Chapter: 71

1.9K 78 14
                                    

Abbigail's POV

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hang over at medyo nasusuka pa ko, napatingin ako sa tabi ko ngunit wala na si Sam.

Tumayo ako at dumiretso sa banyo para magshower 10am na din naman kaya kailangan ko ng bumangon baka inaantay nako ni Sam sa baba. Lihim naman akong napatingin sa isiping inaantay ako ng taong mahal ko.

Nang matapos ako magshower nagmadali akong bumaba sa sala.

O anak gising kana pala".Saad ni nanay Lily."Magalmusal kana, nakahanda na sa kusina yung pagkain mo".Utos nito. Luminga linga ako sa paligid upang hanapin si Sam ngunit wala akong makita kahit na anino.

N-nay asan po si Sam?".Takang tanong ko ng hindi ko talaga makita si Sam.

Bumalik na sya sa Manila kanina pang madaling araw".Sagot nito."Hindi na sya nagpaalam dahil mahimbing ang tulog mo".Saad nito habang nagpupunas ng mga display.

So umalis sya ng hindi man lang hinintay na magising ako? Sinabi lang ba nya lahat ng yun kasi hiningian sya ng tulong ni mommy.

Your so stupid Abby!

Paakyat na sana ako sa taas ng muling magsalita si nanay."Hindi ka ba kakain?".Takang tanong nya.

Nawalan na po ako ng gana".Mahinang saad ko saka tuluyan ng bumalik sa kwarto. Bakit ba kasi naniwala ako sa mga sinabi nya?

Nang makapasok ako sa loob naglakad lakad ako habang napapasabunot sa sarili kong buhok.

HOW COULD YOU DO THIS TO ME!".Galit kong saad saka sinuntok ng ilang beses ang pader.

Umiiyak akong napaupo sa sahig at niyakap ng sariling mga tuhod, ginawa nya lang ba to para gantihan ako?! Kasi alam nyang mahal ko sya.

Hinagis ko lahat ng pwedeng ihagis sa sobrang sama ng loob ko,  maya maya pa'y may kumatok sa pintuan.

A-abbigail anak a-anong nangyayare sayo?".Nagaalalang tanong ni nanay."A-anak buksan mo to magusap tayo".Saad nito.

Leave me alone!".Sigaw kong saad."Gusto kong mapagisa!".Dugtong ko pa.

Narinig ko ang mga yabag ni nanay na papalayo sa pintuan. Muli nanaman akong nagpakalunod sa alak gaya ng dati kong ginagawa, eto lang kasi yung paraan para mabawasan yung sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko na mabilang kung ilang bote na ng beer ang naiinom ko pero wala akong balak tumigil, ilang beses na din akong kinatok ni nanay Lily ngunit ni isang beses hindi ko sya pinagbuksan.

Tatayo sana ako upang kumuha ng alak ngunit umikot ang paningin ko at tuluyan na kong napahiga sa kama at nakatulog.

Naalimpungatan ako ng may tumatapik tapik sa mukha ko, dahan dahan ko namang iminulat ang mga mata ko upang makita kung sino ito.

Bumangon ka dyan".Utos ni Sam habang pilit akong itinatayo."Kelan ka pa natutong matulog sa sahig".Magkasalubong na kilay nyang saad. Dahan dahan naman akong tumayo at binawi ang braso at kamay ko mula sa pagkakahawak nya.

K-kaya ko sarili ko".Saad ko. Tinasaan lang nya ko ng kilay, humakbang ako palapit sa kama ngunit na out of balance ako kaya muli akong napaupo sa sahig.

Kaya mo nga".Saad nya saka ako muling inalalayang tumayo pero iniwas ko lang ang kamay ko."Umalis kana!".Pagtaboy ko sa kanya.

Ano bang problema mo!".Nawawalan na sya ng pasensya."Diba sinabi ko sayo wag ka ng iinom!".Inis na saad nito

Ikaw! Ikaw ang problema ko!".Sigaw ko. Nagulat naman sya sa sinabi ko."Kaya ka ba bumalik kasi tinawagan ka ni nanay Lily or baka naman pinakiusapan ka na naman ni mommy".Sarcastic kong saad.

My Sexy Secretary (GxG Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon