Chapter 5: Past is past?

1K 30 8
                                    

Pick the day. Enjoy it - to the hilt. The day as it comes. People as they come... The past, I think, has helped me appreciate the present - and I don't want to spoil any of it by fretting about the future.

-Audrey Hepburn

Hong Kong International Airport

"This is it. This is really it. This is really, really is it bestfriend!" Pakwela na saad ni Maricris.

"Ai-ai ikaw ba yan?" Natatawang saad ko dito bago napabuga ng hangin. "Whoah! Grabe, parang nasa Tagaytay lang din ah. Lameeeeeg!"

Light traveller ako. Kaya napagkasya ko ang pang-isang linggong damit sa 1 maleta. Si Maricris na halos 3 malalaking maleta ang dala ay parang matatabunan na ito ng mga bag.

Natawa ako sa itsura nito. May gana pang manginig eh kuntodos porma na pangwinter? Sobrang jologs talaga. Hahahaha! To think na kasagsagan ng init ng araw. Medyo malamig lang talaga ang ihip ng hangin. Doble ang jacket nito, nakaboots, nakabonnet at nakagloves pa. Napailing na naman ako.

"Ano na naman?! Ako na naman nakita mo, wala namang makakakilala satin dito ah. Eh sa feel na feel ko magwinter outfit eh! Bakit kasi hindi nag-iisnow! Badterrrp!"

Bilib talaga ako sa talas ng pakiramdam nito.

"May sinabi ba ako? Alam mo ikaw nagtataka ako saan mo kinukuha yang enerhiya mo eh mas mataas naman ako sayo ng tatlong pulgada, ang lakas ng boses mo," naiiling na puna ko dito.

"Pamuka talaga na tatlong pulgada ang taas? Oo na ikaw na 5'2". Kahiya naman. Tangkad ha?! Loosen up bestfriend! Nandito tayo para magsaya. Magsaya. Magsayyyaaaaa!" Parang timang na paulit-ulit nito.

"Oo na. Oo na. Oo naaaaaaaa!" Pakikisakay ko din sa tunog na parang sinasapian.

Napahinto na naman kami sa paghaharutan ng mapansing madami na ang nakatingin. Nakakatawag na naman ng atensyon. Pambihirang Kriz. Nakakasira talaga ng poise kahit kailan!

Kinuha ko na lang ang iterenary sa bag at hinanap ang pangalan ng hotel bago pumara ng taxi.

Rambler Oasis Hotel

Napasipol kami. Alam kong mahal ang hotel na to lalo pa't malapit sa Disneyland. Tig-isa kami ng single bed ni Kriz. Nag-ayos na kami ng gamit at bumaba para kumain.

"Best, sa labas na lang tayo kumain. Dala gala na din," saad ni Kriz.

"Sige, trip ko ding maglakad-lakad," sang-ayon ko dito.

Nasa Tower 5 yung hotel namin. Nadaanan namin ang Cafe de Coral pero nilagpasan lang namin. Malapit na kami sa Tsing Hung Road Playground na malapit sa Tower 3 ng biglang magsalita si Kriz.

"Nagugutom ka na ba? Tambay muna tayo dito. Naamaze ako sa mga puno. Grabe kaya pala uso bird's flu dito no?" Namamangha ngang saad nito.

Sa nagtataasang mga puno, hindi mo lang dinig ang mga ibon, kitang-kita mo pa sila. At ang dami nila, seryoso.

"Tapos gusto mo pa tumambay diyan? Baka gawin ng bird's nest ang ulo natin niyan, huwag ka ngang umupo!" Sita ko ng makitang magko-cross sitting na ang hinayupak na kaibigan ko.

Nasa mainit na naman kaming sagutan ng biglang...

"Hey lady, watch out! I'm heading towards you!" Sigaw ng kung sinumang hinayupak number 2.

"What the effff!" Hindi napigilang sabi ni Kriz habang nanlalaki ang mga mata. Nakatalikod kasi ako sa paparating at nakaharap naman dun si Kriz.

Hindi ko na namalayan ang sumunod na pangyayari. Hindi na din ako nabigyan ng pagkakataong lumingon. Nagulat na lang ako ng maramdamang tila nakasakay sa likod ko ang magaling na hinayupak number 2.

My Lovely Heroine: Denise ~will undergo major revision~Where stories live. Discover now