Abbigail's POV
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko 6am pa lang ng umaga pero kailangan ko ng bumangon para pumasok sa office. Ako ang CEO ng company na pagmamay'ari din ng pamilya namin, since wala na si dad ako na ang pumalit sa kanya dahil ako lang naman ang nagiisang anak nila. Si mom kase ay may flower shop at designer din ang mom ko kaya hindi na nya kayang i'handle ang kumpanya
Pumasok na ko sa banyo para makapag umpisa ng maligo
Pagkatapos ko maligo ay agad akong bumaba sa kusina para makakain na ng agahan
Ate mel si mommy po asan?" Tanong ko sa kasambahay namin. Amg alam ko kase 8am pa ang bukas ng flower shop ni mommy, pero hindi ko pa sya nakikita maaga din kase kung gumising si mom
Kakaalis lang nya maam e" sagot ni ate mel habang naglalagay ng tubig sa baso ko, mukang pupunta nanaman yun sa daddy mo may dalang mga dyaryo e"pagpapatuloy nya. Tumango na lang ako at nagumpisa kumain
Ganyan si mommy pag namimiss nya ang daddy ko. Maaga aalis tapos magdadala ng dyaryo. Paborito kase ni daddy.
Mag 7am na ng umalis ako sa bahay. Habang nasa byahe ako ay tumawag ang secretary ko para ipaalam na may nag'aapply para sa pwesto nya
Tama po kayo ng nabasa papalit sa pwesto nya bilang secretary ko. Matagal na ding nagtatrabaho si bea sakin kailangan lang nyang mag'resign kase magpapakasal na sya this month. At bukod pa dun magkakaron nandin kase sya ng baby kaya kailangan na nyang magpahinga.
Ikaw na bahalang mag'interview bea alam ko naman na alam mo na ang kailangan ko dba" utos ko sa kanya. Para na kaming magkapatid ni bea isang taon lang ang agwat nya sakin. Sa 4 na taon nyang nagtatrabaho sakin alam na nya ang mga ayaw at sa mga gusto ko
Okay po madam" sagot nya habang tumatawa. Alam nya kase na wala pa ko sa mood kaya tinatawanan nanaman nya ko
7:30am na ng makarating ako sa office malapit lang naman kase ang bahay namin kaya madali akong nakakapasok at nakakauwi. Pwera lang pag traffic
Gooodmorning maam abby" sabay sabay na bati ng mga impleyado ko ng makapasok nako sa office ko
Goodmorning" bati ko din sa kanila habang naglalakad papunta sa mismong office ko
Pagkapasok ko ay agad akong naupo at nagsimulang magtrabaho
Isang oras din akong subsob sa trabaho ng medyo sumakit yung ulo ko ay lumabas muna ko para magtimpla ng kape sa mini kitchen namin dito sa office
Paglabas ko ay nakita ko si bea na palapit sakin habang nakangiti sakin
Okay na yung ininterview ko pwede na syang magumpisa bukas" sabi nya sakin habang hawak hawak ang isang folder na pagmamay'ari nung sinasabi nyang nag'apply
Okay sige salamat. Paki lagay na lang sa office ko yang folder" utos ko sa kanya bago ako pumasok sa kitchen at nagtimpla ng kape
Pagkatimpla ko ng kape ko ay agad din akong bumalik sa loob ng office ko para ipagpatuloy ang trabaho
Hi po sana magustuhan nyo ang unang story ko 😂
-Thesa_1921
BINABASA MO ANG
My Sexy Secretary (GxG Story)
RomanceAbbigail Alejo isang mayamang dalaga na makikilala ang isang babaeng simple at hindi kasing yaman nya, si Samantha Madrigal na syang magpapabago sa buhay ni Abbigail. Si samantha ang magpapa'realize kay abby ng totoong kahalagahan ng buhay ng tao