Chapter 4

597 33 47
                                    

Chapter 4

"Liah, Liah, hinog ka na ba? Kung oo, oo, friends na tayo!"

Literal kong tinakpan ang ears ko papasok sa school nang mag-start na namang mag-sing ang annoying na boy na ito. Argh! Mula sa school bus ay noisy na s'ya dahil may dala s'yang mic na de battery. Baka raw kasi hindi ko s'ya naririnig. Nakakahiya!

Argh! So much hate talaga!

"Stop it! Nakakahiya!" pigil ko nang malapit na kami sa entrance. Ang ilang American naming school mates ay nagtataka na sa amin kaya mas nadagdagan ang problems ko. "What do you want ba kasi?"

"Friends! Gusto ko friend tayo—"

"Okay, fine. We're friends na, bye," pagpayag ko na lang before I left him there na.

"Sabay tayo mamaya, ha?" huli niyang sabi.

"One more round after the break!" malakas na sigaw ni Rom sa kaniyang team mates. Umiling ako at pinanood siya sa pagtakbo palapit sa akin. "Ano? Ayos lang ba ang hitsura ko?" tanong niya sa akin.

"You're crazy," usal ko. Dinampot ko ang cellphone niya na nasa hita ko. "She messaged you, nandyan na raw s'ya."

Shanne's coming. Rom's crush.

Hindi ko alam na gagawa ng ganitong katangahan si Rom para lang mapansin ng babae, knowing na siya si Rore. This is insane. This Shanne must be something.

"Gagi, anong gagawin ko?" natataranta n'yang tanong.

"Tell her to come inside —"

"Hoy, wag! Baka makita s'ya ng mga Agnes!" tutol n'ya kaagad.

"Haynako, bahala ka!" sabi ko at tumayo na nang makita ko na ang motor ni Feliciano na palapit. Kinuha ko na rin ang mga gamit ko dahil may pupuntahan pa kami.

"Problema n'yo?" tanong ni Chano nang bumaba siya sa motor at iabot sa akin ang susi. Kinuha ko iyon at ibinigay naman sa kaniya ang aking mga gamit. "Helmet, Pupa."

"Oo, alam ko," sagot ko at sumakay na sa motor. Mabilis kong binuksan ang makina noon.

"Helmet nga kasi!" galit na sabi ni Chano. Sinimangutan ko siya bago ko kinuha ang helmet para isuot.

"S'ya magda-drive?" usisa ni Rom. Mabilis akong tumango at sinenyasan na si Chano na umangkas na. Sumunod siya at madrama na yumakap sa aking bewang. "Ngayon nga pala kayo bibili ng materyales."

"She's coming," paalala ko kay Rom. Tinapik ko na siya sa balikat bago pa niya kumbinsihin si Chano na huwag pumayag na ako mag-drive.

Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan. Kaagad kaming nakalabas ng Agnes, nakita ko pa ang sasakyan ni Shanne sa labas, mukhang hinihintay si Rom.

"That's Rom's crush," sabi ko kay Chano nang malagpasan namin si Shanne.

"Oo," tanging sagot ni Chano. Halatang alam.

Nagpatuloy ako sa pagmamaneho, ilang saglit pa'y nakarating kami sa convinient store na malapit sa Louis. Akmang bababa ako sa motor at huhubarin ang helmet nang pigilan ako ni Chano.

"What the heck?" angal ko.

"Nandyan yung mga nakasagupaan mo sa school n'yo, sige ka!" banta ni Chano. Nanlaki ang mata ko.

"H-hindi nila pwedeng makita na kasama kita!" natataranta kong sabi. Mas hinigit ko palapit sa aking ulo ang helmet. "They... they all think I'm perfect! What the heck?"

"E 'di... tara!" ani Chano. Nagulat ako nang higitin niya ako papasok ng store habang naka-helmet na neon green.

"Bwisit ka! Papatayin talaga kita!" bulong ko nang makarating kami sa loob. Mahigpit na humawak ako sa laylayan ng kaniyang grey uniform habang pilit na isinisiksik ang sarili sa kaniya. Hanggang kili-kili lang yata niya ako kaya siguradong maiitago n'ya ako. He's 6'5 so I guess I'm safe.

A Martial's Query (Saint Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon