29. That's Just It

615 40 39
                                    

For ktxcassianna, her theory made me panic a lot because it's so close to what I planned for this arc but thank you for being so invested with the squad. The attention to details, amazing! Will tweet her theory in a while. Also to those who also guessed that Jason had a son with Celia, ang galing- galing niyo! 🧡

Hope that I won't disappoint you guys! Trust me on this one. I write happy endings, alam niyo 'yan. Ehem TMWIE, ehem.

Follow me on twitter - @writtenbyvam
Follow the spotify playlist - j&j 👀

Play the song on the multimedia. Tayo Lang Ang May Alam - Peryodiko. Nasa playlist din hehe

Happy 4K reads J&J! THANK YOU SO MUCH! Happy reading and stay safe! #JandJwp

Love, Vam 🧡

xx

I stared at the familiar blank wall that greeted me when I woke up from my very light sleep.

Ni hindi ko man lang namalayang nakatulog na pala ako o nakauwi na sa amin. Hindi ko na kailangang itanong pa kung sinong nag-uwi sa 'kin... isang tao lang naman ang naaalala kong kasama ko bago tuluyang bumigay ang buong katawan ko dahil sa kapaguran.

Unti-unti ko na namang nararamdaman ang paninikip ng dibdib ko nang maalala ang mga pinagusapan namin ni Jason... ang ginawa namin matapos niyang aminin sa 'kin ang sikretong matagal na niyang dala-dala... ang kabigatan nito.

My eyes started to water as I started to remember everything. From his continues sobs and hopeless cries... Hindi ko lubos maisip kung gaano kahirap... kung gaano kasakit ang dala-dala niyang sikreto... nilang dalawa ni Celia.

I've known Jason ever since I was eighteen. Hindi man ganun katagal gaya nina Lilith but six years is also a long time... long enough for me to get to know him. Or at least that's what I thought...

Jason Andres.

First thing that comes into your head when you think about the guy is light... other words that are close to it would soon follow - he's funny, positive, goofy, an embodiment of you only live once. Pero masyado akong naging kampante sa pag-aakalang kilala ko na nga siya. Lagi siyang andiyan para sa amin na mga kaibigan niya, sa amin na tinuturing niyang pamilya. He's been with us through our ups and downs. He became Luke's family when they were both left to live independently here in the country, he promised to give Lilith his full support when she decided to start from scratch instead of inheriting what was prepared for her by her family, he became Clem's older brother here in the city who keeps on checking up on her when Luke left to finish his masters degree abroad... sa akin naman... where do I even begin?

Ang dami niyang ginawa para sa akin. Para sa aming lahat.

Hindi ko matanggap na 'nung isang beses sa buong buhay ni Jason na nadapa siya ay wala man lang kaming nagawa. Ni hindi niya kami binigyan ng pagkakataong tulungan siyang makabangon at maghilom. At para ano? Dahil natatakot siyang akusahan namin siya sa kasalanang hindi naman niya sinasadya? Dahil nahihiya siyang magsabi? Dahil ayaw niyang bigyan kami ng problema. 

Even at his lowest, Jason Andres still puts us first above anything else... even if it means mourning the death of his own son on his own.

Tila malalagutan na naman ako ng hininga. I couldn't even close my eyes without even thinking about him, kung anong ginagawa niya habang nagluluksa ito. Halos araw-araw kaming nagkikita 'nun pero ang tanging naaalala ko lang ay ang mga ngiti at pagpapatawa niya. Totoo nga 'yong sinasabi nila na kahit iyong mga may pinakamaliwanag na ngiti ay may tinatago rin palang kalungkutan. I couldn't imagine kung anong ginagawa ni Jason sa tuwing umuuwi na ito sa bahay niya pagkatapos naming mag-aral... kapag mag-isa nalang siya at hindi na matatakasan ang katotohanang isang beses sa buhay niya ay naging ama ito pero 'di man lang niya naranasan.

Busy being YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon