Chapter 13: Her Knight's Tale

579 26 7
                                    

“Darkness cannot drive out darkness: only light can do that. Hate cannot drive out hate: only love can do that.” 

― Martin Luther King Jr. 

Luke's POV

Wala talaga akong tiwala sa hilatsa ng pagmumukha ng gagong Tyler na yan. Ako pa lolokohin niya eh halos magkapareho lang naman kami ng mundong iniikutan. Pareho lang naman kaming gago.

Minsan nga nagiging girlfriend pa niya ang mga naging ex ko. Pero nungka ko namang sinalo ang mga basura niya non.

Hindi ko naman dinideny na may pagka-jerk ako. Lalaki din naman ako eh.

But that was before I met Denise. That was before I started to develop feelings for her. When I was trying to win her heart ay wala naman akong tinignan na ibang babae kahit hindi ko pa siya nililigawan. Dumidiskarte pa nga lang akong manligaw non nagpapakatino na talaga ako.

I really wanted to be the best for her then. Kahit naman ngayon. Ang malas ko lang dahil purely friendship lang talaga ang kaya niyang ibigay.

Well enough of my bitterness.

Pagkatapos kong salubungin kanina ang sasakyan ni Tyler at pagbantaan ito ay naisipan kong tuluyan na ngang sundan siya. Baka kung ano ang gawin nito kay Denise.

Kapag may nangyari talagang masama sa kanya, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Pasalamat talaga siya’t isang suntok lang ang nagawa ko. Ang bastos lang masyado magsalita.

Why do girls would like to go out with that jerk anyway? It really wonders me. Tss.

Kasalukuyan ako ngayong nakaupo sa isang sulok ng bar kung saan tanaw ko ang dalawang nag-uusap.

Alam kong hindi umiinom ng alak si Denise kaya halos pigilan ko ang sarili kong lapitan ito ng bigyan ito ng waiter ng margarita.

Sige lang, margarita lang naman eh. Nasa hustong edad na naman ‘to kung tutuusin. Yung ibang teenagers nga mas maagang umiinom ng alak.

But then again, kilala ko si Denise. Hindi siya katulad ng ibang teenagers lang kahit twenty na din naman siya. Hays.

Maya-maya ay nakadalawang order na ito at halata na din ang pagiging tipsy sa anyo. Napapapikit na kasi ang mga mata niya maya’t maya.

Siguraduhin lang talaga ng gagong 'to na maayos niyang iuuwi ang dalaga.

Nang tumayo si Denise ay gusto ko sanang sundan ito. Pero sumenyas ito kay Tyler na tila huwag na sumama at na-gets kong baka magbabanyo lang siya.

Kaya nagkasya na lamang akong bantayan ang galaw ng gago habang nanonood ng mga sumasayaw sa dance floor at maya’t mayang nagtetext.

Hindi nagtagal ay nakita kong may nilagay ito sa baso ni Denise at alam ko na pampatulog iyon.

Tang-ina talagang lalaki yan! Mapapatay ko talaga siya!

Pinilit ko pa ring pigilin ang sarili ko na sugurin si Tyler. I need enough evidence. Kailangang malaman din muna ni Denise iyon. Baka sabihan na naman akong gumagawa ng kwento or worst, pakialamero.

Nang dumating si Denise ay kinuha nito ang baso ng margarita at inisang lagok. Halatang tipsy pa rin ito. Hindi na ako nagulat ng bigla itong mangalumbaba at unti-unting bumagsak sa mesa. Dali-dali namang kumuha ng pera sa pitaka si Tyler at binuhat palabas ng bar si Denise na mabilis kong sinundan.

Napakuyom na lang ako ng mga palad sa pagpipigil humalagpos ng galit ko kay Tyler.

Dahil halos tatlong sasakyan lang naman ang distansya ng pagkakapark ng mga sasakyan namin ay hindi ako nahirapang sundan sila.

My Lovely Heroine: Denise ~will undergo major revision~Où les histoires vivent. Découvrez maintenant