42. Nothing to be Scared of

1K 68 52
                                    

Punong-puno ng tao ang buong bahay. Halo-halo ang ingay na maririnig dito- some are laughing while still having dinner inside the dining area, some already ditched dinner and opted for the alcohol habang nag-aagawan sa microphone ng karaoke machine na nasa sala, 'yung mga tawanan at sigawan naman ng mga bata ang naghahari sa labas ng bahay. The entire house is literally full! Maging sa mga kwarto ay andun ang iilan sa mga maliliit kong pamangkin na mahimbing nang natutulog.

This is exactly what I love about all my brothers getting married and having kids, our parents' house was never empty. Although tonight we're celebrating, doble pa sa buong pamilya namin ang mga taong andito, including Kuya Joel and Ai's friends and co-workers. We're all here to celebrate one thing, and it's none other than Ai passing the Physician Licensure Exam.

Yes, you heard it right! Lisensiyado nang doktor si Ai matapos ang lahat ng pinagdaanan nito... Matapos ang lahat ng pagsasakripisyo at paghihirap niya, she finally got it. She finally got her license.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya para sa kaibigan. I knew how much she worked hard for it, kaya't 'nung nilabas na ang result online ay 'di ko napigilan ang sariling maiyak habang nagtititili sa loob ng lounge namin sa ospital. Mabuti na nga lang at mag-isa ako kasi baka masumpa ako ng wala sa oras kapag may naistorbo akong tulog. I remember how much I was shaking that time na maging ang pag-dial sa number ni Ai ay sobra akong nahirapan. I swear, 'yung iyak ko para sakaniya ay parang 'yung iyak ko 'nung pumasa din ako.

I'm just really proud and happy for her.

So of course, three days later we're finally here. Gusto ni Ai ng intimate dinner lang kasama ang buong pamilya namin para ipagdiwang ang tagumpay nito but of course, my brother wouldn't let it happen. Sabi pa nito ay kilala na niya ang asawa niya, he knew how much Ai loves a good party, even if it's PG-13. Kaya't nagpatulong ito sa 'kin (bilang ako naman talaga 'yung pinaka-may silbing Jimenez pagdating sa pagpa-plano sa mga ganitong bagay) para surpresahin si Ai.

It's really not that hard to surprise her though, mababaw lang ang kaligayahan nito. But still, she deserves the best after what she just achieved kaya't kahit last minute ay naghanap ako ng caterer na ang specialty ay mga pagkain mula Iloilo (although she never managed to fix the rift between her and her mother ay 'di parin naman ito nakakalimot sa pinanggalingan niya. She's still the feisty little woman who curses in Hiligaynon), I rented a karaoke machine and, bought tons and tons of drinks. And of course, she loved every bit of it! Like I said, she's not that hard to please kaya't laking tuwa ko nang makita siyang ineenjoy ang buong araw kasama ang mga taong mahal at malapit sakaniya.

I was blending well with the crowd for half of the party. Saglit lang akong nakisalamuha sa mga Tita at mga iba pang kaibigan ng nanay ko. Siguro ay dahil sa tumatanda na ako ay iniiwasan ko na talaga 'yung parte ng kamustahan kasama ang mga ito kasi paulit-ulit lang din naman ang itatanong...

Kamusta ka na?

Ilang taon ka na nga ulit, hija?

Parang kailan lang ay ang liit-liit mo pa, ngayon ay doktora na. Libre ang check up ko sa 'yo ha?

Kailan ka mag-aasawa?

Ayaw mo bang magkaroon ng anak?

The first time ay nakukuha ko pang makipagtawanan kasabay nila but now, it's just getting exhausting. And draining. Kaya't mas pinili ko nalang na makipaglaro kasama ang mga pamangkin ko. Siyempre 'yung sa mga maliliit lang ako may kontrol, those that are closer to the age of Trixie are upstairs doing their own thing. I don't know how long I was locked inside the bedroom, away from the crowd, when Ai interrupted our playtime and told me that our friends already arrived.

Busy being YoursWhere stories live. Discover now