Chapter 20

5.7K 142 7
                                    

Aira Louriz POV

Nakaka pagod mag practice. Kaya kasi kami maagang nag practice para sa sports fess dahil gagawin daw dalawang laban, pero dito pa din yun sa school.

Nag lalakad na ako palabas nang school ng may maka bangga sakin.

"Aray!" daing ko, at nag sabugan ang dala kong libro.

"Liam?" nagulat ako kasi s'ya yung naka bangga sakin.

"Here, let's go. Mom is waiting." aniya at ibinalik sakin ang apat kong libro, bago ako hilahin pabalik. Wala talaga kasi akong balak sumabay sa kanya eh ang parking lot ay nasa loob ng school.

Napa tingin ako sa paligid dahil madaming mata ang naka masid.

Ang iba ay kinikilig, ang iba naman ay masama ang tingin.

'wala namang ka kilig-kilig sa'min eh'

Pero may isang babae ang umagaw ng pansin ko.

Sobrang sama ng tingin nito na akala mo'y papatay.

Sa pagkaka alam ko ay badminton player din s'ya. Bihira lang s'yang practice ewan ko kung bakit, at single A din. Tulad ko.

Hindi ko pa din s'ya nakaka laro.

Bigla kong binawi ang kamay ko na hawak hawak n'ya at tumigil.

"Kaya kong mag lakad Liam" saad ko at tumingin ulit sa paligid.

Napa tingin din doon si Liam bago ngumisi, sa hindi ko inaasahan ay bigla nalang ako nito inakbayan bago tumakbo.

Kaya pati ako ay napa sabay at napa kapit sa bewang n'ya.

Nang maka rating kami sa kotse n'ya ay agad kong tinanggal ang akbay n'ya at lumayo.

"Ano bang problema mo?" inis kong sabi sa kanya.

"Let's go." imbes na sagutin n'ya ang tanong ko ay nag aya na agad s'yang sumakay.

Kaya Wala akong nagawa kundi ang pumasok sa sasakyan.

Tahimik ang naging byahe namin at nag taka ako ng itigil n'ya sa isang tabi ang sasakyan.

"Ok fine, I'm sorry. Last night i was just mad." aniya at nag iwas ng tingin.

Nalilito ko s'yang tiningnan, pero ang mga mata n'ya ay nasa labas ang atensyon.

Si Liam nag so-sorry? Weh Di nga? Saksakin ako ngayon na!

"Huwag kang mag alala walang malalaman sila Mommy, hindi din ako mag sususmbong." napalingon s'ya kaya tinitigan ko ang magaganda n'yang mga mata.

"At yung mga rules mo, susundin ko na araw-araw lalo na mamaya" pilit na ngiting aniko sa kanya "Tara na, baka nag hihintay na sila." sabi ko at nag kibit balikat at tumingin sa labas ng bintana.

Sa totoo lang, nasasaktan ako ngayon. Alam ko naman kasi talaga na guilty lang s'ya. Hindi n'ya ako Mahal.

Tsk ang demanding ko





NANG maka rating kami sa tapat ng pinto nang Condo n'ya ay hinawakan n'ya ang kamay ko. Medyo Nagulat pa ako doon, pero imbes na pag tuonan ko iyon ng pansin ay inihilig ko nalang ang ulo ko sa dibdib n'ya.

Shit! Yung puso ko lalabas na yata! Sobrang bilis kasi.

Nang bumukas ay naka ngiting mukha ni Mommy ang bumulaga sa amin.

Nag mano kami parehas ni Liam sa magulang n'ya bago kami umupo.

"Hi Ate" naka ngiting bati ni Eva, na ngayon ay kumakain ng Lukban.

A/N: Lukban or Suha po ay iisa lamang. Thank you!

"Hello" naka ngiti ko ding saad.

Habang nag ku-kwentuhan kami tungkol sa school ay na ramdam ko ang braso ni Liam sa balikat ko.

Napa tingin ako doon nag init ang pisngi ko. Bigla na naman bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ako kinikilig no, galit nga ako sa kanya eh.

Medyo lumayo ako sa kanya ng hindi nila halata pati s'ya. Nang mag tagumpay ako ay nakipag daldalan ako kay Eva.

"Hey, you want to know how to cook?" tanong ko dito. Ayoko kasing malapit kay Liam, nakaka takot.

Balak ko na rin kasing mag luto ng hapunan. Para maaga akong maka tapos sa gagawin kong props para sa role play namin.

"Yes Ate." hindi na kakaintindi ng tagalog si Eva, pero yung Ate, Kuya, Opo, Hindi o kung ano pa man ay alam n'ya. Pag mahabang tagalog lang talaga s'ya nabubulol.

Balita ko din ay mag aaral na s'ya ng tagalog. Mabuti yon para walang mambastos sa kanya, gamit ang wikang tagalog.

Akmang tatayo na ako nang tawagin ako ni Liam.

"Love, where are you going?"

Lintek na puso naman kasi to, konting salita o kilos lang ni Liam nag huhurumentado na agad. Daig ko pa ata ang hinabol ng benteng aso eh.

"Uhm... Mag luluto" pilit na ngiting saad ko. "ikaw may ipapaluto ka ba?" tanong ko pa dito.

Baka mamaya n'yan mag pa order s'ya, kasi kaninang umaga kaya n'ya lang nagawa yun kasi Guilty s'ya.

"None, i will eat your cooked" aniya at kumindat pa.

Pakitang tao lang yan Aira wag kang maniniwala sa taong yan

"Sige. Uhm Mommy, Daddy mag luluto lang po ako, isasama ko po si Eva. Gusto daw pong matuto eh." aniko at dumiretso na sa kusina.




"So Ate, what's next" tanong ni Eva, tinuruan ko kasi s'yang mag hiwa ng papaya.

Mag luluto kasi ako ng tinola at mag prito nang hita ng manok.

"Here, then put it on Cauldron. Just a little huh?" naka ngiti kong saad, at pinanood kung paano n'ya tantyahin ang asin, betsin at paminta.

Pag katapos kasi nyang mag gayat ng papaya ay tinanong n'ya kung anong sunod. Kaya sinabi ko, ako naman ay nag hahanda ng dessert.

Para mamaya habang nag piprito ay naka salang yung tinola.

"Ate, can you teach me how to fry a chicken?" tanong nito.

"Of course" sagot ko, buti nalang willing s'ya matuto. Dahil pag wala na ang magulang n'ya or katulong nila, talagang kailangan n'ya matuto.

Para hindi pumitik ay dinamihan ko ang mantika. At sinabi ko din sa kanya na pag alam n'yang pumipitik ang piprituhin n'ya at damihan ang matika.

Ang hinanda ko namang dessert ay ice-cream.

Na miss ko tuloy si Adrian... Hindi ko kasi s'ya nakakausap dahil same kaming busy. Pati yung mga babies ko sa kwarto hindi ko alam kung ano na nagyari.

Sana naman wag n'yang pag tripan.

Dati kasi dino-drawing-an n'ya mga anime ko.

Puro tawanan naman ang namutawi sa hapag, na puri din nila si Eva dahil sakto daw ang timpla nito. Kinindatan ko naman si Eva dahil doon.

"Love paki abot naman nung prito" ani Liam.

Inabot ko iyon sa kanya, busy-ng busy sa pag kain ah.

Parang dati pinipintasan n'ya pa luto ko.

_____

Vote and comment naman po kayo, aking silent reader. I love you all❤️thankie:)

Pray always😊

Marrying The Playboy Billionaire [COMPLETED] जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें