Chapter 1.1 The Note

1.3K 37 22
                                    

Pagkauwi ni Denise bandang alas singko ng hapon, isang note sa pinto ang kanyang nabasa:

Denise,

 

            Pumunta ka sa National Kidney and Transplant Institute, 3rd floor, Station C, Room 53. ASAP.

 

 Tita Lenny

Namalisbis ang luha sa mga matang tinakbo niya ang bukana ng subdivision. Pumara siya ng taxi at dali- daling ngpahatid sa hospital. Kinakabahang tinahak niya ang daan papasok at ngtanong ng direksyon sa guard. Halos patakbo siyang sumakay ng elevator patungong 3rd floor at dumiretso sa Station C, Room 53.

Napansin niyang private suite iyon at tila malaking kwarto. Hindi siya sinita ng nurse ng dire-diretso siyang pumunta sa silid, kumatok at dahan-dahang binuksan ang pinto ng hindi humihinga habang pinipigilan ang mga hikbi.

Sa nanlalabong mga mata’y sinalubong siya ng “Congratulations Denise!” ng buong mag-anak niya. Maraming pagkain sa kwarto at mukhang nagkakasiyahan ang lahat. Subalit ang kanyang mga mata’y diretsong nakatingin sa kama at saka pa lamang siya nakahinga ng maluwag ng makitang ang Tito Tony niya ang nakahiga na kakatapos lamang ng scheduled dialysis nito.

Hinanap niya ang kanyang mga magulang at nakita itong parehong nakangiti. “Sorry Ma, Pa,” ang tanging nasabi niya sa nangingilid pa ring mga luha. Iniabot ng ina ang sobre at sinabing, “Buksan mo Anak.” Isang roundtrip ticket to HongKong at hotel reservation ng isang linggo ang nakalagay doon. Matagal na niyang pangarap yun at talaga naming tuwang-tuwa siya. Kasama sa sobre ang note ng ina: 

Anak,

Congratulations! Hindi ka man nasama sa top 10, proud na proud pa rin kami ng Papa at mga kapatid mo sayo.

Mama at Papa

Sa natatawang naluluhang mukha ay niyakap niya ang mga magulang at mga kapatid.

"The love of family and the admiration of friends is much more important than wealth and privilege." 

-Charles Kuralt 

My Lovely Heroine: Denise ~will undergo major revision~Where stories live. Discover now