16. Old Habits Die Hard

803 41 88
                                    

"I asked Lils, sabi niya may meeting daw siya with their planner for that day kaya ikaw lang talaga ang maaasahan to make a reservation--- nakikinig ka ba, June?!"

I just hummed.

Nakatutok parin ang mga mata ko sa screen ng phone ko. Walangyang Luciano at Jason, talagang ako ang pinagtutulungan! I should've known. When Jas told me earlier na kakampi niya ako, at si Luke ang uunahin naming patayin ay dapat 'di na ako naniwala. It's Luciano Mariano Jr. that we're playing against with, at si Jason Andres naman ang dakilang balimbing ng buong mundo! Kung sinong pakiramdam niyang mananalo ay 'dun na naman ito dumidikit.

"Pota Luke! 'Wag ako, si Jason oh! Wala ngang ginagawa 'yan eh!"

Luke only chuckled from Clem's line.

I heard my best friend groan.

"What the hell? I've been talking for a while now and none of you are even listening to me?"

I smirked, magkukumento pa sana ako na ang arte-arte nito pero naunahan na ako ni Luke. Bigla-bigla nalang itong nawala sa game namin, completely distracting me. I looked up for a while to check on my laptop's screen. 'Dun ko nakita si Luciano na titig na titig sa umiirap ko nang kaibigan.

I bit my lip and did my best to not laugh at them. Sobrang cute lang talaga ng dalawang 'to. Ang sarap ibulsa pareho. Nagpapa-cute si Luke habang sinisindak naman ito ni Clem gamit ang mga titig niya, but as her best friend for almost seven years ay alam kong nagpipigil lang na ngumiti ang babaeng 'yan. Kunwari pa eh, alam naman ng lahat kung gaano ito kabaliw for him.

"You were saying ma?"

Napailing nalang si Clem bago ako muling binalingan.

"Okay ka na? Naipanalo mo na?"

Saglit kong sinilip ang phone ko at agad na sumimangot nang makitang kaka-message lang ni Jason na pinagmamalaki ang pagkapanalo nito. As if.

He only won because Luke quit and I got distracted. But okay, let's just let him be. Kawawa naman. Pagbigyan nalang natin.

"Sure na talaga kayong akong bahala sa party ni Jas ha?"

I looked at them both.

Prenteng nakasandal si Luke sa headboard ng kama ni Clem, habang ang isa naman ay abalang-abala sa mga papeles na nakapatong sa kandungan nito. She's currently taking up her master's degree kaya mas lalong nagiging busy ito while Luke had a work trip in Sydney a few days ago, um-extend lang ito para daanan saglit si Clem sa Melbourne that's why he's with her.

'Nung una pa nga ay stressed na stressed si Ate niyong Clementine dahil sa work trip ng boyfriend niya. Ito naman kasing si Lolo niyong Luciano, kina-career ang pagiging best boyfriend ng taon at piniling isikreto ang work trip niya kay Clem. Kaya naman itong best friend ko na halos tumira na sa hospital dahil sa super hectic na trabaho at pag-aaral ay hindi alam kung alin ang unang ire-react nang makita nito si Luke sa harapan ng apartment niya, kung maiiyak ba ito sa tuwa o maiinis dahil hindi siya handa. She's the type of person who hates surprises pa naman.

Pero nang sinabihan naman namin ni Lilith na gawing pabor sakanya ang sitwasyon ay pinamulahan naman ito sa inis (o hiya).

"It's not like we can do much about it," Clem answered, her eyes are now on her papers. Malamang ay 'di na niya ako sinisindak knowing that she already got my attention.

I sighed and grabbed my planner. I opened it and started browsing for my vacant days.

"Ikaw nang bahala, June. I trust Jason with you."

"Wow, tatay na tatay Luciano ha!"

He just chuckled, "Basta ikaw nang bahala. Kung may problema, message mo lang ako or si Lilith. Kahit dito man lang, makabawi kami sa isang 'yun."

Busy being YoursWhere stories live. Discover now