Chapter 7

6.8K 175 2
                                    

Samantha's POV

Naghihintay ako kanina sa labas ng office ng boss ko ng tawagin na ko ni bea. Pinapatawag na daw ako sa office ni boss, nako kinakabahan nanaman ako hindi ko alam kung papasok na bako -_- alam nyo yung parang kang natatae sa sobrang kaba? Ganun ang nararamdaman ko e. Baka mamaya mautot pa ko habang kausap si boss nakakahiya naman pag nangyare yun xD

At dahil kailangan ko ng pumasok nagsimula na kong maglakad palapit sa pintuan ng office ng magiging boss ko. Paglapit ko ay agad naman akong kumatok

Pasok" tipid na sagot ng nasa loob. So girl ang boss mabuti kung ganun medyo nabawasan naman ang kaba ko dahil syempre mas magiging komportable ako kung girl ang boss. Pag lalake kase pwedeng manyak e xD hahaha. Advance magisip ang ate girl nyo

Ayun na nga pumasok ako at nakita ko yung boss ko na nakatalikod habang nakasandal sa upuan nya

G-goodmorning po" Bati ko sa kanya tsaka naman sya humarap at dumilat. At sa hindi inaasahan muntik na kong mahimatay god bakit naman po sya? Bakit sa dinami dami ng pwede kong maging boss bakit itong babaeng nabangga ko pa -_- parang gusto ko ng tumakbo papalabas pero takting katawan to naninigas pa. Habang gulat na gulat akong nakatitig sa kanya bigla naman syang nagsalita

Goodmorning have a seat miss? Pagtatanong nya sakin habang nakatingin sakin. At ako naman parang hindi pa din ako makagalaw kaya nakatitig lang ako sa kanya, bigla naman akong natauhan ng tumikhim sya at nagsalita

Miss may dumi ba ko sa mukha? Cold nyang tanong habang nakataas ang kilay. Naku paktay na! Sam umayos ka nga kase wag kang magpahalata -_- mukang di ka naman nya namumukaan e

Samantha madrigal po maam" sagot ko sa kanya habang nakayuko dahil hindi ko sya kayang tingnan. Alam kong nakatingin sya sakin kaya lalo akong kinakabahan pano kung mamukaan nya ko? Edi wala agad akong trabaho :(

Have a seat samantha" sabi nya habang inaayos yung mga papel sa table nya. Umupo naman ako pero nanatiling parin akong nakayuko

So nasabi na sayo ni bea ang lahat ng dapat mong gawin right?" Tanong nya habang nakatingin sakin. Hindi nga nya ko namumukaan

Opo nasabi na nya sakin kanina bago sya umalis" sagot ko na hindi padin tumitingin sa kanya

So anong meron ngayon? Tanong nya kaya napaangat ako ng tingin buti na lang busy sya sa pagsusulat

Meron po kayong meeting mamaya after lunch with Mr Reyes at bukas naman po para sa itatayong subdivision sa batangas po" Sagot ko sa kanya habang hawak hawak ang schedule nya

Okay thankyou. You may go to your table" Utos nya sakin kaya naglakad nako papunta sa table ko. At alam nyo ba kung san ang table ko? Syempre dito lang din sa loob ng office nya napabuntong hininga na lang ako ang malas ko naman ata

Pareho kaming busy sa kanya kanyang trabaho tumingin ako sa phone ko 12pm na pala pero hindi pa ko nagugutom at si maam abbigail ayun mukhang walang balak kumain. Ang ganda ng name nya yayamanin talaga xD well pati din sya maganda e. Pero syempre mas maganda ako noh papatalo ba ko hahaha charr!

Ilang minuto pa ang lumipas ng biglang nagsalita si maam abbigail pero hindi ko naintindihan dahil halos pabulong lang. Mas minabuti ko na lang sumagot baka kase ako yung kausap kaya tumingin ako sa kanya at nagsalita

P-po may kailangan po kayo?" Tanong ko sa kanya habang tinitignan ang ginagawa nya

Huh? Wala naman. Sabi ko maglunch kana kase 12pm na" Sagot nya habang nakangiti at naglakad palabas. Ang ganda naman nya mag'smile pakiramdam ko naginit yung pisngi ko xD nako gutom lang yan sam ikain mo na yan

Inayos ko muna ang mga gamit ko na nakakalat sa table ko bago lumabas sa office para kumain. Sabi ni bea sa first floor daw ang canteen dito kaya kailangan ko pang bumaba para makakain

