Prologue

1.8K 68 66
                                    

Hi! Please, do listen to the song above (Let me Down Slow by New Hope Club) thanks!


Prologue

"How was it?" tanong sa akin ni Bianca nang matapos kong ilapag ang aking gamit sa loob ng condo na titirahan ko.

"Fine," tangi kong sabi at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Bitch, you gotta be kidding me!" disappointed na usal ni Bianca. Natawa ako dahil doon at hindi na sumagot pa. "I'm wondering kung dahil lang ba talaga sa apelido mo kaya ka bumalik."

"Just shut up," pikon kong sagot at inirapan siya.

Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa, si Bianca nama'y nakitulong na rin dahil wala naman siyang ibang gagawin. Magkaaway sila ng seven years niyang boyfriend na si Leandro. Mabuti naman, may katulong ako rito.

"Where's Gab and Ericka again?" I asked curiously after minutes of silence. Binuhat ko ang box ng aking art materials at inilipat iyon sa kabilang cabinet.

"Have no idea. Work?" abalang sagot ni Bianca. Tiningnan ko ang kaniyang pinagkaka-abalahan. Nanlaki ang aking mata at mabilis na kinuha ang librong hawak niya. "Bitch! I'm reading!"

"This is eww! I'd throw this away," sagot ko. Ngumisi si Bianca at humalukipkip, ngayo'y nang-aasar na.

"Eww? Really? Kaya pala isinulat mo r'yan ang love story n'yo since grade five!" pang-aasar niya. She flipped her hair. "Fiction my ass! You even had your first ever book signing because of that!"

"And so? This is a trash for me now—"

"Ah, oo. Kaya nga nakatabi pa, e," she cuts me off.

"Lumayas ka na nga!" pikon kong sabi. Mas natuwa si Bianca at inakbayan na ako ngayon. She held my wrist.

"Hindi ka nagpa-tattoo remove? Hmm? Why kaya?"

"Wala! Echosera ka! Masakit!" sigaw ko at binawi na sa kaniya ang aking kamay.

"Mas masakit kaysa—"

"Shut up," seryoso kong sabi at lumayo na sa kaniya. Narinig ko ang tawa niya at bumalik na rin sa ginagawa.

"The bitchesa is back," mahina niyang sabi.

Maghapon na nanatili sa aking condo si Bianca, wala siyang ginawa kun'di sirain ang mood ko. She keeps bugging and bugging me! This bitch! Tinatalo ako!

"Fine, I'm going now. Pikon!" huling sabi niya nang dumating ang alas sais ng gabi. Napailing na lang ako at sinalpakan siya ng pinto.

Gaya ng aking plano, nagluto ako ng pagkain. I tried thrice just to make it so delicious. I failed. Lahat ay itinambak ko na lang sa kusina at napag-desisyunan na kumain na lang sa labas. Naligo ako at mabilis na nagbihis. Handa na akong umalis ng condo nang biglang bumukas ang pintuan, iniluwa noon sila Rom, River, Reego, Jacos, at Payton.

"Welcome back, bitchesa!" malakas na sigaw ni River. May dala pa silang cake na may kandila.

Payton opened his arms widely for me to hug. Naiiling kong sinalubong siya ng yakap. Halos maiangat na niya ako sa sahig sa sobrang higpit ng kaniyang yakap.

"Hays! Mabuti't bumalik ka na. I'm so glad," ani Reego at siya namang yumakap sa akin.

"You'll be fine," bulong ko at tinapik siya sa likuran.

"Welcome back sa atin!" sabi naman ni Jacos at mabilis akong niyakap. "I'm taking her back," he then whispered. Napangiti ako at tumango.

"Mabuti naman," sagot ko. Tinapik ko siya sa balikat. "Magulo man si Elle, pero naiintindihan ko s'ya. She's pushing you away because she was lost. Hindi mauunawaan ng iba ang katigasan niya pero I get her."

A Martial's Query (Saint Series #6)Where stories live. Discover now