Chapter 2

8.2K 191 10
                                    

Aira Louriz POV

Na'ndito kami ngayon sa Naya & Vino Store ito ang pinaka pamilihan sa bayan. Bukod dito meron din namang Alfa Mart at Seven-Eleven.


"Uy Ate yung Ice cream ko ha? Malapit na tayong matapos, baka nakakalimutan mo." Sabi ni Adrian habang tinitingnan ang listan na ginawa ko.

Tuwing mamimili kasi ako ni lilista ko ang mga kailangan ko, minsan kasi naka kalimutan ko yung iba.

"Oo na." Saad ko.

"Tara na mag a-alas-nueve na, mag meryenda muna tayo."Sabi ko at ang damuho tuwang tuwa at mamakapag Ice cream na daw. Natawa na lang ako dahil mula bata pa lang kami paborito n'ya na ito.

Minsan nga naiisip ko kung binata na ba talaga si Adrian o bata padin. Di kasi s'ya matatahimik hanggat di naka kapag ice-cream, lalo na't pina ngakoan ko.

Pumunta muna kami sa Plaza para kumain ng burger at uminom ng milk tea.

Doon kasi sa amin walang ganito. pero sakop parin namna s'ya ng Bayan,tago nga lang ang lugar namin. For short, bukid s'ya at liblib talaga. Pero may mga tindahan naman dun, pero pag mamimili ka o mag go-grocery ay talagang pupunta ka talaga dito.

Habang nag aasaran kami ng kapatid ko, may biglang nahagip ang mata ko.

"Adrian" tawag ko dito.

"Hmm" aniya.

Napa ngiwi ako dahil sa inasta n'ya. Puno kasi ng burger ang bunganga nito. Tinampal ko ang balikat n'ya at sinabihan na wag nang ulitin ang ginawa n'ya, dahil di ayon sa kanyang edad.

Feel ko nga sa amin lang pamilya n'ya s'ya umaakto ng ganito, dahil pag kaharap namin ang mga pinsan at kamag anak namin ay di s'ya ganito.

"Aray ko naman Ate!" Reklamo nito, bago ngumuso.

"Paki dala mo na to sa sasakyan, may bibilhin lang ako" Saad ko at tinapunan muli ng tingin ang tinadahan.

"Hmmm, parang alam ko na ang bibilhin mo." saad nito habang naka hawak ang kamay sa baba, ani moy nag iisip. Bago tumingin sa tinadahan.

Tumawa lang ako, dahil alam na n'ya ang bibilhin ko at kilala na n'ya ako.

Tumango lang s'ya habang tumatawa, ako naman ay dali daling tumakbo dahil maka maubusan ako ng sticker... Sticker ng Anime.

_____

Pag tapat namin ng bahay ay kinabahan ako, hindi ko alam kung bakit pero diko nalang pinansin dahil na tanaw ko na naman si Papa sa may duyan. Sabi kasi nila pag daw kinakabahan ng walang dahilan. May mang yayari daw na masama, pero nung nakita ko si Papa naka hinga ako ng maluwag.

Hapon na kami naka uwi, at nakita ko ulit ang hilig gawin ni Papa

Pag pasok ko ng bahay ay nakita ko si Mama na umiiyak, nag alala agad ako pinatong ko muna sa upuan ang pinamili ko bago lumapit kay Mama.

"Ma, bakit po kayo umiiyak? Nag away po ba kayo ni Papa?" nag aalalang tanong ko. Nag aaway man sila ni Papa, pero diko na kikita, ang pinapa iral lang nila ay 'silent treatment' kaya alam ko. Saka may tiwala ako kay Papa na di n'ya sasaktan si Mama. Kami nga ni Adrian di sinasaktan, kaya tiwala ako.

Umiling lang si Mama. "Anak, yung Flower Shop ng Ninang mo... P-pina bankrupt ni Mr. Choi yung may a-ari." nahihirapang sabi ni Mama.

Napa mahal na din kasi kila Mama ang trabaho, kaya ganun nalang ang panlulumo nila.

Pumasok na si Papa at Adrian sa bahay at inalo naman ni Papa si Mama. Ako naman ay inutusan ko si Adrian na kumuha ng tubig, na sinunod naman agad at ibinigay kay Mama.

"Paano na tayo ngayon?" Tanong ni Mama

"Uhmm Ma, mag ta-trabaho nalang po ako habang di pasukan." sabi ni Adrian.

"Ako naman eh mag a-apply sa bayan dun sa tubigan doon, sabi ni Kakang Ureng ay kailangan daw doon ng Driver dahil nag resign na yung dating driver." sabi naman ni Papa.

Mag sasalita na sana ako nang tumunog bigla ang Cell phone ni Mama.

Nakikinig lang kami, at nakita namin ang pag babago ng emosyon ni Mama. Na masaya at kumikinang kinang pa ang mga mata sa tuwa.

"Nako hulog ka ng langit Eunice, dahil kailangan ko talaga ang trabaho ngayon hayaan mo at sa sabado ay pupunta na ako d'yan" masayang ani Mama.

"Mahal anong sabi ni Eunice?" takang tanong ni Papa.

Si Tita Eunice ay ang matalik na kaibigan ni Mama simula daw noong sila at Grade one,at hanggang ngayon at stay strong parin ang pag kakaibigan nila.

"Nako Mahal, sabi ni Eunice kung may mahahanap daw akong katulong dito sa atin pero, sabi ko ako nalang dahil kailangan natin ang trabaho. Nung una nag aalangan pa s'ya dahil may edad na daw ako. Sabi ko naman kaya ko, kaya ayun sa Sabado pupunta ako sa kanila at mag ta-trabaho." mahabang litanya ni Mama.

"Uhmm Ma" tawag ko kay Mama na busy sa pag aayos ng higaan nila ni Papa.

"Hmm, bakit anak? May kailangan kaba?" malambing na tanong ni Mama.

"Ayos ka lang po ba?" tanong ko kay Mama.

Huminga muna s'ya ng malalim bago ako sinagot "Sa totoo lang anak, hindi ako okay. Na aawa kasi ako sa Ninang mo, yun na lang kasi ang inaasahan nila sa ngayon kasi nga ang Ninong mo Comatose pa hanggang ngayon, at hindi sila maka pasok sa kanya kanyang trabaho. Gusto ko sana mag padala, pero pang College n'yo pa iyon ni Adrian at pang araw araw pa natin." Malungkot na sabi ni Mama, kaya niyakap ko s'ya.

"Ma, may sasabihin po ako sayo, uhmm... Ma buntis po ako." saad ko.

Napakalas ng yakap sakin si Mama at tiningnan ako ng maigi. Tumawa ng malakas si Mama kaya napa kunot ang noo ko.

"Anong nakaka tawa Ma?" maang kong tanong, alam ko kasing alam ni Mama na nag bibiro lang ako. Kasi ang sabi nila sakin pag mag bo-boyfriend daw ulit ako sabihin ko daw sa kanila.

"Ikaw naman kasi anak, alam ko namang wala kang Boyfriend tapos mag bibiro ka nang ganyan." tumatawang sabi ni Mama.

Napa ngiti nalang ako, dahil napatawa ko na s'ya. At alam kong totoo yon.

"Pero seryoso na anak, anong kailangan mo? Seryosong saad ni Mama.

"Pwede po bang sabihin mo kay Tita Eunice na ako nalang ang mag ta-trabaho, baka po kasi di n'yo kayanin eh. Saka kaya ko na po ang sarili ko, kung yung tirahan at pagkain po ang problema. May na ipon na po ako, nung nag lalabada pa ako sa bayan." ani ko sa seryosong tinig.

_____

Please vote and comment!
I love you baVies!😘

Marrying The Playboy Billionaire [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon