Chapter 7

5.5K 143 2
                                    

Aira Louriz POV

Lumipas ang mga araw ay naging masaya naman ako dito, pero slight lang. Nung nag Anniversary sila Mama, nakipag video call ako. Masaya naman sayang nga lang at wala ako.

Si Liam naman as usual Wala dito at nang bababae, naisip ko tuloy paano kaya pag nag sama na kami sa iisang bubong. Hayy.... Naiisip ko palang nasasaktan na ako, totoo nga talaga ang sinabi ni Kyra. Na baka hindi lang basta love at first site ang nararamdaman ko.

Bukas pasukan na din dito, nauna ang pasukan sa Cavite dahil may pag ka probinsya sa amin.

Kaya ngayon nag aayos na ako nang bag ko nag pa-plantsa na din ako nang uniform. Maganda ang uniform nila.

Blazer na navy blue, palda na navy blue din na hanggang hita hindi naman s'ya maikli o mahaba kung baga sakto lang, at medyas na itim tapos hanggang tuhod at sapatos na itim.

At sa lalaki naman ay slacks n a navy blue din at polo na navy blue din. Ang medyas naman nila ay puti at ang sapatos ay Black.

A/N: Gets n'yo po ba ang pag dedescribe ko? sorry na bhie HAHAHA

Nakita ko kasing nag susukat ng uniform si Liam, at aminin ko man o hindi bagay sa kanya ang uniform at ang gwapo n'ya tingnan.

"MAGANDANG tanghali po M-mommy, D-daddy, bakit n'yo po ako pinatawag?" Nandito kasi kami ngayon sa opisina nila, sabi may pag uusapan daw kami.

"Bago tayo mag usap, hintayin muna natin si Liam, pa punta na daw s'ya" ani Daddy habang umiinom ng wine. 'Nako Daddy tanghaling tapat umiinom ka, masama po yan sa kalusugan. Baka magaya pa kayo kay Mommy may sakit'

"Ok po" sabi ko at umupo sa sofa.

Makalipas ang ilang oras ay dumating na si Liam. Pag upo n'ya sa kapat kong upuan ay naamoy ko ang pabango n'ya. That manly scent, mas nakaka hanga.

Nang mahuli n'ya akong naka titig sa kanya ay nginisian n'ya ko, kaya napa iwas agad ako.

Para bang alam n'ya na may gusto ako sa kanya, pero sa bagay marami na s'yang babae kaya alam n'ya.

"Ok son, alam kong tutol ka sa kasalang ito... But i don't fucking care. Dahil hindi lang ang mommy mo ang nabibingi araw araw sa pag tunog nang telepono. Kaya pag ka graduate mo pakakasalan mo na si Aira. And that's Final" sabi ni Daddy.

'Hayy... Buti nalang may mga araw pa ako na single'

Hindi na kumibo si Liam, at sinamaan n'ya lang ulit ako ng tingin.

Ngayon ay araw na nang pasukan. Syempre exited na ako, gusto ko din naman nag bagong kaibigan no.

Sabi din ni Mommy sabay kami ni Liam pumasok, gusto ko sanang sabihin na mag babyahe na lang ako pero hindi ko naman alam kung saan yung daan. Napailing nalang ako.

Pag baba ko ay nakita ko si Liam na naka busangot ang mukha, at halatang inip na. Alam kp kasing hinihintay n'ya ako.

"G-good morning Liam" bati ko rito, pero hindi ako nito pinansin o tinapunan manlang ng tingin. Bagkos umuna na itong lumabas at sumenyas na aalis na kami.

Akala ko pag bubukasan n'ya ako nang pinto pero hindi pala, ano pa nga bang aasahan ko dito eh hindi naman kami masyadong mag ka kilala.

"What now!? Faster! Wag kang umasa na pag bubuksan pa kita!" untag nito sa akin.

Nag lakad na ako, oo dahil sabi n'ya saakin hanggang parking lot nalang daw ako. Dahil ayaw n'yang ma issue s'ya. Kaya nasaktan ako. Pero kahit ganon titiisin ko para kay Mommy.

Nang maka pasok ako sa gate ay na mangha pa ako sa itsura nito.

Parang kasing laki lang din to ng Pinapasukan ko dati at saka maganda din ito.

Ang lalaki ng buildings at bawat building ay may mga pangalan, halimbawa engineering department, criminology, at nutritionist at marami pang iba, pero syempre sa isang building mag kakasama ang bawat course kasi Apat malakaing building lang ang nakatayo. Bawat room nandoon ang course na kinuha mo, pero mag kakasama padin sa isang building.

Pag pasok ko kasi ng gate kanina tinanong ako nang guard kung anong course tapos may binigay saakin na card tapos naka sulat doon yung course mo, pati yung floor ng room.

Hindi ko nga lang alam kung anong mga course ang kasama nang ABM.

Nang mahanap ko ang room ko ay pinag titinginan nila ako pero imbes na pansinin sila ay umupo agad ako sa may gilid ng bintana sa bandang huli. Medyo nahihiya ako kasi parang lahat sila mag kakakilala na ako lang ang bago. Ang ingay kasi eh.

Nung pumasok na ang professor namin ay nag si tahimikan sila at syempre nag pakilala na. Sa huli ako napa upo dahil by apelyido ang arrangement.

Nag simula na ang klase at tutok na tutok ako. Nag simula nadin akong mag sulat nang note para hindi ako mahirapan sa mga quiz at exams, uso kasi minsan ang surprise quiz kaya maganda na yung handa

Mabait naman ang professor pero strikto s'ya pag dating sa exams at resitation.

Habang busy ako kaka sulat ay may kumalbit saakin sa likod, kaya na patingin ako.

"Hi Carl nga pala" pakilala nito saakin. Gwapo s'ya, makapal ang kilay makapal ang kilay matangos na ilong, at pouty lips. Muka nga ring may liptint eh.

"Aira Louriz, Aira nalang hehe" balik kong pakilala sa kanya.

"Usap tayo mamaya ha?" tumango lang ako at bumalik na sa pag susulat.

Muka naman s'yang mabait eh tsaka friendly. Kaya bakit hindi ako makipag kaibigan sa kanya.

Pag dating nang recess ay agad n'ya akong hinila papuntang canteen.

"Sorry kung feeling close ako ha, kasi naman gusto kita maging Kaibigan" naka nguso nitong sabi kaya natawa ako. Ang cute n'ya kasi.

"Oo naman, pwedeng pwede, tsaka Wala naman akong ka kilala dito." naka ngiti kong saad sa kanya.

Nag kwentuhan pa kami at nang 15 minutes nalang bago mag time ay nag paalam ako sa kanya na mag c-cr muna ako.

Pag dating ko roon ay nag hugas ako nang kamay at nag hilamos,pero habang nag pupunas ako ay may naririnig akong umuungol.

"Ahh! Liam ang galing mo!" sabi ng babaeng nasa loob ng cr.

"Ang sarap mo! Fuck!" ungol naman nang lalaking pamilyar ang boses sa akin, gamit ang malalim n'yang boses ay sinabi n'ya iyon.

Bakit ang lakas nang boses nila? Alam ba nila na nandito ako, alam ba ni Liam na nandito ako? Sinasabi n'ya ba ang mga katagang iyon dahil alam n'yang mag gusto ako sa kanya? Sinasaktan n'ya ba ako gamit ang mga ungol n'ya? Na kahit kailan hindi n'ya ako gugostuhin o mamahalin?

Napa takip ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok nito, hindi ko namalayan tumulo na pala ang mga luha ko.

Dali-dali akong lumabas at napa sandal sa pader, sobra akong nang hihina dahil sa mga narinig ko.

Agad akong nag tatakbo pabalik kay Carl, nung una tinanong n'ya ako kung anong nangyari pero nginitian ko lang s'ya.

_____

Vote and Comment! Thank you🥺

Marrying The Playboy Billionaire [COMPLETED] Where stories live. Discover now