15. Cold Brew

631 37 23
                                    

"San ka uupo ngayon?"

Agad na napaangat ang ulo ko nang marinig ko ang boses ni Jason. I was too preoccupied with my notes, reviewing it while walking towards our classroom, that I didn't even noticed him waiting for me outside.

Nakasuot ito ng kulay green niyang National Research Convention hoodie. It wasn't actually his. It was Luke's, but him being the clingy ass gf aside from Clem, stole it from Luke's closet without even him knowing.

Tinaasan ko lang ito ng kilay, "Huh?"

He laughed and motioned the classroom.

"San ka uupo ngayon?"

Hindi ko nalang ito pinansin saka siya tuluyang nilampasan. I felt him following me though so it's alright.

Sa loob ng isa't kalahating buwan na pag-upo ko sa likurang banda ng mga classrooms (except those classes na may alphabetical order seating arrangement) ay si Jason ang katabi ko. Hindi ko nga alam kung lowkey nagpapasalamat siya 'dun o hindi dahil mas napapadalas ang pagtulog nito kapag nasa likuran kami. He always say that he's never been so well-rested in his whole life.

Ang OA lang talaga.

Narinig ko ang kumento niya 'nung nilampasan ko lang rin ang madalas kong rows na inuupuan sa nakaraang mga linggo. I don't have plans on seating back there again. Bukod sa sobrang layo sa projector, nakaka-distract tingnan ang kabuuan ng classroom kapag andun ka - lahat ay napapansin mo... 'yung mga kaklase mong humihikab, natutulog, naguusap, nagre-reklamo... Lahat! That's why I always prefer to be seated in front, preferably the seat beside the center aisle para gitnang-gitna ka talaga, kasi nakatuon lang sa isang bagay at isang tao ang buong atensiyon ko - the instructor and its lecture.

Abby and Ai are already seated on their usual seats. Nasa likuran lang din nila ang mag-pinsan, Sixto is busy reviewing his trans while PJ is just using his phone. Lahat sila ay napatingin sa banda namin ni Jas nang mapansin nilang papalapit na kami sakanila.

Kinakabahan akong nginitian ni Ai habang dahan-dahan niyang kinukuha 'yung bag niyang parating nakalagay sa dati kong pwesto, as if she's still reserving it for me even though she's sure that I won't be seating there. Tipid ko lang din itong nginitian saka tuluyang umupo 'dun.

Narinig ko ang mahina nitong pagsinghap pero 'di ko na pinansin. Muli kong tinuon ang atensiyon sa inaaral ko habang nag-iingay na naman si Jason sa likuran habang isa-isang niyayakap ang dalawang lalaki while saying na-miss ko kayo.

I rolled my eyes.

"Hi," bulong ni Ai sa tabi ko.

I glanced her way. Gusto kong matawa sa nangingilid niyang mga luha at sa kinakabahan niyang mukha but I did my best not to.

I'm cool with her, okay? I'm already cool with them. Matapos akong kidnapin ni Jas (he'd deny it) papuntang The Glasshouse ay medyo nahimasmasan rin ako. I realized na habang pinapatagal ko 'yung anumang kaartehan na pinapairal ko ay mas lalo lang na napupunta sa 'kin ang sisi kung ba't 'di kami nagkaka-intindihan.

Oo nga't naglihim halos silang lahat sa 'kin but the fact that I also avoided it instead of confronting them makes me liable to the damage as much as they are. Gusto na nilang makipag-ayos, ako 'yung may ayaw. It did make me seem petty.

Tama nga siguro si Jason, kung ano mang dahilan kung ba't nila napagdesisyunang ilihim iyon, it's probably a very good reason. Kailangan kong maintindihan 'yun. I'm supposed to be the friend who cares, not the one who's been constantly pushing them away. I should be the bigger person.

But it doesn't mean na hindi ko rin pagt-tripan si Ai. Kailangan ko ring makabawi kahit paano 'no.

Kaya't tipid ko lang itong nginitian bago muling binaling ang atensiyon sa ipad ko.

Busy being YoursWhere stories live. Discover now