Chapter 12

5K 116 5
                                    

Someone's POV

"Sana hindi tayo mag sisi sa huli Hon." ani nang matandang lalaki. Sa tonong nag aalangan.

Aira Louriz POV

Maaga akong gumising para maka pag luto ako nang almual.

Nang matapos ko ang aking morning routine ay lumabas na ako at dumiretso sa kusina.

Tiningnan ko ang mga lalagyan doon pati ang ref. Marami s'yang stock na pag kain, kaunti din ang de lata n'ya. Nag kibit balikat nalang ako doon.

Habang nag seserve ako nang pag kain ay bumaba na si Liam, habang nag lalakad s'ya at hindi ko maiwasang pag masdan ang suot n'ya

Naka pajama itong gray at naka sandong itim. Nang maka lapit s'ya ay agad na kumunot ang noo n'ya, kaya napa iwas ako nang tingin.

"What the hell was that!?" bulyaw nito na ikina igtad ko.

"A-ah niluto ko p-para sa atin." kahit na nauutal dahil sa takot ay ngumiti pa din ako sa kanya.

Paano banaman ay ang aga-aga ay sumisigaw ito. Hindi n'ya ba nagustohan ang luto ko?

Pero bago ko i serve ang mga ito ay tiniyak kong masarap at perfect ang pag kakaluto at ang lambot nang karne.

Nag luto kasi ako nang sinangag, hot dog, at adobo. Nag pa habol din ako nang white rice, in case na hindi s'ya kumain nang sinangag.

"Ayoko n'yan baka lagyan mo pa nang kung ano-ano, yan pa ang ika matay ko. Mas mabuti pang umorder nalang ako." seryosong anito.

"T-teka Liam, gusto mo ba u-ulitin ko? Mag luluto ako nang bago. S-sayang kasi ito." sabi ko na para bang nag mamaka awa.

"Pwede ba! Sinabi kong ayoko n'yan! It's disgusting, itapon mo nalang!" sigaw nanaman nito sa akin. Bago ako iwan sa kusina na naka tulala.

Marahil sa Living room s'ya mag hihintay at kakain nang pag kain n'ya.

Nanglambot ako sa mga sinabi n'ya. Naiiyak ako dahil sa bahay ito ang gusto nila Papa. Pag nakaka punta din ako sa mga kamag-anak namin at nag i-sleep over ay ako ang nag luluto.

Hindi din nila pinintasan ang luto ko, tanging s'ya lang ang pumintas dito.

Napa buntong hininga ako bago sinimulan kumain.

Sayang naman ito, sabi ni Mama wag mag sasayang nang pag kain. Sayang ang biyaya at grasya.

Pag kaligpit ko sa mga kinainan ko ay ihahanda ko na ang gamit ni Liam.

Yun kasi ang sinabi ni Mommy sa akin kahapon nang umaga bago kami kinasal nung tanggali.

Itinuro din sa akin ni Mommy kung paano maging sweet at responsableng asawa.

Nakita ko s'ya na kumakain nang inorder n'ya at napa ngiti ako. Yun pala ang gusto n'ya yung mamahalin, ang alam ko lang kasing luto ay pang mahirap at simple lang, pero masarap.

Healthy din naman yun.

Pumunta ako sa Laundry Room at kinuha sa  closet ang uniform namin ni Liam. Bukod kasi ang mga uniform namin. Pag kakalaba kasi nito ay diretso ito sa closet.

May kinuhang katulong si Mommy at tuwing linggo lang ito pumupunta dito para mag linis at mag laba. Pero syempre hindi ako papayag na mahirapan si Ate Lury, may edad na din kasi ito.

Pag galing kong closet ay naabutan ko si Liam na nag iimis nang kanyang pinag kainan.

"Liam, ito na nga pala ang uniform mo, saan ko ilalagay." naka ngiti kong saad. Kahit na sa loob-loob ko ay nasasaktan dahil sa mha sinabi n'ys kanina. Pero kaya ko to.

