Chapter 25

450 31 29
                                    

Chapter 25
Moments

"Dad, what do you want for breakfast?" tanong ko kay Daddy kinabukasan matapos ko syang makita sa harapan ng aking bahay.

"I already cooked," nakangisi nyang sagot bago tumayo mula sa couch at dumiretso sa kusina. Nagtataka naman akong sumunod sa kaniya.

"Wow!"

"Told you," Mayabang na sagot ni Dad kaya natawa ako at inalalayan na siyang maupo.

Hindi ko maiwasang mag-alala sa kalagayan nya. Pakiramdam ko'y dinagdagan ko lang ang alalahanin nya nang magkwento ako ng aking problema kagabi. I told him everything without mentioning any name. All he did is to listen. Nagulat lang ako at mas lalong umiyak nang malaman kong may sakit pala sya sa puso. I ached at that even more.

"Dapat ay hindi na ho kayo nag-abala, Dad," sabi ko nang makaupo ako sa kaniyang harapan.

"Ano ka ba? I'm fine!" aniya at bahagya pang tumayo. Kaagad siyang natumba dahil doon. Kaagad akong tumayo at nagmamadali siyang dunaluhan.

"Dad!" mabilis kong sinalo ang ulo nya nang muntik na itong lumapat sa sahig. "I-I'll bring you to the nearest hospital."

Mabilis akong tumakbo sa aking kwarto para kumuha ng susi ng sasakyan. Pinilit kong buhatin si Daddy palabas ng bahay, nagulat pa ako nang makita kong naroon si Konon at may nilalapag na box sa harapan ng aking pintuan.

"Is... is everything fine?" tila gulat na gulat nyang tanong. Naiyak na ako dahil doon.

"Help us, please... I... I can't carry him—"

"Ako na ang bahala. Umuna ka na sa sasakyan," putol nya sa akin at mabilis na kinuha sa akin si Dad para buhatin. "Calm down, Liah."

Natataranta akong nagtatakbo papunta sa elevator at doon sila inabangan, nang bumukas ay kaagad kong pinindot ang ground floor. Mabilis kaming nakarating sa ground kaya naman kumaripas na ako ng takbo papunta sa parking lot. Mabilis kong binuksan ang aking sasakyan at nang makarating sila ay dali-daling nagmaneho papuntang ospital.

Si Konon ang nag-asikaso kay Daddy nang mga oras na iyon. May mga sinasabi pa sya sa akin na hindi ko naman maunawaan dahil pakiramdam ko'y sasabog na ang dibdib ko sa kaba.

"Ameliah," tawag pansin sa akin ni Konon nang hindi ko sya marinig.

"Ha?"

"Call Chano. You need assistance here," aniya. Tiningala ko siya dahil doon at tumango.

"I will," sagot ko nalang.

Tinitigan ako ni Konon dahil doon. May hawak siyang kung ano na siyang sinusulatan niya at mukhang pati sakin ay nastress na rin sya.

"Again, you need to call your husband and ask him to be here for you. There will be a doctor to explain to you later about your dad's condition," huling sabi nya bago ako iwan.

Nang oras na iyon ay sinubukan kong tumawag kay Chano pero walang sumasagot. Tumawag din ako sa office nya pero wala rin kaya naman nanatili na lang ako sa labas ng kwarto ni Dad.

Baka naman busy. That's fine.

"Have your dad told you that his illness is very dangerous?" ani Doctor na syang dumalo kay Dad. "He has to go back to Ireland for his treatment dahil doon siya nakatakda talaga base sa papel na inabot nya sa akin kanina."

"Anong ibig mong sabihin, Doc?" nalilito kong tanong.

"Nakiusap ang ama mo kanina na wag namin syang gamutin dahil nakahanda naman daw sya at ang gamot nya... sa Ireland."

"Ah, ganoon ba? Sige, Doc. Thank you."

"Dad, naman e!" umiiyak kong sugod kay Daddy nang pumasok ako sa kaniyang kwarto matapos makausap ang doctor.

A Martial's Query (Saint Series #6)Where stories live. Discover now