Chapter 15

426 23 58
                                    

Chapter 15
Love you so

"Hala, Pupa, bakit ka naman nakikipagbreak?" Feliciano asked me. Inirapan ko sya before I continue walking. Ang mga schoolmates naman namin ay nakatingin sa aming dalawa while we're having a relationship argument.

"I just don't want to be with you anymore!" I shouted. Lahat ng schoolmates namin ang nag-stop dahil sa malakas kong sigaw sa hallway. "Just don't bother anymore na lang kaya?"

"Dahil ba sa nalaman ko kaya ayaw mo na?" he asked curiously. I pouted. "Pero kahapon mo lang ako sinagot, e!"

"And so? Basta let's breakup na! This is not healthy na!" I rolled my eyes. Iniwan ko na sa hallway ng grade five si Chano before pa nya ako habulin.

Hmp! I just hate it! Ayaw ko na may nakakaalam na ampon ako. Ang nangyayari kasi ay kinakaawaan nila ako kaya sila nagjo-join sa akin. I hate it kaya! They should be with me because they want to.

"Martial, I'll wait for you sa gate, ha? Usap tayo mamaya!" huling sigaw ni Chano bago ako makapasok sa room namin.

Whatever!

"Liah, ayaw ko ng breakup."

Mula sa pagtingin ko sa labas ng bintana ay nilingon ko si Chano.

Madilim, maulan, at mahangin sa labas. Ang mukha ko ay puno ng putik habang ang katawan ko naman ay may ilang mantsa na ng dugo. Kinailangan ko kasi kaninang tumakbo sa masukal na daan dahil hinahabol ako ng ilang parte ng BlackLeaf na hanggang ngayon ay patuloy pa rin kahit pinabagsak na ni Jacos iyon.

Hindi naman masakit ang ilang sugat sa tuhod at braso ko. Mawawala naman pati ito.

Sa ilang linggong lumipas, sinubukan ko namang magtiis at kumapit sa relationship namin ni Chano. I tried to reconcile, lahat. Sumama ako sa kanya at pilit na maging masaya, kaming dalawa lang. Sa loob din ng ilang linggo ay sobrang dami ng nangyari. Hindi lang sa akin kundi kila Astrid, Noelle, at Maria. I was there, silently praying for their fast recovery. Astrid's in America now, same as MM. Itong si Noelle ang hindi makita.

That night. That music festival was the worst. My soul was shattered. I was sexually harassed. In that damn crowd. I was raped. I told no one, hanggang ngayon. Wala akong mapagsabihan dahil alam kong ang lahat ng kaibigan ko ay naghihirap. Gusto... gusto ko na lang mamatay.

No one helped me. Nakita ng ilan ang pangyayari pero walang tumulong dahil magkakakampi sila at alam kong planado na yon. I was with Chano that night, nagkagulo noon dahil biglang kinuha si Astrid kaya sinabihan ko si Chano na tumulong kay Reego. Gusto ko man ikwento sa iba ay hindi ko magawa dahil para akong mamamatay sa pag-iisip kung paano na ako ngayon at kung paano nangyari yon.

I... I just didn't expect things. Ni hindi ko makayanan na isipin iyon. Hindi ko matanggap na ganoon sila. I loved this avenue. I loved this place, so dearly. Why is everything so messed up now?

"Liah..." nagmamakaawa nang lumuhod sa harapan ko si Chano.

I looked at him. I looked right in his eyes. It's sad. Wala akong maramdaman habang nakatitig ako sa kanya. Gusto ko meron. Ang kaso, hindi ko alam kung kahit ba sarili ko ay mahal ko pa. I'm dirty. I was touched and sexualized by someone I don't know.

Pakiramdam ko ay nag-cheat ako. Hindi ko naman ginusto yon. Hindi. Ang alam ko bago mangyari yon ay mahal na mahal ko si Chano kaya may saya sa puso ko noon kahit hirap na hirap na ako. Wala akong maunawaan ngayon, wala talaga akong maramdaman kundi sakit.

Life is fun and colorful if people aren't cruel.

"Just let me help you, please. Let me take care of you!" and then Chano cried again. All I can see in his eyes is pure love and hope while looking at me.

A Martial's Query (Saint Series #6)Where stories live. Discover now