Nang tapunan n'ya ako nang tingin ay biglang dumilim ang mukha n'ya. Lumapit s'ya sakin at hinapit ang braso ko. Napa ngiwi ako dahil sa sakit.

"Wag kang maki alam sa mga personal na gamit ko, naiintindihan mo?" mariing anito.

"P-pero asawa mo ako." saad ko sa mahinang boses.

Tumawa s'ya nang sarkastiko bago nag salita nang seryoso.

"Asawa? Hmm? Ito ang tandaan mo Louriz, Asawa. Lang. Kita. Sa. Papel." may diing aniya. Na nakapag panlumo sa akin.

Kinuha n'ya ang uniform n'ya bago ako lampasan,at pa bagsak n'yang isinara ang pinto.

Pero Aira wag kang mawawalan nang pag asa, para yan sa Mommy n'ya na may sakit. Tsaka mahal mo naman si Liam diba? Hindi din malabo na mahalin ka n'ya dahil nasa iisang bubong kayo.

"Tama, tama. Hindi dapat ako mawalan nang pag asa" bulong ko sa sarili ko bago pumuntang kwarto.

Lagi kaming sabay ni Liam pa puntang school, pero syempre hanggang parking lot lang ako.

Naalala ko, sabi ni Mommy gawin ko ang lahat para mapa tigil ang pambababae ni Liam. Pag daw may pumunta o tumawag sa landline sa Condo sagutin ko daw at sabihining may asawa na si Liam.

Parang ang hirap nun, pero kakayanin ko talaga. Mahal ko s'ya at gagawin ko ang lahat mag bago lang ang taong mahal ko, at kung alam kong nasa tama o katwiran ako ipapag laban ko talaga.

"Oy bakla, tulala ka na naman d'yan." bulong ni Carl saakin.

"H-ha? Hindi ah." ani ko at pilit na ngumiti habang umiiling.

"Sino si Fafa Liam na naman?" tanong n'ya sakin. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako makapag tago sa kanya nang sikreto.

Wala pa yung prof namin kaya nakakapag kwentuhan pa kami.

Tumango ako at malungkot na ngumiti, dahil nasa likod ko s'ya niyakap n'ya ko galing likod.

Nang mapatingin ako sa may bintana ay saktong dumaan si Liam na may kasamang babae. Pero hindi n'ya ako na kita.

Dahil wala naman s'yang interes sakin.

Maganda ang kasama n'yang babae, pero hindi ko talaga maatim na maka kita nang babaeng katulad n'ya na halos panti nalang ang isuot.

_____

Lumipas ang mga araw at linggo na ganon ang set up namin.

Sa Condo naman ay ganon din, nag luluto ako kahit ayaw n'ya, pinipilit ko s'ya. Pati yung mga gamit n'ya hinahawakan ko para i abot o para kuhanin para sa kanya.

Pero ang ending lagi n'ya akong sinisigawan.

Pag na sa mood s'ya inuutusan n'ya ko at  pinapahirap. Ang lagi n'yang dahilan ay yun daw ang gawain nang mga asawa lang sa Papel.

Yung mga sinasabi n'yang iyon ay hindi ko na pinapansin. Masasaktan lang din naman ako pag pinansin ko pa.

Ngayon ay naka upo ako sa isa mga couch dito sa Condo, kakatapos ko lang mag imis nang mga damit namin at mag laba, pag linggo wala nang inaabutan na linisin si Ate Lury, kawawa naman s'ya pag naabutan n'ya pa ito. Meron man pero kaunti,kagaya nang pag papalit nang mga sapin o pag papalit nang kurtina.

Minsan din yung mga words ni Liam ay below the belt na, nakaka offend din nakaka tampo. Pero ayoko mag tampo dahil wala namang silbi.

"Hindi ako mapapagod promise"   bulong ko sa sarili ko bago mag tapon nang mga basura.

_____

Thank you po sa mga nag reread dyan🥺napapag tyagaan pa kahit hindi ka gandahan HAHAHA vote and comment naman po para may motivation ako baVies! Thank you!

Marrying The Playboy Billionaire [COMPLETED] Where stories live. Discover now