Chapter 9: That Night

704 25 3
                                    

“You know you're in love when you can't fall asleep because reality is finally better than your dreams.”

― Dr. Seuss

 

Maricris' POV 

Kakapasok ko lang ng bahay. Galing kami ni Denise sa isang KTV bar sa Makati.

 

Hays. Ang sakit sakit pa rin. Paano naatim gawin sakin ni Polo yun? Ano pa ba ang kulang? Virginity ko ba? Yun ba? Sana sinabi na lang niya hindi yung gagaguhin niya ako ng ganun.

 

Pesteng luha to. Nakakainis. Ba't ko ba pinag-aaksayahan ng panahon yun?

 

"Ate, tumawag dito si Kuya Polo, hinahanap ka," sabi ni Philip.

 

Leche! Kinakalimutan mo na nga eto na naman papaalala sayo.

 

"Si Mama hanap nun hindi ako, nagjojoke lang siguro. Ikaw! Ba't gising ka pa?! May pasok ka bukas! Matulog ka na!" Hindi ko napigilang pagbalingan to ng init ng ulo ko.

 

Siguro napansin ni Philip na may pinagdadaaanan ako kaya hindi sumagot ng pabalang.

 

"Ate, Sabado bukas. Tss. Matulog ka na. Mukha ka ng Panda," sabi nitong naiiling at tumalikod na.

 

"Aba't! Hoy kinakausap pa kita!" Kainis.

 

Pumasok ako sa kwarto ko. Bwisit. Nakita ko na naman ang malaking teddy bear na bigay ni Polo. Ang picture namin sa side table ko. Ang poster ng paborito naming banda. Ang bulaklak na bigay niya nung isang araw na nasa vase.

 

Aaaaaah! Polo, Polo! Puro na lang Polo. Naiiyak na naman ako. Ayoko dito! Nadedepress lang ako lalo.

 

Hindi na ako nagdalawang isip. Naligo ako at nagbihis. Bahala na. Binuksan ko ang bintana sa kwarto at pasimpleng dumaan dun. Mahirap na makagawa ng ingay, patay ako kina Daddy. Mabuti na lang bungalow style yung bahay, kung nasa second floor pa ang kwarto ko mapipilitan akong maghagdan and all. Inayos ko na ang higaan at nilagay ang hotdog pillow ko na animo'y ako ang natutulog. Tumalon ako ng bintana.

 

"Fuuuuuuucck!" impit kong daing.

 

Napaupo lang naman ako sa bermuda grass at natyempong nasagi ng plorera ang pwet ko.

 

Ang sakit sa pwet! Nakaskirt pa naman ako! Sinipa ko ang dingding sa panggigigil.

 

"Aray!"

 

Pesteng buhay to oh, brokenhearted ka na nga, disable ka pa. Pihadong pasa na to bukas. Pagminamalas ka nga naman.

Mabuti na lang may sarili na akong susi ng bahay. Simula kasi nung nag-eighteen ako, binigyan na ako ni Daddy ng sariling susi ng front door at gate. Legal age na kasi. Hindi ko alam na mapapakinabangan ko siya ngayon. Naglakad na ako papalabas ng subdivision. Magtataxi na lang ako.

My Lovely Heroine: Denise ~will undergo major revision~Where stories live. Discover now