Chapter 4: Your siblings, your enemies, your bestfriends

930 36 15
                                    

"Remember when getting high meant swinging on the playground? When protection meant a helmet? When the worst thing you could get from boys were cooties? Dad's shoulders were the highest place on earth and mom was your hero? Your worst enemies were your siblings? Race issues were about who ran the fastest? War was only a card game? The only drug you knew was cough medicine? The only thing that hurt you were skinned knees? And goodbyes only meant for tomorrow? And we couldn't wait to grow up."

-Anonymous

..................

 "Ano ba namang bahay to walang ulam?!" Papasok ako ng bahay ng maulingan ko ang boses ng kapatid na lalaki. Hindi ko nagustuhan ang narinig ko. Kinse anyos pa lamang ito. Graduating ng highschool.

Ba't gising pa to?

Alas diyes y medya na ng gabi. Lumampas ng trienta minutos sa nais kong uwi kaya medyo nagulat ako na gising pa si Jude.

Kakadating lang kaya nito?

"Jude," tawag ko na kinagulat niya.

"A-ate. Ka-kakarating mo lang?" Kinakabahang tanong nito.

Wala naman akong ginagawa. Hindi ko sila kailanman pinagbubuhatan ng kamay, pero ewan kung bakit takot na takot ang dalawa kong kapatid sakin. Malambing nga ako sa mga ito. Pero mabuti na rin yun na alam kong malaki respeto ng mga ito sakin.

Gusto kong mang-asar kaya pasensyahan kami ngayon. Hehe.

"Hindi. Paalis pa lang ako. Wala nga akong narining sa sinabi mo eh." Walang emosyon kong sabi.

"Ahm, a-ano,ano kasi eh, nagugu-" Di magkandatutong paliwanag nito.

"May tanong lang ako," putol ko sa sasabihin niya. "Ilang taon ka na nga?"

"Fifteen po."

"Uhm, sino nagpapaaral sayo?"

"Sina mama't papa po."

 "Sino nagtatarabaho sa bahay na to?"

"Sina mama't papa po."

"Sino bumibili ng groceries at ibang pagkain sa bahay na to?"

"Sina mama't papa po."

"So sino nagpapakain sayo?"

"Sina mama't papa po."

"Tingin mo bakit walang ulam?"

"Kasi po late na ako dumating?"

Tumangi ako. "Pwede. Ano pa?"

"Walang pera sina mama't papa?"

"Ano nga ulit sabi mo kanina? Gusto ko yung buung-buo ha? Ayoko ng may kulang."

"Ahm, ano po, ahm, 'anong ba namang bahay to walang ulam' po."

"Naiinis ka na ba?" Tanong ko. Serious ako. Serious. Haha.

"Ahm, ate, ano kasi-"

"Naiinis ka nga? Kasi wala tayong ulam samantalang nagugutom ka?"

Napakamot ito sa ulo. "Medyo po."

"Tinignan mo ba ang ref?"

"Hindi po."

"So ano ba dapat ginawa mo kasi gutom ka?"

"Magluto po?"

Tumangi ako. "Tama."

"Eh hindi po ako marunong eh-"

My Lovely Heroine: Denise ~will undergo major revision~Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin