Chapter 1: The Letter

4.3K 63 47
                                    

PROLOGUE

Nagtungo si Dessa sa silid ng anak nang mapansing wala ito. Alas otso ng umaga pa lamang at marahil ay nasa kaibigan lang ito nagawi na nasa subdivision ding iyon. Nakita niyang nakaayos ang mga gamit. Kapansin-pansing malinis ang silid at masinop na nakatupi ang higaan. Sa biglang tingin sa lamesang gawa sa kahoy, ay may isang puting rosas na naroong pinatungan ang puting sobre. Sa kung anong kadahilanan ay biglang kinabahan si Dessa. At sa nanginginig na kamay ay binuksan ang sobre at binasa ang sulat ng anak.

 

Dear Mama,

            Bago mo ipagpatuloy ang pagbasa ay marapatin mo sanang inumin muna ang Catapres sa drawer. May isang basong tubig ding nakahanda sa tokador sandaling uhawin ka. Huwag ka sanang mabibigla. Marahil habang binabasa mo ito’y naglalakbay na ako sa malayo. Huwag mo ng alamin. Hindi pa ito ang tamang oras. Ipinagpaumanhin ko ang hindi pagpapaalaman sa inyo ni Papa ng maayos. At kung hindi man lamang ako makakatulong sa pag-aaral ng mga kapatid ko lalo na ang mga gastusin sa bahay.

Ngayon ko lang po naranasan ito: ang maging ganito kasaya. Yung tipong walang nagbabantay sa bawat galaw mo, hindi pinagbabawalan sa isusuot mo, at pwedeng pumunta sa kahit saan mo naisin. Yung pwede na tumambay hanggang umaga at makipagbarkada kahit kanino. Huwag kayong mag-alala Ma, kayang-kaya ko ang sarili ko. Twenty na po ako, graduate na sa kursong Nursing at nararapat lamang sigurong subukan ko ang lahat habang bata pa ako.

Hindi naman pala ganun kasama ang bawal na gamot Ma. Hindi lahat ng napag-aralan namin sa libro ay tama. Iba talaga ang naranasan mo sa sarili. Bagkus ay binibigyang sigla nito ang iyong katawan. Nagiging masaya ka at tila nawawala bigla lahat ng problemang hatid ng sitwasyon ng buhay natin. Ang gaan-gaan sa pakiramdam.

Sa nakalipas na mga araw ay gumagaling na rin akong uminom ng alak Ma. Halos inuumaga kami sa inuman kasama ang mga lalaking kaibigan ko. Doon ko din nakilala si Iñigo Ma. Hindi niya ako pinabayaan kahit halos apat na buwan na itong nasa sinapupunan ko. Ulila na si Iñigo Ma. At sabay naming palalakihin ang aming magiging supling habang pinapalago ang maliit niyang negosyo. Alam kong maraming pera si Iñigo Ma. Pinakita niya rin sa akin.

Sa ngayon kailangan lang muna naming magpakalayo para hanapan ng lunas ang sakit niyang HIV. Kung mayroon man. Hinahanap din siya kasi ng ibang kasosyo niya. Siya ang tinuturong rapist ng kapatid nito sapagkat siya daw ang nakitang huling kasama noong mangyari ang gabing iyon. Malaki ang tiwala ko kay Iñigo at alam kong malalampasan namin ito. Makikita niyo rin ang mga apo niyo Ma. Kayo na po ang magpaliwanag kay Papa.

 

Nagmamahal,

 Denise

 

PS:

            Ma, walang katotohanan ang lahat ng nabasa mo. Nais ko lang ipaalala sa inyo na mas marami pang masasamang balita sa mundo kaysa sa board results kong nasa ilalim ng unan. Pakitext po ako kung safe ng umuwi. Kina Maricris lang ako. Love you! :)

My Lovely Heroine: Denise ~will undergo major revision~Where stories live. Discover now