Chapter: 66

1.5K 60 17
                                    

Samantha's POV

Andito kami ngayon sa labas ng restaurant ni Julia dahil inaantay namin yung dadating na deliver habang nagaantay kami nagkukuwentuhan lang kaming dalawa, hanggang sa pakiramdam ko may mga matang nakatingin samin ni julia luminga linga ako sa paligid hanggang sa napako ang paningin ko sa isang black na sasakyan na nakapark sa di kalayuan samin.

Okay ka lang?".Biglang tanong ni Julia na napansin na di ako mapakali."Sino hinahanap mo?".Tanong nya ulit saka luminga linga din sa paligid.

P-parang may nakatingin satin".Saad ko.

Tumingin naman sa paligid si julia."Wala namang tao".Sagot nito. Muli akong sumulyap sa kotse na nakaparada pero hindi ko naman maaninag dahil bukod sa malayo madilim din sa loob.

Tara na nga sa loob dun na lang natin hintayin yung mag dedeliver".Buntong hininga kong saad saka naunang pumasok.

Okay ka lang ba talaga?".Nagaalalang tanong ni Julia ng makapasok kami.

Oo kulang lang siguro ako sa tulog".Natatawa kong sagot.

Natawa naman si julia sa sinabi ko."Try mo din kasi matulog".Biro din nya.

Naging busy na kasi kami pareho dahil nagbukas na ang isa naming restaurant sa may Makati kaya medyo ngarag ako dahil ako ang pumupunta dun para magbantay.

Maya-maya pa'y biglang nag ring ang phone ko na agad ko namang kinuha sa mesa.

Anj calling....

Babe I won't be able to pick you up".Bungad ni Anj na umuubo.

Okay ka lang?".Nagaalalang tanong ko.

Yeah, medyo masama lang pakiramdam ko".Paos nyang sagot."Hindi tuloy kita masusundo".Malungkot nyang saad.

Wag mo na kong alalahanin kaya ko naman mag commute".Sagot ko."Magpahinga kana lang".Utos ko sa kanya.

Nang matapos kaming magusap sakto namang dumating ang mga order namin para sa next week kaya naging busy na din kami ni Julia.

Julz pwede ba kong umalis sandali?".Saad ko habang nagaayos ng gamit.

Oo naman san ka ba pupunta?".Tanong nya.

Puntahan ko lang si anj nagaalala kasi ako sa kanya".Sagot ko.

Why? Anong nangyare?".Nagaalalang tanong nya.

Masama pakiramdam nya".Sagot ko."Sige julz alis muna ako".Paalam ko.

Sige sige. Ingat ka ah".

Agad akong lumabas at sumukay ng taxi dahil hindi ko dala ang sasakyan ko.

Nang makarating ako sa bahay nila Anj agad naman akong pinapasok ng tita nya silang dalawa lang ang magkasama dahil ang pamilya ni Anj ay nasa probinsya nila.

Tita si Anj po?".Agad kong tanong.

Naku puntahan mo sa kwarto nya at ayaw nyang kumain".Iiling iling na saad ng tita nya.

Tss! Tigas din ng ulo ng babae na yun!

Sige po akyat na po muna ako".Paalam ko kay tita saka nagmadaling umakyat.

Pagkabukas ko ng pinto agad akong lumapit kay Anj na mahimbing na natutulog."Tignan mo tong babae na to nilalamig na nakatodo Pa ang aircon".Buntong hiningang saad ko saka hininaan ang aircon.

Umupo ako sa tabi nya at hinawakan ang noo nya bigla naman syang gumalaw at dahan dahang dumilat."A-anong ginagawa mo dito?".Takang tanong nya.

Bat hindi ka kumain?".Tanong ko na hindi pinansin ang tanong nya."Pano ka gagaling kung ganyan ka".Sermon ko sa kanya.

My Sexy Secretary (GxG Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon