Chapter 19

4.1K 97 5
                                    

Samantha's POV

Nakatitig lang ako kay abbigail habang nagbibigay ng mensahe para sa mga bata. Nang matapos syang magsalita dinala kami sa table na para samin para makakain na, tatayo na sana ko ng bigla akong hilahin ni anj nagulat ako kaya di agad ako naka'react

Tara na uy"Aya sakin ni anj habang hawak hawak padin yung kamay ko

Oo eto na nga e"Natatawa kong sabi sa kanya. Habang naglalakad kami ni anj patungo sa table namin hindi padin nya inaalis yung pagkakahawak nya sa kamay ko. Medyo nakakailang pero nasanay na din ako sa kanya at sa pagiging clingy nya.

Nang makaupo kami nakita ko si abbigail na busy sa phone nya kaya hindi nya kami nakita ni anj na umupo sa harap nya.

Huy! Tulala ka nanaman dyan!"Bigla akong pinitik sa ilong ni anj na ikinatawa ng dalawa pa naming kasama.

Aray naman ah! Bakit ba?"Natatawa kong angal sa kanya. Epal nakatingin lang naman ako kay abbigail e -_-

Kanina pa ko salita dito ng salita hindi ka man lang sumasagot"Irap nyang sabi. Malay ko ba hahaha

Nagtatawanan kami nila anj ng biglang tumikhim si abby. Napatingin ako sa kanya at nagulat ako kasi nakakunot noo sya sakin? Samin? Ay ewan! Basta ang seryoso ng mukha nya

Magsasalita sana sya ng biglang may lumapit sa kanyang bata. Siguro kasing edad lang ni shasha or mas matanda lang ng isang taon yung kapatid ko. Nakasuot sya ng white dress at may sumbrero na kulay puti din

May iniabot yung bata kay abby na sulat inabot naman ito ni abby saka kinandong ang bata

Para sakin to?"Ngiting tanong nya sa bata

Opo"Ngiting sagot ng bata sa kanya. The way na magsalita ang bata alam kong matalino ito

Kumain kana? Nabigyan kana ba ng gifts?"Sunod sunod na tanong ni abby sa bata

Opo. May nakuha po akong doll"Masiglang sabi ng bata

Anong name mo pala?"Biglang tanong ni abby sa bata

Angelica po"Bagay na bagay sa kanya yung name nya mukha kasi syang anghel. Habang pinagmamasdan ko sila hindi ko maiwasang mapangiti, malapit din pala si abby sa mga bata

Ang ganda naman ng hat mo. Pwede ko bang hiramin?"Ngiting tanong ni abby sa bata. Agad namang tinanggal ng bata ang suot nyang sumbrero. Nagulat si abby sa nakita nya at ganun din ako, kakaunti na lang kasi ang natitirang buhok nito. Mukang nalagas at may sakit ang bata.

She has a brain cancer"Sabi ng isa sa mga nag'aalaga sa mga bata na nakalapit na pala samin.

Nakita ko sa mga mata ni abby ang lungkot at awa para sa bata. Kahit man ako naawa ako sa bata kasi sa edad nyang yan may malaking pagsubok ng nakapasan sa kanya.

Angel paalam kana kay maam abby hinahanap kana na ni mother Ana"Sabi ng babae sa bata

Alis na po ako. Thankyou po sa gifts"Pagkasabi ng bata niyakap nya ng mahigpit si abby saka umalis.

Pilit na ngiti lang ang isinagot ni abby sa bata.

Sinimulan ng basahin ni abby ang sulat na ibinigay sa kanya ni angelica. Nang matapos si abby sa pagbabasa nakita kong may tumulong luha sa mga mata nya, nang mapansin nyang nakatingin kami sa kanya tumayo sya at nagmadaling uamalis.

Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi padin bumabalik si abby. Tatayo na sana ko para hanapin sya ng pigilan ako ni anj.

San ka pupunta?"Takang tanong ni anj

Hahanapin ko lang si maam abby"Sagot ko sa kanya. Nang bitawan ako ni anj nagmadali na kong lumabas para hanapin si abby.

Una kong pinuntahan ang parking lot at tinignan ko baka nauna na syang umuwi. Pero andun padin naman yung sasakyan namin. Sunod ko namang pinuntahan ang simabahn na nasa loob din ng orphanage, pero wala din sya dun paglabas ko ng simabahan may nakita akong babae na nakaupo sa bench kung saan may mini play ground. Mukang si abby kaya nilapitan ko nang makalapit ako si abby nga ang nakaupo sa bench.

My Sexy Secretary (GxG Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon