Chapter 37: Friendzone

3.6K 79 3
                                    

Samantha's POV

Maaga akong pumasok ngayon dahil madami akong tatapusing trabaho. Ayoko kase na natatambakan ako, mahirap magahol.

Goodmorning maam sam"Bati ni manong guard"Aga po natin ngayon ah"Saad nya.

Goodmorning too, madami akong tatapusin e"Natatawa kong sagot. May mga impleyado na din naman kahit papano.

Pagkaakyat ko sa office nagulat ako ng may makita akong isang familiar na tao na nakatayo sa tapat ng desk ko.

Teka? Si anj ba yun? Anong ginagawa nya dito, e mamaya pa naman ang pasok nya?

Anj?"Takang tawag ko sa kanya. Bigla syang humarap at nakita ko sa mukha nya na nagulat sya."Anong ginagawa mo dito?"Takang tanong ko.

Huh? Ah w-wala naman, m-may hihiramin sana ako, sige alis nako"Pagsabi nya agad na syang naglakad palabas.

Teka! Anj sandali!"Tawag ko sa kanya saka sinundan sya palabas."Anj sandali!"Hinawakan ko sya sa braho na agad naman nyang binawi at saka tumigil sa paglalakad.

Napatingin ako sa papel na nalaglag mula sa kamay nya. Unti unti akong yumuko at pinulot ito, may nakasulat na isang Quotes.

Ang swerte ng taong minahal mo :) sana hindi ka nya saktan. Sana masaya ka sa kanya :) -Smile

Smile? Teka sya si smile? P-pano nangyare yun?

Nang mabasa ko ang nakasulat unti-unti akong nag'angat ng tingin at tinignan si anj, na ngayon ay umiiyak na.

Anj? Anong ibig sabihin nito?"Litong lito kong tanong."Ikaw si smile? Yung mga flowers? Yung chocolates? Sayo lahat galing yun?"

I'm sorry sam"Mahinang saad nya."N-natakot kase akong m-magsabi ng -t-totoo sayo"Umiiyak na saad nya.

A-ano bang sinasabi mo?"Medyo inis kong tanong.

Sam, M-mahal kita"Mahinang sambit nya. Nagulat naman ako sa sinabi nya. Hindi ko alam kung tama ba yung narinig ko.

Mahal? Mahal nya ako? K-kelan pa?

Bago ka pa magumpisa dito, kilala na kita sam"Pag'amin nya."Nung araw na nakita kitang kausap si Bea yun yung araw na nakaramdam ako ng kakaiba, simula nun hindi ko na tinigilan si Bea hanggat hindi ko nakukuha ang pangalan mo"Mahabang paliwanag nya.

Y-yung sinabi mo nung nasa rest house t-tayo? A-ak-"

Oo sam, ikaw yung tinutukoy ko"Pagputol nya sa sinasabi ko. Unti-unti akong nanghihina sa mga narinig ko mula kay anj.

B-bakit hindi mo sinabi?"I asked.

Bakit sam? Kung sinabi ko ba mamahalin mo din ba ako?"Pilit na ngiting tanong nya

Wala akong nagawa kundi umiyak na lang, ang sakit lang kase may nasasaktan ako."S-sorry"Umiiyak kong saad.

Unti-unting hinawakan ni anj ang mukha ko at pinunasan ang mga pisngi kong basang basa na ng luha.

W-wag kang umiyak sam"Saad nya."Wala ka naman kasalanan e, a-alam ko naman na kaibigan lang ako sayo"Pikit matang saad nya.

Wala ni isang salita ang lumabas sa mga labi ko, hindi ko namalayan na niyakap ko na ng mahigpit si anj. Tuloy tuloy lang ang buhos ng mga luha ko"Anj i'm sorry"Umiiyak kong saad.

My Sexy Secretary (GxG Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon