Chapter: 57

2.8K 79 16
                                    

Abbigail's POV

Tulog pa si sam ng umalis ako sa bahay hindi ko na sya ginising dahil alam kong puyat sya kagabi, hanggang ngayon naiinis pa din ako dahil magkasama sila ni anj kahapon. Hindi ko din alam bakit selos na selos ako kay anj!

Dumating ako sa office saktong 9am wala naman akong masyadong gagawin kaya di ko kailangang magmadali.

Goodmorning maam".Bati ni Kuya guard. Nginitian ko lang sya ng tipid, wala ako sa mood.

Pagkapasok ko nagulat ako ng makita ko si bea na nakaupo.

What are you doing here? Di ka man lang nagsabi".Kunot noong tanong ko.

I just wanna talk you".

About what?".Takang tanong ko.

Sam called me last night, gail she's crying! What happened?".Nag'aalala nyang tanong.

Hindi ko alam na tumawag pala sya kay bea.

May konting tampuhan lang kami".Buntong hinga kong sagot.

Tampuhan? Alam mo bang madami syang napapansin na pagbabago mo".Malungkot nyang saad."Ano bang nangyayare sayo?".

Hindi ko alam sa sobrang gulo na nang nangyayare nawawalan na ko ng time sa kanya. At hindi nya yun deserve.

Bea alam ko na kung bakit ako iniwan ni ashley".

Nagulat naman si bea sa sinabi ko. Pinaliwanag ko sa kanya lahat ng nalaman ko.

Nagawa ni tita ang magsinungaling sayo?".Di makapaniwalang tanong nya.

Malungkot akong tumango.

Bea naguguluhan ako! Hindi ko na alam ang gagawin ko".

Hindi ka naman maguguluhan kung talagang m-mahal mo si s-sam".Nag'aalangang saad nya.

Mahal ko si sam! Minahal ko sya!".Medyo inis kong sagot.

Pero bakit ka nagkakaganyan? Diba dapat wala na lang sayo yun? Kase nga may mahal ka ng iba".

Natahimik ako sa sinabi ni bea. Hindi ko din alam bakit bigla akong nakarandam ng ganito? Ang daming what if's na tumatakbo sa utak ko.

Please gail wag kang gagawa ng alam mong masasaktan si sam, mahal na mahal ka nya".Malungkot na saad ni bea."Wag kang gagawa ng alam mong pagsisisihan mo sa bandang huli".

Halos wala ako sa sarili ko maghapon lutang na lutang ang utak ko.

Maaga akong umalis sa office at nagtungo sa isang bar.

Madaming boys ang umaaligid sakin sa loob ng bar pero ni isa sa kanila wala akong pinansin, pumunta ako dito para mabawasan ang stress ko at hindi para makipag'flirt sa kanila.

Medyo madami na kong naiinom kaya umiikot na din yung paningin ko pero wala padin akong balak umuwi.

Hihingi pa sana ako ng alak ng may pumigil sakin.

Tama na yan, lasing kana".Saad nya. At dahil hilo na ko at medyo madilim sa loob ng bar hindi ko masyadong maaninag kung sino sya.

Gushto ko pa e!".Lasing kong sagot. Tatayo sana ako ng biglang umikot ang paningin ko at nawalan na ko ng malay.

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko, unti-unti akong umupo at nagmulat ng mata.

Teka? Asan ako?

Hindi namin bahay ni sam to, tatayo na sana ako ng may mapansin ako sa katawan ko.

No way!

My Sexy Secretary (GxG Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon