Chapter 2: Tyler Mikhail Lopez

1.4K 33 10
                                    

"Out of all the people I've ever met you are the one who makes me draw those silly little hearts on my papers."

-Anonymous

 ...................

 Denise 's POV

Ang excitement na nararamdaman ko ay hindi matatawaran. Kating-kati na ang mga paa kong magliwaliw sa Disneyland at magshopping sa buong Hong Kong!

A week before ay nakahanda na ang mga gamit ko para sa bakasyon. Siguradong mauubos lahat ng savings ko pagdating doon pero wala akong pakialam. Hehehe. First time kong mawalay sa pamilya at international pa kaya samu't saring emosyon ang aking nadarama.

Naputol ang pagmumuni muni ko ng magring ang cellphone. Nakareceive ako ng text kay Maricris. Tinignan ko ang relo. 5:30am. May usapan kaming pupunta sa PRC ng araw na yun. Aasikasuhin namin ang requirements for oath taking.

From Maricris:

Bez mauna ka ng onti, sunod ako baka maubusan tayo ng number, text nito.

Nainis ako. Konti lang naman. Pero nainis pa rin ako. Yan ang ayaw ko dito. May mga pabigla biglang desisyon. Pero kailangan kong tanggapin. Part na ng pagkatao niya yun. Besides, baliw din naman ako at natanggap din nito.

Nagreply ako ng "Okay" at naligo na. Kakain na lang ako at magbabaon ng sandwich at tubig para wag akong gutumin mamaya habang naghihintay.

.....

Kararating ko lang sa PRC bandang ala siyete ng umaga ng makatanggap uli ng text kay Maricirs. Hindi makakarating ang bestfriend ko. Nag-away na naman daw sila ng boyfriend nito at kailangan daw niyang suyuin.

Inis na inis na ako. Ayoko magreply.

Naman! Lagi na lang ganun.  Lagi na lamang ako nitong iniiwan sa ere. Naisip ko nga, pano na lamang yung trip namin? Baka bigla nitong sabihing, "Ay nag-away kami ng bf ko, baka hindi na ako makasama sa Hong Kong, sensya na, susuyuin ko pa kasi".

Talagang bubugbugin ko to ng todo. Nakakabanas talaga.

Ang daming tao kaya mas lalo akong nainis ng maalala ang text ni Maricris. Ang aga-aga kong gumising para mauna kami sa linya. Nag-eexpect pa ako na makakasama ko naman ang bff ko kaya okay lang makipagsiksikan. Pero anong ginawa nito?! Pinagmumuka akong tanga ngayon. Haist.

Padabog akong nagfil-up ng form na kanina ko pa gustong punitin sa sobrang inis ng mapadako ang mata ko sa gate. Sa labas kasi ako ngfill up dahil mainit sa loob, may number naman ako kaya ayos lang. Nakita kong papasok si Tyler.

Shucks.

Ayan na naman. Ayan na naman ang mga munting paru-parong biglang lumilipad bigla sa tiyan ko. At kahit hindi naman ito nakatingin eh bigla na naman akong kakabahan at matataranta. Malamang mayamaya, may magagawa na naman akong bloopers.

Wag sana.

Lagi akong ganun pag nasa paligid ito eh.

Naramdaman siguro nitong may nakatingin sa kanya kaya bigla itong napatingin sa gawi ko. Bigla akong namula sa di malamang dahilan. Mabuti na lamang at malayo, I'm sure hindi nito napansin yun. Kumaway si Tyler at pumunta sa gawi ko.

Damn, nangangatog na ako.

Teka, sino nga ba si Tyler?

Tyler Mikhail Lopez. Ang aking longtime crush. Schoolmate ko ito. Same course pero ibang section. Irregular kasi ang schedule nito dahil naglalaro pa ito ng basketball. Oo. Sikat siyang varsity player. At ako lang naman si Miss Nobody. Ang saklap ng kapalaran ko. Hindi na nga ako kagandahan hindi pa ako binigyan ng extreme na talino para man lang mag-excel sa kahit anong field. Sabihin ng nasa top section ako pero hindi naman ako yung masasabing pinakamatalino. Talagang sakto lang. Simula ng makita ko ito sa gym ng mapadaan ako para hanapin si Maricris, nakisali na rin ako sa mga nahuhumaling dito. Parang gusto ko bigla matutong magbasketball.

My Lovely Heroine: Denise ~will undergo major revision~Where stories live. Discover now