Ang hirap magpigil ng tawa sa totoo lang, ang epic na mukha e

H-huh. Ano po yun?" Tanong din nya habang nagkakamot ng batok. Bakit ang hot nya tignan? Nagkakamot lang naman sya ng batok. Tsk tsk tsk

Mukha ba talaga akong halimaw?" Tanong ko sa kanya habang naka'pout. Papacute ako wag kayong ano! Haha. Bigla naman syang namula sa tanong ko, kaya di ko na napigilang tumawa

Nag'angat sya ng mukha at naguguluhang tumingin sakin

Magugulatin ka talaga noh" sabi ko sa kanya habang tatawa tawa pa din ako

Sobra po" Nahihiya nyang sabi, Yung nasabi ko po kanina hindi ko po yun sinasadya ganun po talaga ako pag nagugulat kung ano anong lumalabas sa bibig ko " mahabang paliwanag nya

Nah its okay wag mo ng isipin yun" sabi ko habang nakangiti. Tsaka pwede ba wag mo nako pino'po kase ang lakas makatanda e, tsaka 1 year lang naman ang agwat ko sayo dba?" Tanong ko sa kanya

Tumango lang sya bilang sagot. Itatanong ko pa sana kung may boyfriend na sya kaso naunahan naman ako ng hiya

Kung wala ka ng ginagawa pwede ka ng umuwi" sabi ko sabay upo sa upuan ko at pinagpatuloy ang mga trabaho ko

Sure ka? Maaga pa kase" Paninigurado nya

Yeah" Sagot ko sa kanya ng hindi tumutingin

Nang maayos na nya ang mga gamit nya ay agad syang nagpaalam at lumabas ng office. At dahil mag'isa na lang ako ay huminto muna ko sa ginagawa ko at sumandal sa upuan

Nasa malalim akong pagiisip ng may tumawag sa phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag, si mommy pala kaya agad kong sinagot

Mom" Tipid kong sagot kay mommy

Abby anak pwede ka bang umuwi ng maaga i cooked a dinner for you" Sabi ni mommy sa kabilang linya. Naglalambing nanaman ang mommy ko

Okay mom" sagot ko habang inaayos ang mga gamit ko. Naisip ko masyado na kong busy sa company hindi ko na nabibigyan ng time si mommy kaya naman hindi nako nagdalawang isip na umuwi

Mag 8pm na ng makarating  ako sa bahay at dahil nagluluto pa lang si mommy umaakyat muna ko sa taas para makapag bihis. Nang matapos akong magbihis ay nahiga muna ko sa kama habang nakatingin sa itaas, nalala ko nanaman si samantha hindi ko alam kung anong meron sa kanya at nakakaramdam ako ng kakaiba sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti nya.

Napatigil ako sa pag'iisip ng kumatok si ate mel para sabihing nakahanda na aw ang dinner at naghihintay na si mommy sa baba. Agad naman akong bumaba at nagtungo sa kusina, pagkababa ko ay nakita ko si mommy na nakaupo na sa hapag kainan lumapit naman ako para humalik sa pisngi ni mommy tsaka ako umupo sa side nya

You look so tired hija" Sabi ni mommy habang seryosong nakatingin sakin. Hindi masamang magpahinga kahit paminsan minsan, i think you need to rest kahit ilang araw lang" Pagpapatuloy nya

I'm fine mom, madami lang pong kailangang ayusin sa kompanya " Sagot ko habang naglalagay ng pagkain sa plato

Nag'aalala lang naman ako sayo anak. Masyado ka ng busy sa trabaho hindi kana nga lumalabas with your friends e" Sabi nya na may pagaalala sa boses

Simula kase ng mawala si daddy ako na ang nagpatakbo sa company hindi yun madali kaya kailangan kong magfocus. Siguro tama si mommy nawalan nako ng time para sa sarili ko, pero eto na yun nakasanayan ko bahay trabaho. Trabaho bahay lang ang naging mundo ko

Nang matapos na kaming kumain ay nagpaalam na ko kay mommy na aakyat nako sa taas para magpahinga. Pagkaakyat ko nag toothbrush at naghilamos muna ko bago tuluyang humiga

Nakahiga nako ng maisipan kong mag phone muna pag'open ko ng phone ay nagbukas ako ng gallery. Nahinto ako sa pag scroll ng makita ko yung taong nagdulot ng sakit sa puso ko, Pero bakit parang wala ng ipekto sakin nang makita ko ang mukha nya? Ang tanging nararamdaman ko na lang ay ang galit at sama ng loob. Hindi ko namamalayan na binubura ko na pala lahat ng picture nya, ang sarap pala sa pakiramdam ng makalaya sa sakit ng nakaraan

My Sexy Secretary (GxG Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon