Chapter 6: Yesterday's Gone

889 35 4
                                    

“We all do things we desperately wish we could undo. Those regrets just become part of who we are, along with everything else. To spend time trying to change that, well, it's like chasing clouds.” 

― Libba Bray

Luke's POV

Nasa sarili kong suite na nasa Tower 3 ng hotel na iyon ako. Nagpapahangin sa veranda. Bumuntong-hininga ako bago nagpasyang sindihan ang kanina pang nilalarong sigarilyo sa kamay.

Shit!

Hindi ako mayosing tao pero tuwing tense ako o nag-iisip ay hindi ko maiwasang hindi magyosi.

Let's just be friends...

Let's just be friends...

Let's just be friends...

Fuck!

I couldn't help but cursed. Hindi pa rin ako maka-move on hanggang ngayon. Halos magdadalawang taon na din ang nakalipas ng marinig ko kay Denise yun.

"Denise..." Parang tanga na naman kong tinatawag ang pangalan nito na tila nasa harap lang ang dalaga.

Ang maamong muka nito. Ang mapupulang labi. Ang chinitang mga mata. Ang nakakabighaning ngiti...

"Ahhhh! Damn!" Frustrated na inubos ang natitirang sigarilyo at tinapon sa trash bin.

Pagkatapos ng huling pag-uusap namin ng araw na yun ay umalis na si Denise at umuwi ng dorm. Kinausap ko si Cindy nun na huwag ipagsabi ang nangyari para na rin protektahan si Denise. Alam kong ayaw nito na pinag-uusapan. Masyado itong sensitibo. Civil na lang din ang usapan namin ng sumunod na mga araw. Iniwasan na ako nito.

Masakit. Masakit lalo't dati eh sobrang close kami. Laging magkasama.

Hindi ko tuloy alam kung naging tama ba ang desisyon ko. Konswelo na lang dun siguro ang hindi ko na maririnig ang walang sawang kwento nito tungkol sa irog nitong si Tyler. Ako lang naman at si Maricris ang nakakaalam nun. Alam kong hindi alam ni Kriz ang nangyari samin base na din sa reaction nito kanina. Masakit din na yun lang lagi ang naririnig ko dito. Puro Tyler ganito, Tyler ganyan, pero at least nakakasama ko ang mahal ko.

Napakalaki ko talagang masokista. Hindi naman ako ganyan dati.

Kailan nga ba ako nagbago?

Second Year College

"Sino na naman ang girlfriend mo Luke? Wala na pala kayo ni Rhian eh. Bakit ba kasi ayaw mo akong patulan?"  Narinig kong sabi ni Cassey.

Nasa student council office kami nun. Kakatapos lang ng meeting para sa foundation day. Mag-uumpisa pa lang naman ang taon ng klase kaya madami pang oras. Hindi ko namalayan ang paglapit nito. May sa pusa talaga!

Kakatapos ko lang makipagbreak kay Rhian. First year tourism ito. Tumagal lang yata ng three weeks.

Si Rhian ang girlfriend kong nagger. Makabantay wagas. Inis ito kay Cassey dahil lagi daw nakabuntot sa likod ko. Badtrip ako sa mga walang tiwalang tao. Siya na nga ang girlfriend eh. Sabagay, minsan hindi ko din to masisisisi. Parang stage girlfriend naman talaga umakto si Cassey. At lagi kaming magkasama dahil pareho kaming officer sa mga clubs.

Sayang, maganda pa sana si Rhian. Magaling pa sa... Aaah.

Kung anu-ano na naman naiisip ko. Pero aanhin ko naman ang maganda kung gagawin ako nitong tila aso? Balak pa yatang kadenahan ako sa leeg.

My Lovely Heroine: Denise ~will undergo major revision~Where stories live. Discover now