Chapter 21

506 35 33
                                    

Chapter 21
Home

"Bruha ka!" naiinis kong hinigit sa braso si Ali nang makalabas kami sa venue.

"Girl, mukha naman syang effective! She walked away kaya!" she replied before giggling.

Problemado akong bumuntong hininga at umiling. Hinayaan ko si Ali na mauna sa sasakyan habang napapaisip pa rin sa kalokohan niyang ginawa kanina.

Tsk. Hindi ko na talaga dapat sya pinayagan na maging representative ko.

"You okay?"

Nakasimangot kong nilingon si Konon dahil sa tanong niya. Tumawa siya dahil doon kaya bahagya akong natigilan. Umiling ako matapos noon at nagsimula nang sumunod sa kaibigan.

"Hey, Ameliah!" tumatawa niyang tawag sa akin bago humabol. Akma ko syang sisinghalan nang matigilan ako dahil sa paglalagay niya ng coat sa aking balikat. "I'll send you home now. Have a rest and reflect on what happened tonight."

"Thank you for accompanying me," balik ko sa kaniya.

Matapos ang gabing iyon ay sumabak na ako sa maraming trabaho sa mga sumunod na araw. Mrs. Dior reminded me of my upcoming booksigning kaya naman inuna ko iyon bago ko sinimulang bigyang pansin ang sinasabi ni Romulo na offer sa akin.

"I can't work full time," sabi ko bago naglapag ng juice lamesa.  Itinago ko rin sa bulsa ang aking cellphone matapos kong mag-set ng alarm para sa dapat kong alalahanin bukas.

Tomorrow is Konon's birthday. Monday.

Narito ngayon sila Jacos, Rom, at River. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila rito. Mukhang nagkayayaan kasi silang mag-unwind kanina kaya dumaan na rito.

"And why?" taas-kilay na tanong ni River.

"I'm writing a story. I have to finish it before they start the shooting," mabilis kong sagot.

"Ginagawang movie ang stories mo?" kunot-noong tanong ni Rom. Mabilis akong tumango at naupo sa couch na medyo malayo sa kanila

"I've heard sa'yo yung Night in a Hotel?" It's Jacos.

"Yep."

"Dior's the lead there, right?" nagtatakang tanong ni Rom. Nilingon nya ako bago tinaasan ng kilay. "So, you two talk?"

Dahil sa tanong niyang iyon ay para akong biglang kinabahan. Bahagyang nanlaki ang aking mata. I blinked thrice before nodding.

"Of course, Rom, they talk! Syempre kailangan!" umiiling na sabi ni River. Tumango na lang ako roon.

"Yeah, right," Rom smirked. "By the way, you can visit the company tomorrow. I'll wait for you."

"Sige. By nine siguro ako pupunta," tumatango kong sabi.

"Pero, Liah, totoo? Ang chismis ay may girlfriend na yun, ah?" usisa ni River. Natigilan ako dahil doon at napaisip. Kunot-noo kong nilingon ang aking kaibigan. "I'm not a Marites, ha? I'm just curious," depensa nyang bigla.

"Sus!" Jacos smirked. "Pero, ano nga, Liah? Totoo? Ilang beses na raw yun nakikita na may kasamang babae, e."

Babae?

"Ewan. We're not close," balewala kong sagot.

"Liah..." tawag sa akin ni Rom. "Are you planning a revenge towards Jan?" he asked seriously. Dahil doon ay napuno ng katahimikan ang aking condo. Hindi ako kaagad nakaamik.

"Hey, it's okay if you don't wanna talk about —"

"I'm not," putol ko kay Jacos. "Someone made me realize that... revenge is not the only way to ease the pain people have caused me from the past."

A Martial's Query (Saint Series #6)Where stories live. Discover now