Pagkababa ko ay agad naman akong umorder ng food at naghintay na mai'serve sa table ko. Madami din ang kumaikain dito pero halos lahat empleyado din kagaya ko bago pa dumating ang order ko ay may tatlong babae na palapit sa pwesto ko

Hi pwede ba kaming maki'upo dito?"tanong sakin ng isang babae habang nakangiti. Maganda sya at muka namang mabait sila kaya tumango ako bilang sagot

Ako nga pala si Anjelica. Anj for short" pagpapakilala nya. ito naman sila sheena at liela" pagpapakilala nya sa dalawang kasama nya, ngumiti at nag hi naman sila

Hello i'm samantha " pagpapakilala ko sa kanila. Buti naman at may mga kilala na ko nakakaboring kaya magisa

Ikaw yung bagong secretary ni maam abby dba? Tanong ni sheena. Tumango naman ako

Naku goodluck sayo girl " sabi naman ni liela habang nakangisi, Alam mo bang grabe kung magalit si maam parang akala mo papatay na ng tao

Grabe naman bigla tuloy akong kinabahan sa sinabi ni liela. Naalala ko kase yung itsura nya nung nabangga ko sya sa mall my god parang gusto ko ng umuwi xD

Hoy ano ka ba! Wag mo nga syang tinatakot mamaya umuwi yan ng wala sa oras " tatawa tawang sita ni anj kay liela. Inirapan lang naman sya ni liela

Maya maya lang ay dumating na ang mga order namin. Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan masaya silang kasama ang kukulit lang nilang tatlo

Napansin ko lang wala si maam abby dito so hindi sya dito kumain, sabagay pang empleyado lang naman kase dito

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na kong babalik na ko sa office at baka nandun na si sungit ay este si maam abby pala xD baka mapagalitan pa ko

Pagkaakyat ko sa office ay agad akong pumasok. Nagtaka naman ako kase wala pa sya san kaya sya nagpunta e may meeting pa yun mamayang 1:30pm tsk hindi ko alam kung tatawagn ko ba sya para ipaalala, napa'sapo na lang ako sa mukha kase naalala ko wala pa lang number yun sakin -_-

Maya maya ay naalala ko si bea buti na lang at binigay nya yung number nya sakin, sa kanya ko na lang kukunin yung number ni maam abby

Nang maibigay sakin ni bea ang number ni maam abby ay agad ko syang tinawagan nakakainis lang kase ang tagal nya sumagot -_- nakailang ring pa bago nya sinagot ang tawag ko

Who is this?" May inis sa tono ng boses nya. grabe naman tong babaeng to porket di nya kilala tong number ko nagsusungit agad -_- tsk

Uhmm maam this is Samantha i just called to remind you po yung meeting nyo ni Mr Reyes" Pagpapaliwanga ko sa kanya

Oh gosh i forgot anong oras nga pala yun?" Tanong nya sa kabilang linya. Natatawa naman ako kase mukang nagpapanic na sya xD

Ngayon na po. bale may 30 minutes pa po para makaabot po kayo"sagot ko

Magsasalita pa sana ko pero biglang nag end call. Ayun -_- wala man lang pasabi e noh? May pag-kabastos din tong sungit na to e, pasalamat sya at maganda sya. E anong connect? wala naman. Gusto ko lang sabihin na maganda sya xD

Ilang minuto lang ay dumating na sila Mr Reyes. sinalubong ko naman sila at nagpakilala na din dahil syempre bago lang ako tsaka sila pinatuloy sa conference room kung saan sila mag m'meetimg ni maam abby. Nang makapasok na sila ay agad naman akong nag'excuse para icheck kung dumating na ba si maam abby

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng office ng biglang may nagbukas galing sa loob kaya sobrang nagulat ako

Ay! halimaw! " Gulat na gulat kong sabi. Ano ba naman kase tong babaeng to nakikisabay magbukas ng pintuan e -_- muntik na tuloy malaglag yung puso ko, Hindi pa nga nabubuo dahil sa pagkawasak e. Mawawasak nanaman? Boom! Hugot ang ate mong girl xD

Ang ganda ko namang halimaw" Sabi nya habang nakangisi. Bigla naman akong namula sa sinabi nya, Nasa conference na ba si Mr Reyes?" Tanong nya habang nagseryoso ang mukha

O-opo" Sagot ko sa kanya habang nakayuko. Pagkasagot ko ay agad syang naglakad papunta kay Mr Reyes, syempre ako sumunod lang sa kanya dahil nga secretary nya ko

Nang makapasok kami ay nagumpisa na silang mag meeting

My Sexy Secretary (GxG Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon