Chapter 15

5.4K 116 5
                                    

Aira Louriz POV

Ngayon lang natuloy ang sinasabi ni Liam na pag uusapan namin, nung isang gabi ay hindi kasi hindi daw agad umalis yung babae.

Naka upo ako ngayon sa sofa at kaharap ko naman  s'ya.

Dun naman sa mga nag daang araw ay ginagawa ko pa din ang mga gawain nang asawa.

Kahit kailan yata hindi ako mag sasawang gawin 'yon, masaya ako kahit na nasasaktan.

Sa Ex Boyfriend ko hindi ko naranasan to. Siguro yun yung tinatawag nilang Puppy Love?

Kay Edwin kasi hindi ko naranasan na maramdaman ang kuryente, naramdaman ko lang naman yun nung hinalikan n'ya ako.

Pinamulahan ako nang pisngi dahil sa isiping iyon, kaya umiling nalang ako.

Inilagay ni Liam ang dalawang page na bond paper at pina basa sa akin.

"That's the rules. at wag mong tatangkaing sumuway, dahil malalagot ako kay Mom." Cold na anito sakin.

"B-bakit may ganito?" clueless parin kasi ako. Parang lahat kasi sa kanya pabor.

"Dahil masyado kang pakialamera." anito at inirapan ako.

Bakla? Pero malabo.

"Sa oras na sumuway ka sakin, baka hindi lang tulak ang maranasan mo." saad n'ya inilahad sakin ang papel. "Pirmahan mo, baka makalimutan mo o gusto mong idikit ko pa sa noo mo." umiling ako at pinirmahan ang kasunduan namin.

Kinuha n'ya iyon at ipinasok sa kwarto n'ya.

Maya-maya pa ay lumabas na s'ya ng naka bihis nang pang alis.

Abot dito ang pabango n'ya, tsk.

"S-san ka p-punta?" tanong ko dito, nag aalala kasi ako.

"Remember the contract and the rules" aniya at umalis na.

Hayy... Madaling araw ko na naman s'ya ma-aabutan. Minsan talaga pinipilit kong mag hintay pero hindi ko kaya. Dahil may pasok kinabukasan.

Yeah rules... Sabi doon sa pakulo n'yang iyon ay...

1. Bawal malate nang uwi, dahil tumawag sila Mommy.
2. Walang paki alaman sa lahat nang bagay, lalong-lalo na ang pang bababae ko.
3. Pretend, especially when my parents is around.
4. Bawal lumandi.

At marami pang iba.


BAKIT lahat pabor sa kanya? Paano ako?

Mahal mo si Liam, Aira, pati ang magulang n'ya. Kaya hanggat kaya mo gawin mo. Tiis lang. Malalampasan ko din ito.

Ang curfew ko eight o'clock, dapat sakto hindi na naman ako teenager para gawin yon.

Tsaka ginagabi lang naman ako dahil sa pag gawa ng school works.

Habang nag titingin ako nang prutas sa fer ay tumunog ang cellphone ko.

"Get ready tomorrow, Mom and Dad will be there."

Text palang halatang si Liam na. Pati ba naman sa text Cold s'ya, parang na babalutan nang makapal na yelo eh.

Pero Nag taka ako kung bakit alam ni Liam ang number ko, pero sumagi din sa isip ko na 'He Has a Way.'

"Sige ingat! I love you Liam!"  reply ko dito at pumasok na sa kwarto.

Pag ka gising ko ay agad akong naligo at nag bihis nag simpleng back leggings at Blue oversized Shirt.

Wala akong hilig sa mga dresses or shorts, at isa pa wala akong ganoong damit sa closet ko. Para sakin sobrang revealing na.

Pag labas ko ay nakita ko si Ate Lury na ang luluto. Nag taka ako kasi every Sunday lang dapat s'ya dito, pero ngayong Wednesday ay narito s'ya.

Ang klase naming lahat ay twelve pa, dahil practice lang naman ang gagawin namin mamaya. Kaya may time para maka punta dito sila Mommy Eunice. Practice para sa sports fess.

"Magandang Umaga po Ate Lury, bakit po ang aga n'yo? Nasanay po kasi akong every Sunday ka na'ndito eh." naka ngiwi kong saad.

Baka kasi mamaya n'yan isipin n'ya na pinapaalis ko na s'ya.

"Magandang Umaga din hija, pinatawag kasi ako si Sir Liam. Sabi mag luto daw ako." naka ngiting ani ni Ate Lury.

Ayaw n'ya talaga nang luto ko. Pero kahit na mag luluto pa din ako. Pwera na lang kung sabihin ni Ate Lury na ako ang nag luto ng ibang putahe.

"Ahh ganon po ba, sige po tutulungan na po kita. Ako na po mag luluto ng Sinigang at Chicken curry." naka ngiti kong ani kay Ate Lury. "Ako na din po mag pe-prepare nang desert, balak ko po kasing mag Coffee Jelly eh." pahabol ko pa.

"O sige, tayo na at mag luto. Mamayang 7:30 eh dadating na sila. Tsaka susunduin daw sila ni Sir Liam." tumango lang ako at nag simula nang mag gayat nang mga kakailanganin.

5:13 palang at talagang nag alarm ako para maka tulong o makapag luto ng maaga.

Apat na ulam ang hinanda namin, dahil yun ang mga paborito nila Mommy at Daddy. Sinigang, Chicken curry, Gulay na sitaw at Adobo. May mga desert din.

Natuto akong mag luto nung thirteen years old ako. Nung nakita ko kasi si Mama na nag luluto ng Sinigang ay nanuod ako.

Simula nun lagi na akong nasa kusina para matutong mag luto. Kahit mga simpleng gulay itinuro sakin ni Mama.

Nung una talaga nag aalangan s'ya. Pero dahil makulit ako hindi ako na kikinig.








Saktong tapos na kami kumain nang dumating sila Mommy.

"Hello po." bati ko sa mga ito.

Si Liam naman ay hinalikan pa ako sa pisngi na ikinagulat ko. Nang tingnan ko s'ya ay halos ma-suka-suka s'ya.

Bumalik lang ang magiliw n'yang itsura nang mabaling ang tingin sa amin ni Daddy.

Oo nga pala nakalimutan ko ang kasunduan namin.

Pretend

Pretend

Pretend

Especially when his parents is around.

Ipinag hila n'ya ako nang upuan, at talaga naman ang puso ko ay muntik nang tumalon sa tuwa.

"Kamusta naman kayo mga anak?" magiliw na tanong ni Mommy.

"O-ok naman po Mommy, M-masaya po kami hehe." pilit kong pinapasigla ang boses ko para hindi nila mahalata.

"Mabuti naman kung ganon, nang bababae pa din ba 'yang si Liam?"

Para akong binuhusan nang tubig nang itanong yon ni Mommy.

Sasabihin ko ba? Pero pag sinabi ko baka lalong lumala ang sakit n'ya.

"We're no-"

"Nako Mommy, hindi na po yan nang bababae. Takot lang n'yan si Liam sakin." sabi ko at tumawa.

Simaan lang naman ako nang tingin ni Liam bago lumapit nang sobrang lapit sakin.

"Lagot ka sakin mamaya Louriz." mariing aniya sakin at sinubuan ako ng karne.

"Ayiee, exited na akong mag ka apo." kinikilig na saad ni Mommy.

Kitang kita sa mga mata nila Mommy at Daddy ang saya kaya sino ba naman ako para sirain yun.

Kaya tinawanan ko nalang sila.

_____

Vote and Comment baVies! ¦)

Happy Reading!

Marrying The Playboy Billionaire [COMPLETED] Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα