Chapter: 39

3.6K 73 3
                                    

Samantha's POV

Isang linggo na ang nakalipas mula ng matulog si abbigail dito sa bahay. Hindi kami masyadong makapag usap ng maayos dahil busy sya. Malapit narin pala 1st monthsarry namin, pero wala pa kaming plano dahil hindi pa naman namin napag'uusapan. By the way! Andito ako ngayon sa bahay dahil day off ko naman. Pababa nako ng hagdan ng mapansin ko na ang agang nandito si julia.

Bat ang aga mo ata?"Tanong ko kay julia habang pababa ako ng hagdan.

Bakit ayaw mo ba?"Balik tanong nya."Saka namiss ko narin sila tita at tito syempre tong mga kiddo"Ngiting saad nya.

Ako di mo namiss?"Taas kilay kong tanong.

Kakakita lang natin nung isang linggo bruh!"Pairap na sagot nya."Saka nakakasawa yang face mo!"Tatawa tawa nyang saad.

Wow ha! Kapal ng mukha neto xD

Kaya pala pag di ako nagpapakita sayo surang sura ka"Sagot ko saka binato sya ng throw pillow.

May lakad ka ba today?"Tanong ni julia.

Wala. Dito lang sa bahay, gusto ko magpahinga e"Sagot ko saka umupo sa tabi nya.

Ate sira na pala yung sapatos ko"Biglang singit ni vince."Baka naman ate"Kakamot kamot sa ulong saad nya.

Magbibigay ako kay mama ng pambili"Sagot ko naman.

Ate! Ate! Ako diiiiiin"Saad din ni shasha habang papalapit samin.

Bakit? Sira na din ba yung shoes mo?"Tanong ko.

Hindi po. Gusto ko ng bago ate saka malapit na birthday ko e"Nakapout na sagot nya. Oo nga pala! Hayst! Muntik ko ng makalimutan"Siguro nakalimutan mo na noh?"Tanong nya.

Huh? H-hindi ah! Ano bang gusto mo sa party?"Tanong ko.

Gusto ko po maging princess"Umiikot ikot pang sagot nyan.

Ay i like that! Tapos ako yung fairy godmother!"Tuwang tuwa ding saad ni julia.

Di bagay sayo yun! Ikaw yung witch!"Angal ko naman.

Alam mo mas bagay yun sayo, kontrabida ka lagi e"Irap na sagot nya.

Sa ganda kong to? Hahaha.

Habang nagkukulitan kami nila julia at ang mga kapatid ko. Diko maiwasang mapatingin sa phone ko. Anong oras pero ni isang text or reply wala pa akong natatanggap mula kay abby.

Sobrang busy naman nya para makalimutan nya kong itext -_-

Naisipan kong kaumustahin si marie para na din malaman kung anong ginagawa ni abbigail. Pero ang sabi ni marie hindi pa daw lumalabas sa office nya.

Hanggang magtanghali wala padin akong natanggap na text galing sa kanya.

Bruh! Ano na?"Napukaw ako sa malalim na pagiisip ng pumitik pitik sa harap ko si julia.

Huh? A-ano ba yun?"Takang tanong ko. Andito kami ngayon sa garden, dito namin naisipang tumambay muna dahil malamig.

I'm asking you kung anong meryenda gusto mo, magpapadeliver ako"Sagot nya.

Ah.. Kahit ano na lang bahala kana"Matamlay kong sagot.

Tumingin sakin si julia ng diretso bago nagsalita"May problema ka noh"Saad nya. Alam ni julia kung kelan ako malungkot or masaya. Kaya hindi ako makakapag sinungaling sa kanya.

Hindi pa kase nagrereply si abby sa mga text ko. Ni isang text nga wala e"Buntong hiniga kong sagot.

Bruh baka nakakalimutan mo boss ang jowa mo, malamang sa malamang busy yung tao"Sagot nya.

Wala syang schedul today"Medyo inis kong sagot."Saka mano man lang na mareply sya kahit isa!"

Alam mo kausapin mo na lang sya pagpasok mo"Saad ni julia."Jojowa jowa ka ng CEO tapos maggagaganyan ka"Pang'aasar ni julia.

Bat nakasimangot ka anak?"Tanong ni papa ng makalapit sila ni mama samin.

May problema ba Samantha?"Seryoso ding tanong ni mama.

Paktay na! Sam wag kang magpahalata!

Pano po di nirereplyan ng jo-"Bago pa maituloy ni julia ang sasabihin nya na kurot ko na sya sa tagiliran"Jo-josistant po nung nakameeting nila"Nakangiwing sagot nya

Pinanlakihan ko ng mata si Julia bago magsalita"Padating na po yung in-order ni julia na meryenda"Pagiiba ko sa usapan.

Nang dumating ang order ni julia sabay sabay kaming nagmeryenda, kahit wala ako sa mood nakipag kulitan padin ako sa kanila para hindi ako mahalata.

Humanda ka sakin bukas abbigail alejo!

Ikaw julia kelan mo balak ipakikilala samin ng tita mo yung boyfriend mo?"Biglang tanong ni papa kay julia. Nagkatinginan naman kami saka tumawa.

Tito are you joking? Wala po akong jowa!"Tatawa tawang saad ni julia.

Baka babae po ang gusto ni ate julz!"Biglang sabat ni vince sa usapan.

Funny ka talaga kuya! o kumain kana lang dyan"Sabay subo ni julia ng pizza sa bibig ni vince.

Naku! E masasayang ang lahi mo kung babae din ang gusto mo"Seryosong saad ni papa.

Saka mahirap ang relasyon na ganyan, lalo't madaming tao ang mapanghusga"Saad din ni mama.

Nagkatinginan kami ni julia sa mga sinabi ng magulang ko. Lalo lang akong natakot na umamin sa kanila tungkol samin ni abby.

Nang matapos kaming magmeryenda naiwan kaming dalawa ni julia dito sa labas."Anong iniisip mo?"Agad na tanong ni julia.

Natatakot lang ako sa pwedeng mangyare pag sinabi ko sa kanila yung samin ni abby"Malungkot kong sagot.

Kung mahal nyo naman ang isa't-isa bakit di nyo ipaglaban?"Sagot nya."Kung mahal ka nya, ipaglalaban ka nya"

Maya-maya pa'y naisipan kong ayain si julia sa park tutal maaga pa naman."Ma, pa alis muna kami ni julia"

Sige anak"Si mama.

Saglit lang byahe namin ni julia dahil malapit lang naman ang park sa bahay namin.

Nakakamiss dito"Saad ni julia ng makababa kami ng sasakyan."Dati ang dalas natin dito"

Oo nga e"Sangayon ko.

Sam?"Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Nagulat ako ng makita ko si anj na naka'upo sa isang bench.

Anj? Anong ginagawa mo dito?"Tanong ko."By the way this is julia my bestfriend"Pagpapakilala ko kay julia."Julia si anj office mate ko"Pagpapakilala ko din kay anj.

Nice to meet you"Ngiting saad ni anj kay julia."Nagmumuni-muni lang"Sagot nya sa tanong ko.

Come with us, tutal mag'isa ka naman ata"Aya ni julia.

Oo nga anj. Tara dun sa tambayan namin."Aya ko din sa kanya.

Nang makarating kami dun agad kaming umupo sa ilalim ng puno. Sobrang ganda dito pag gabi dahil may mga tao ding tumatambay at ang sarap titigan ng mga bituin sa kalangitan.

Palagi ka din ba dito?"Tanong ni julia kay Anj.

Hm..Oo lalo na pag stress ako"Tatawa tawang sagot ni anj."Saka malapit lang yung tinitirahan ko dito"Saad nya.

Taga dito ka lang?"Takang tanong ko. Tumango tango lang sya saka ngumiti.

Sa totoo lang ang tagal na namin magkakilala ni anj, pero ni minsan hindi ko natanong kung taga saan sya.

Kayo ba?"She asked.

15 to 20 minutes ang byahe mula dito hanggang samin"Sagot ko."Pero si julia hindi taga dito"

Habang nagkukwentuhan kami puro tawa lang ang nagawa ko dahil sobrang kalog ng mga kasama ko. Kahit papano ay nawala yung bigat na nararamdaman ko.

My Sexy Secretary (GxG Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon