Chapter 8: Namiss kita

793 32 14
                                    

I cannot even imagine where I would be today were it not for that handful of friends who have given me a heart full of joy. Let's face it, friends make life a lot more fun.

-Charles R. Swindoll

Denise's POV

Hong Kong Disneyland

Halos lahat ng rides at attractions ay napuntahan namin. Sa Big Grizzly Mountain Coaster, Space Mountain, Fantasy Gardens, Mystic Manor, Mystic Point, Autopia at iba pa.

Masaya rin kasama ang dalawang lalaki sapagkat hindi ito mga KJ. Parehong game at jologs din.

Hindi ko masyadong napansin ang ganoong side ni Luke noon. Siguro nga masyado lang talaga akong busy sa pag-aalaga sa nararamdaman ko kay Tyler. Hindi ko alam.

Ang closeness naman na meron kami dati sa pagkakaalam ko, pangkaibigan lang talaga. Ayaw kong lumampas pa doon.

Aminado akong na minsan sa buhay ko, humanga ako kay Luke. At sino ba namang hindi? Hindi lang ito gwapo at matalino, sobrang bait pa nito at maalalahanin, kaya hindi na nakapagtataka yun.

Pero matagal ko ng nasupil ang aking nararamdaman dahil alam kong mas lasting kung mananatili kaming magkaibigan. Kaya naman nakakailang at nakakatawang isipin na minsan sa buhay nito, nagkagusto ito sa isang tulad ko. Isang tulad kong na wala sa kalibre ng mga nagiging karelasyon nito.

"Nise, popcorn, footlong o corn cub?" Gising ni Luke sa pagmumuni-muni ko.

"Bilhan mo siya ng dalawang avocado shakes tsaka sushi," sabat ni Kriz sabay nguso sa stand ng sushi at shakes.

Alam na alam nito ang mga gusto ko. Kaso..

"Eh? Ba't dalawa? Ang takaw mo naman Nise, haha! Pero teka.." sabi ni Luke at pumunta sa stand.

Ngumiti lang ako.

"Syempre di sa kanya yung isa, ano pa? Teka cuz, sama ako, gusto ko din magsushi," Sabat naman ni Marco at sumunod kay Luke.

"Epal ka talaga," pahabol na asik dito ni Kriz.

"Ayan na naman.  Umpisa na naman yan. Ano ba yan. Wala na bang katapusang bangayan yan?" Naiiling na saad kokay Maricris.

Tumahimik naman si Kriz.

"Best, sabihin mo nga, yung totoo ha? May past kayo nun no?" Pabulong kong tanong.

"Basta best don't judge me ha?" Sabi naman nito.

"Oo naman. Sige na habang busy pa sila."

"Eh babalik din agad yun eh. Maya sa hotel," nag-aalalang sabi nito

"Diyaaan, diyan ka magaling. Sa pambibitin."

"Promise best mamaya na talaga, just promise me wag mo akong i-jujudge kahit anong mangyari, okay?" Sabi nito sa seryosong tono.

"Weh. Itsura neto. Arte much ha?" OA naman kasi makapagpromise, sus!

Nakita kong papalapit na ang dalawang lalaki kaya tumahimik na kami.

"Oh Nise," inabot ni Luke ang avocado shakes at corn cub.

"Thanks, magkano lahat to?"

"Lista mo muna," sabi nitong ngiting-ngiti. "Baka gusto mo umupo dun?" Nguso nito sa bench.

"Okay, tara," sabi ko at naglakad patungo sa bench. "Best, upo tayo dun," tawag ko kay Kriz.

"Sige, magsolo moment muna kayo punta lang ako dun sa souvenirs may gusto akong purse dun eh," sabi nito habang lumalamon ng mais.

My Lovely Heroine: Denise ~will undergo major revision~Where stories live. Discover now