Chapter 10: The Call

642 24 6
                                    

Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage.

- Lao Tzu

Denise's POV

Naunang umuwi sina Luke noong Huwebes. Friday pa ang flight namin ni Maricris kaya naman inubos namin ang buong araw sa pagsho-shopping.

Hanggang ngayon medyo natitigilan pa rin ako pag naiisip kong may nangyari sa kanila ni Marco. Pero malaki na naman to. At kaya niya namang panindigan ang nangyari sa tingin ko.

Wala pa rin silang kibuan. Patay malisya na lang ako na kunyari, wala akong alam sa nangyari. Binigay ko na din sa wakas ang mobile number ko kay Luke bago sila umalis at sinabi niyang text-text na lang daw pag-uwi. Okay na naman kami, I guess.

Nakauwi naman kami ng matiwasay sa Pilipinas. Derecho na kami sa bahay at tuwang-tuwa naman sina Mama at ang mga kapatid ko sa mga pasalubong ko. I bought shirts, dresses at kung anu-ano pang bilin ng mga to.

Kasalukuyan akong nagsosoundtrip sa kwarto pagkatapos ng medyo mahaba-habang kamustahan din ng makatanggap ako ng tawag kay Tyler.

"Denise! I'm glad you're back. Ano pasalubong ko? Kamusta ang gala?"

"Oh, hi Ty! Okay naman. I dunno if you'd like a shirt--"

"Cool! Of course kahit ano basta galing sayo. Haha! So tuloy ba tayo bukas?"

Oo nga pala, ba't ba nawaglit sa isip ko? 

"Oh my, oo nga pala. Sure. Saan ba at what time?"

"Ouch. That hurts. Nakalimutan mo? Haha! Kidding. It's Saturday, so okay lang ba na dinner and hang out sa bar? Say I'll fetch you around six?"

Hehehe. Dinner daw oh? Kinikilig ako, sobra. Yeeeaah! Pero ayoko muna mag-assume. Konti na lang hahaha.

"Ngek hindi naman masyado lang akong napagod siguro sa byahe, pasensya. Sino ba kasama natin?"

"Honestly, gusto ko sana tayong dalawa lang. M-May gusto ka bang isama Nise?"

Tunog kabado siya. Hmm.

Twenty na naman ako so I guess, okay lang di ba? At kilala ko na naman siya eh. What do you think Nise?

"Ah, ano, uhm, wala naman, nagtatanong lang. De sige. Bukas. 6pm. Teka, alam mo bahay namin?"

"Yup. Don't ask me how, nahihiya ako," I heard him laughed.

Eh? Totoo? Nahihiya? Bakeeet?

"Sira. Ang OA mo dyan hindi bagay haha! Sige ah. See you tom na lang?"

"Yup. Pahinga ka na. Thanks and ya, see you! Bye."

"Bye."

I hang up smiling very wide.

Hays. Nayakap ko ng buong higpit ang teddy bear ko. Pabiling biling ako sa higaan. First real date ko with Crush! Haha. Tinignan ko ang oras. Alas dose na ng hating gabi--

Ringgggggggg.

Sinong maligno ang tatawag ng ganitong oras? At unregistered number pa.

"Hello?"

"Nise, sorry kung naistorbo kita, hindi ako makatulog eh."

Luke?

Ako din. Muntik ko ng sabihin.

"Luke? Ikaw ba to?"

"Yeah. Nakauwi ka ba ng maayos kanina? Baka nagpapahinga ka na ha?"

"Nope. Papatulog pa lang din naman ako," humihikab na ding sagot ko.

"Ah eh. Baka istorbo na ako ha?"

"Nope, go on. Ano ba yun?"

"M-May la-lakad ka ba bukas?"

Ba't andami naman masyado ang gustong ayain ako bukas? Hahaha.

"Nauutal ka ba? Haha!" Asar tanong ko dito.

"Ha? Di no! Anlamig ng aircon eh," palusot nito. Weh?

"Ah. Ano, meron eh. Ano ba sana?"

"Samahan mo akong bumili ng gift kay Mommy. Malapit na birthday niya, wala naman akong alam sa mga babae eh," paglalambing nito.

Asuss. Kaka-close lang natin ulit nagdedemand na naman. Hmmp.

Naiimagine ko na ang pagkamot nito sa batok. Ako naman talaga laging kasama nito dati pag may bibilhin, right? Tss..

"Sunday na lang, okay lang ba? Afternoon," Tanong ko dito.

"Hmm, kay. Simba na din tayo," sabi nito sa masayang tinig.

"Sure. O pano? Bye-bye na?" Sagot ko sabay hikab. Inaantok na talaga ako. Hays. Kapagod kaya ng byahe.

"Sige sige. Thanks Nise! By the way, saan ka nga pala pupunta bukas?"

"Dinner with Tyler. Goodnight Luke!"

Nakatulog ako ng may ngiti sa labi.

***

Luke's POV

Fuck!

Are these two dating already?! Nahuli na ba ako? Hindi ako makakapayag. I have to talk with that bastard. Subukan lang niyang isali si Denise sa mga pinaglalaruan niya hindi ako mangingiming makipagbasagan ng mukha dito!

Tumayo ako at inabot ang kopitang may lamang scotch. Kanina pa ako hindi makatulog. At mas lalo akong nawalan ng gana sa narinig. Kaya pala hindi niya ako masasamahan.

Nakakagigil.

Dinner? Baka saan nito dalhin si Denise.

Damn these thoughts! Alam ko halang ng bituka ng gagong yun. Huwag siyang magkakamali. Akala siguro nito hindi na kami nagkikita ni Denise. Well, humanda siya. One wrong move Tyler, one wrong move and you're cold as dead.

My Lovely Heroine: Denise ~will undergo major revision~Where stories live. Discover now