Chapter 19

518 37 7
                                    

Chapter 19
Little story

"Hi," mahinahon na bati sa akin ni Konon nang makalabas ako ng apartment. Akmang babatiin ko sya pabalik nang biglang may umakbay sa akin kaya kaagad akong bumuntong hininga.

"Your arm is so heavy!" angal ko kay Alisson na ngayo'y nakangisi sa akin.

"Sorry!" she then giggled. Lumipat siya sa kaniyang pinsan at doon umakbay. "Steilacoom, huh! Something that is hard to pronounce," pang-aasar nya sa pinsan.

"Stop teasing him!" saway ko sa aking kaibigan.

"Ang pogi ng pinsan ko, di ba, Liah?" may nakakalokong ngiti na dagdag ni Ali. Bumitaw sya sa kanyang pinsan at bahagya pang tinapik sa balikat. "This is so casual look. You look hot!"

"Thanks," sagot ni Konon. Ngumisi pa sa amin si Ali bago nagtatakbo kay Que na nobyo nya.

"I'm so sorry about her," nahihiya kong sabi kay Konon.

"It's okay. Sanay na ako," aniya. Ngumiti ako at tumango.

"By the way, she's right. You look so casual and good today," papuri ko. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin.

"You're gorgeous," balik nya kaya tumango ako.

He's currently wearing green sweater, gray slacks with black belt and black Jordan shoes. Mas mukha syang matangkad dahil sa porma na iyon. Ang height ko na 5'8 ay hanggang kili-kili lang nya. I guess he's around 6'7-6'8. He's way taller than... Chano. Chano is 6'3 yata.

Okay? Why am I suddenly bringing him up?

Ang suot ko nama'y plain white shirt, black boyfriend jeans, at white sneakers, by the way.

"How's your... check up? I saw your psychiatrist a while ago," sabi niya makalipas ang ilang sandali na katahimikan. "You made him come here... are you alright?"

Dahil sa tanong niya ay natigilan ako. I sighed before nodding.

"Hoy, mamaya na 'yan! Baka mahuli na tayo!"

Biglang sigaw ni Que na ngayo'y nakasakay na sa van na gagamitin namin papunta sa The Pavilion nitong Steilacoom. This is actually my first time to go there. Kanina ko lang nasigurado ang pronunciation noon dahil kay Ali. Pang-ilang lugar na rin ito na pupuntahan namin ni Konon. Lugar na mahirap bigkasin. Talagang tinototoo nya ang mga hiling ko. Kahapon kami dumating ng Steilacoom at napagdesisyunan na mag-stay ng two days for the event.

"I brought Kylo, by the way," ani Konon nang pasakay na kami sa van. Marahan pa nya akong inalalayan papasok doon habang ang mga kasama naman nami'y sobrang iingay.

"Really? Where's he?"

"Kon, dala mo naman ang drumstick mo, ano?" pagsali ni Que sa aming usapan.

"Yeah, I prepared, Quentin. Chill," nakangisi na sagot ni Konon sa kaibigan bago nilingon ang pinsan. "Ali, let's exchange seats, please? It's better if you and Liah are together here. This seat is more comfortable," dagdag pa nya. Kaagad namang tumango si Ali at lumipat sa tabi ko mula kay Que.

"Thank you, mr. Gentleman!"

"Welcome."

Nang paalis na ang van ay inabot sa akin ni Konon si Kylo. Nasa second row kaming mga babae habang ang mga lalake nama'y nasa likuran lahat. We're eleven, I guess. Kasama namin ang girlfriends ng ibang kaibigan ni Konon kaya naman marami kami. Si Ali lang ang ka-close ko sa kanila kaya naman mas pinili siguro ni Konon na itabi sya sa akin.

"Yung guitar pick mo, Alfonso, umayos ka!" banta ni Sexton.

Ang alam ko'y si Sexton ang lead vocalist ng mini rockband nila. Si Konon ang drummer, si Alfonso ang lead guitarist, at si Que naman ay bassist. Basically, si Beau ay hindi kasali dahil wala naman daw syang hilig sa ganto. May pupuntahan kaming Pinoy event . Napagdesisyunan nila na sumali sila sa performer para naman daw makapag-bonding sila dahil lahat sila'y busy. They're all doctors.

A Martial's Query (Saint Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon