47. Of Dreams and Scheduling

986 46 81
                                    

Fluff-fluff-fluff-smut-and then, fluff

TW // Explicit content ahead. Read at your own risk.

xx

Punong-puno na naman ang OR board, wala nang nakakapanibago dun.

I can see my name all over it because Malcolm, the poor guy, is always loaded. Though hindi din naman ito nagrereklamo, I think na sanay na ito sa ganito kadaming workload because he's going through it with ease and a smile on his face kaya as a part or his surgical team ay medyo nasasanay... In fact ay sanay na ako sa ganito ka-busy na araw, although sobrang lala din ng sitwasyon ko kapag nakakaramdam ako ng burnouts.

Yes, we doctors, experience that too.

Yung tipong pakiramdam mo ay mamamatay ka na after 24 hours of duty at gusto mo nalang iiyak lahat pero hindi pwede kasi kailangan mo pang matulog kasi maaga ka na namang papasok kinabukasan? That's been my routine recently especially that I had to make up with the time that I missed from work when we were away for my birthday.

It's been almost a week since Luke and Clem went back to Australia, sina Lils naman ay umuwi ng Samal to visit Ely's mother at panay ang post ng mga beach pictures na 'di naman nakakainggit. HINDI TALAGA!

I'm currently in the PACU to monitor a few patients and to check on the checklists that Nika worked on earlier this day. Kakatapos lang kasi talaga namin (sa wakas) ni Malcolm sa mga trabaho namin sa loob ng OR. It feels so good to be out of your OR scrubs and to feel fresh from the shower kaya tahimik lang din akong nagdarasal na sana ay wala nang emergency cases for today because I already feel so beat already.

I'm on my third patient now nang tumunog ang phone ko, notifying a text message. Agad ko itong kinuha mula sa bulsa ko at napangiti nang makitang galing iyon kay Jason.

From: Gilbert Blythe
Are you free to have lunch with me?

I bit my lip to stop myself from smiling. Tumikhim muna ako saglit, binulsa ang phone ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Speaking of Jason, it's been two weeks since we got engaged. 'Di pa nga tapos 'yung chismisan sa ospital tungkol sa pagiging mag-jowa namin ay may panibago na naman silang pinaguusapan when they saw me wearing the ring at work. I never really tried hiding it, in fact, even inside the OR ay suot-suot ko parin ito as a necklace pendant. Siyempre ay inatake ako ng mga kasamahan ko, especially Eve and Ebony na kulang nalang ay kalbuhin ako nang kinumpirma kong engagement ring nga ang suot-suot ko.

"Ba't ba ang hilig mong manggulat ha? First, 'di ako aware na matagal na pala kayong magkaibigan tas isang araw nabalitaan kong kayo na, and then ngayon naman ay ikakasal na kayo? San ka nakakahanap ng oras na lumandi? Paturo naman!"

"May nalalaman pang 'di ko alam, 'di ko alam pero mag-aasawa na pala! My god, Doc June! I'm so happy for you!"

At siyempre, hindi din nagpahuli si Malcolm na muli na naman kaming kinulong ni Jason sa isang OR with his excuse of it being a combined surgery. Although yes, kailangan talaga ng pasyente ng general and cardiothoracic surgery procedures ay hindi rin nito sinayang ang pagkakataong tanungin kaming dalawa ni Jas sa harap ng buong OR staff tungkol sa engagement namin.

"You see, I heard something Dr. Andres... Dr. Jimenez..." Napaangat ang tingin ko sakanya habang nakaupo parin ako sa gilid ng anesthetic machine. I raised a brow at him before I looked at Jason who's already suturing. Abala ito sa ginagawa niya but he's listening.

Busy being YoursWhere stories live. Discover now