Chapter 17

443 27 32
                                    

Chapter 17
Strong

It's been...

"It's been three years and you're still not having it, Liah!" nakairap na usal ni Jeah na ngayo'y abala sa pagtitimpla ng kape na ise-serve ko. "Ni hindi ka close sa mga kasamahan natin na lalake! We're here for three years!" she added.

Tahimik akong tumango at kinuha na ang kape. Dinala ko iyon sa table seven. May mga kababaihan na nakaupo ro'n at ngayo'y nag g-group study yata.

Yes. I've been working in this bookshop for three years already.

"I'd like to be sick always, then," rinig kong sabi ng isang babae sa table. Mukhang highschool sila. "Imagine? He's my doctor!"

"Are you sure that he's still single?" bulong ng isa bago ibaba ang libro.

"He said in his last interview that he is. But his Instagram account is saying the other way," sagot ng kasama nila. Tahimik kong tinapos ang paglalapag ng order nila bago umalis doon.

"Girls! I saw Konon! He's currently in St. David's hospital!" sabi ng bagong dating.

"Yep! That's what we're talking about here. You're late!" sabi ng isa.

Tinapos ko ang oras ng shift ko sa bookshop. Inihanda ko na ang aking mga gamit dahil may lakad pa ako. Palabas na sana ako nang pigilan ako ng manager kaya wala akong nagawa kundi mag-overtime dahil kulang ng manpower ang shop. Masyadong maraming customer ngayon dahil holiday season na naman.

"Liah, here!"

Mula sa paglibot ko sa buong restaurant ng aming meet up ay saka lang ako nakahinga ng maluwag dahil nakita ko na ang blockmates ko.

"Where have you been? We've been waiting for you here for hour, girl," ani Anastasia na pabiro pang umirap kaya natawa ako.

"I'm really sorry. There was an emergency at the bookshop I'm working in," hinihingal kong sagot. Kaagad akong naupo sa tabi ni Clint.

"Let's just get over it and start this one," it's Kelly this time.

Gaya ng plano, ginawa namin ang aming thesis dahil malapit-lapit na rin ang pasahan noon. We have to double check everything para lang makapasa kami at maka-graduate this year. Architecture is never easy. Napakalaki pa ng gastos. Hindi biro ang tuition fee. Mabuti na lang talaga at may kinita ako dati na syang nilaan ko sa pag-aaral ko rito sa Georgetown University. Last year ko na naman itong pag-aaral kaya kaunting gastusin na lang. Talagang yung pangkain ko lang sa araw araw ang ginagastusan ko. Isama na rin ang bahay, kuryente, at tubig.

Lagpas na tatlong taon na ako dito, mukhang nakakausad na rin naman ako kahit papaano. Umalis din ako mga three weeks after ng pananatili ko doon sa condo unit na binili ni Bianca. Wala ni isang may alam kung nasaan na ako ngayon. Nasa Washington pa rin naman ako, sadyang lumayo lang ako sa lugar na alam nila Bianca. Ayaw ko lang na umasa pa sa kanya.

I also stopped using phones. I have one, pero ginagamit ko lang sya for educational purposes. Pero minsan... hindi ko maiwasang gumamit at mag-wander. Saglit lang naman yon dahil natatakot ako na baka may kung ano akong makita na ikakasira ulit ng pagkatao ko. Hindi ko rin alam kung babalik pa ba ako sa Pilipinas matapos ang lahat ng nangyari.

"Ma'am, please give it at least a shot? Do read the first three chapters!" pakikiusap ko sa isang kilalang editor at dating sikat na aktres sa Pinas.

"Liah, I told you to write something that fits your imagination! Huwag yung actions na pilit ang bawat scenes! I clearly feel bitterness!" aniya at inirapan pa ako.

"What do you mean po?" tanong ko bago bitawan ang kaniyang coat na kanina ko pa hinihigit.

"Liah, I've read your past books. That's the genre I'd like to have from you!" paliwanag pa nya. "I'll wait for your first three chapters," she added before leaving me in the middle of crowded place.

A Martial's Query (Saint Series #6)Where stories live. Discover now