Chapter 14: The Final Blow and The Finale

928 37 23
                                    

“The only way to find true happiness is to risk being completely cut open.” 

― Chuck Palahniuk

Denise's POV

Nandito ako ngayon sa labas ng condo unit ni Cassey.

Ngayon lang ako susugod ng tao sa tanang buhay ko.

Ano ba’ng kasalanan ko sa kanya? Sa pagkakatanda ko, wala naman. Wala akong atraso sa kahit na sino. I’ve live a good life. I’m always good to people. Hindi nga ako matanim ng galit eh.

Ayon din sa bestfriend ko, mainam daw na komprontahin ko si Cassey. Balak pa sana nitong samahan ako kaso ako na din ang pumigil sa kanya. Baka hindi nito mapigilan ang sarili at pagtulungan namin si Cassey.

Knowing Maricris. Makikipagsabunutan talaga iyon.

Pagkatapos naming mag-usap ni Tyler noong isang araw ay napaamin ko din siya sa buong katoohanan. Iyon ang kapalit ng pagkausap ko kay Papa na iurong ang demanda laban sa kanya.

But that’s still tentative. Depende pa rin iyon sa desisyon ni Papa. All I have to do is convince him.

Hindi ko napigilan ang hindi sampalin si Tyler noong magkita kami.

He and Cassey were actually on and off flings. Ayon dito, totoong may gusto naman daw siya sakin pero it was Cassey who persuaded him na gawan ako ng masama. Matagal na daw kasing gusto ni Cassey si Luke and she couldn't get Luke dahil nga daw ako naman ang gusto nito. So maybe when Luke knew na may nangyari na sa amin ni Tyler ay baka pandirihan na ako nito.

Tyler and Luke weren’t good friends afterall. Matinding magkalaban ang dalawa.

Pero napakababaw. Sobrang babaw lang na nagpagamit siya kay Cassey.

"So bakit mo sinunod si Cassey? Ano naman ang kapalit nun sayo?" Curious kong tanong dito habang magkaharap kaming nakaupo sa coffee shop na iyon.

"A Porshe."

Nakatikim ito ng malakas na sampal sakin. Nabigla din ako sa ginawa ko actually. Pero nanggigil kasi talaga ako sa narinig.

"Really? Porshe lang kapalit ng puri ko Ty? Ang babaw mo pala. Akala ko iba ka. Well I guess, nagkamali ako. And I was really stupid for keeping my feelings for you. For like what? Fours years? Hah." Tumaas baba ang dibdib ko sa naramdamang galit.

Biglang umiba ang tingin ko sa kanya. Parang tinubuan siya sungay at ang sarap lang tuhurin.

Halos hindi ko na nga din magalaw ang inorder na kape simula ng mag-usap kami. Nawalan ako ng gana.

Pasimpleng dinama nito ang nasaktang pisngi. "I'm sorry okay? Wala namang nangyari eh. Pinagsisisihan ko na naman yun." Tila maamong tupang saad nito.

Natawa ako ng pagak sa sinabi niya. Ayos din ‘to eh. Ganun ganun lang ba yun?

"I'm sorry? Paano pala kung may nangyari habang tulog ako? Walanghiya ka! Hindi yon mababayaran ng sorry mo!"

Kung nakamamatay lang talaga ang tingin baka bumulagta na 'to kanina pa sa harap ko.

"You're such a jerk Tyler. And a pervert. My God! Paano na lang kung hindi dumating si Luke?" Parang maiiyak na saad ko sa harap nito.

Naawa na naman ako bigla sa sarili ko.

"Hah. That son of a—"

"Huwag mong pagsalitaan ng masama si Luke sa harap ko!" Putol ko sa sasabihin nito. "Halos ipagtanggol pa kita sa kanya tapos ikaw pala itong halang ang bituka!"

My Lovely Heroine: Denise ~will undergo major revision~Where stories live. Discover now